Chapter 16

3 0 0
                                    

Karen's POV

May narealize ako nung date namin ni Ariel nung sembreak. I really do love him, sabi na nga ba sya yung soulmate ko. Nalalapit ng yung founders festival ng school namin, yayayain ko sya na maglibot during the festival. Pumunta ako sa classroom nila nung lunchbreak para yayain syang kumain pero nakita ko silang mag-kausap ni Charmaine, nakita naman ako ni Aya kaya lumapit sya sakin.

"Oh Karen, anong meron?" Tanong nya.

"Ah, yayayain ko sana si Ariel na maglunch pero mukang busy ata sya." Sagot ko.

"Organizer kasi sila ni Charm para sa attraction namin sa festival kaya magkausap sila ngayon." Si Aya.

"Ganon ba? Sige next time nalang. Una na ko." Paalam ko.

Wala din naman akong magagawa, atleast magkatulong lang sila bilang organizer at walang ibang meaning.

After matapos lahat ng klase ay nglakad na ako para umattend ng volleyball training namin. Nakita ko naman si Ariel na nasa tapat ng student council office, agad akong lumapit at yumakap sa kanya. Sinasabihan nya naman ako na wag daw muna ko magulo kaya mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya, syempre noh miss ko kaya sya. Nagulat naman ako ng may biglang sumigaw.

"TUMAHIMIK NGA KAYONG LAHAT!!" Si Charmaine.

Tumakbo palabas si Charmaine, bigla naman kumawala si Ariel at hinabol sya. Parang biglang bumigat yung pakiramdam ko nung nakita kong hinabol ni Ariel si Charmaine. Naiisip ko tuloy na baka may gusto sya kay Charmaine, at di lang yun, napapansin ko din na nagiging close sila nung 1st year na si Kristina.

Nagpunta na ko sa gym para magpractice pero parang wala ako sa kondisyon. Di pumapasok ang serves and spikes ko, parang nakaramadam ako ng sobrang pagod. Napansin naman yun ni captain.

"Karen ok ka lang ba? Kung di mabuti ang pakiramdam mo you can take a day off." Sabi nya.

Tinaggap ko naman ang offer nya. Pag-uwi ko, dumeretso na ko sa kwarto ko. Pinipilit kong isipin kung bakit ako nagkakaganito, tinawagan ko na lang si Aya para makahingi ng payo.

"Oh Karen napatawag ka. Ano palang ngyare sayo sa practice kanina? May problema ka ba?"

"Di ko alam eh, basta parang bigla nalang bumigat yung pakiramdam ko. Nagsimula lang to nung nakita ko si Ariel na hinabol si Charmaine kanina." Sagot ko.

"Sus yun naman pala eh. Wala ng ibang explanation dyan kung di selos noh. Nagseselos ka noh?"

Bigla akong natahimik. Dun ko narealize na tama si Aya. Actually, alam ko naman sa sarili ko na nagseselos ako pero ayoko lang tanggapin dahil nasasaktan ako.

"Siguro nga nagseselos ako." Sagot ko kay Aya.

Tina's POV

Sunday na tomorrow. Excited na ko sa lakad namin ni kuya Ariel. Hindi to date ha, gusto ko lang talaga ipakita ang appreciation ko sa xftpagpayag nya na maging coach ko. Tinext ko sya para iinform kung what time and kung saan kami magkikita.

' Good morning kuya Ariel. Kita nalang po tayo sa may restaurant malapit sa school, mga 11 po. ' then send.

Mga 9am ay sinimulan ko ng mag-ayos, medyo natagalan lang ako sa pagpili ng susuotin. Ng mapansin ko yung oras, quarter to 11 na pala, siguradong di na ko makakarating sa tamang oras. Pagdating ko sa tapat ng restaurant nakita ko si kuya Ariel na nakaupo sa may bench, almost 30 minutes na syang ngaantay dun, nakakahiya tuloy sa kanya.

Nagsorry naman ako sa kanya at salamat naintindihan nya, ang bait talaga ni kuya. Habang nag-uusap, nagulat ako ng bigla nyang punasan yung pawis ko gamit yung panyo nya, biglang nag-init yung muka ko, baka mapansin nyang namumula yung pisngi ko.

Exciting MemoriesWhere stories live. Discover now