Chapter 7

8 0 0
                                    

Chapter 7

  Dumating na ang araw ng sports festival. Mapapansin na aktibo lahat ng students ngayon. Maraming sports at games na ang natapos at ang baba ng score namin.

"Ano bang ngyayare sa inyo? Parang wala kayong mga gana. Pano tayo mananalo nyan?" Si Ms. Perez.

  Parang ngkaroon ng bad aura ang buong klase, nawawalan na ata ng pag-asa tong mga to. Bigla namang dumating si Charmaine galing sa duty nya sa committee.

"Guys wag kayong mag-alala marami pa tayong pagkakataon na makabawi, pagbutihin pa natin." Sabi nya.

  Bigla nawala ang bad aura na bumabalot sa buong klase, lahat sila ay naging active ulit at desididong-desidido bumawi. Ibang klase talaga si Charmaine, ilang salita lang nya nagbago ng husto ang mood ng klase. Tapos biglang..

Ding dong dang dong

"Sisimulan natin ngayon ang isang student council event. Mula sa lahat ng student ay bumunot kami ng isa para maging target at ang nabunot ay walang iba kung di si Mr. Ariel. Ang unang makahuli sa kanya within 10minutes ay mananalo ang class nila ng 100 points. Pero pag walang nakahuli sa kanya, ang klase nya ang makakakuha ng 100 points. Let the event BEGIN!!"

  Teka muna. Random? Tapos ako nanaman? Halata namang sadya yun eh. As usual di pa ko nakakapagisip ng maayos ay marami nanamang nakapaligid sakin. Tumakbo ako ng mabilis at salamat natapos ang 10 minutes na walang nakahuli sakin.

"Wooh ang galing mo Al!" Sigaw ni Gelo.

"The best ka talaga!" Si Daryl.

"Lamang na tayo ngayon! Hahaha!" Dagdag pa ni Leo.

  Grabe magsaya tong tatlong to samantalang ako kinakapos ng hininga. Narinig kong nagsalita si Chris, sya yung isa ko pang katabi ng silya.

"Tsk. Ang ingay talaga ng klase na to." Sabi nya at bigla syang umalis.

  Nagkaroon muna ng 1hour break para sa lunch. Dumating si Karen at bigla akong niyakap.

"Ang galing mo kanina dun sa event, ang galing talaga ng boyfriend ko." Sabi nya.

"Hoy Karen, magkalaban yung klase natin. Anu nanamang ginagawa mo dito?" Sabi ni Aya.

"Masama bang kamustahin yung boyfriend ko?" Sagot niya. "Sige Ariel alis na ko, ichicheer kita mamaya." Ngumiti sya at saka umalis.

"Hay si Karen tlaga." Si Aya na nagbuntong hininga.

  After lunch ay nagsimula na ang 2nd part ng sports festival. Relay ang sunod na game at kapartner ko si Charmaine. Itinali ko ang magkabilang paa namin at pumwesto na sa starting line. Pagkarinig ng signal ay agad kaming tumakbo.

"Ariel kunin mo ung papel." Sabi ni Charmaine ng marating namin ang isang mesa.

  Nasa "bring me" part na kami. Binuksan ko yung papel at ang nakalagay na word ay 'silver', kelangan kaming makahanap ng silver at dalhin sa finish line. Pero san kami kukuha ng silver?

Exciting MemoriesWhere stories live. Discover now