Chapter 11

6 0 0
                                    

Tina's POV

  Pagkatapos ng competition ay di ko na nakausap si kuya Ariel, nagyaya kasi si captain na magcelebrate daw sa pagkapanalo namin.

  Kinabukasan lunchbreak, inassemble kami ni captain sa pool. Magkakaroon daw muna kami ng break sa training dahil tapos na ang competition. Pagkalabas ng pool ay sinalubong ako ng newspaper club para interviewin, dahil di naman ako sanay sa ganon ay pumasok ulit ako at pumunta kay captain.

"Oh wag ka ng mahiya ganyan talaga pag nakaachieve ka ng isang malaking goal. Naranasan ko din yan dati nung unang panalo ko." Sabi nya. Pero nung napansin nyang di talaga ko comportable, kinausap nya ung newspaper club na wag nalang muna ko interviewin.

  Narinig ko naman yung bulong-bulungan nung ibang member ng team.

"Tignan mo sya oh feeling sikat eh 1st year palang naman sya." Sabi nung isa.

"Oo nga kala mo naman kagalingan." Sabi nung kasama nya.

  Nasaktan ako sa mga sinabi nila. Ito ba yung makukuha kong treatment after kong ibigay yung best ko? Sana pala di ko nalang ginalingan, sana pala di nalang ako nanalo. Gusto ko ng makausap si kuya Ariel, siguradong wala syang sasabihing masama tungkol sakin.

  Naisipan kong tawagan si kuya Ariel, ng ini-iscroll ko ng yung mga contact numbers ko napansin kong wala pala kong number ni kuya. Ano ba naman yan, ang dami ko ng pagkakataon para hingin yung number nya. Ilang beses na kami nagkasama di ko man lang naisipang itanong yung number nya. Naiiyak na tuloy ako, kailangan ko ng makakausap, si Sha naman kanina pa umuwi.

  Tinry kong pumunta sa classroom ni kuya Ariel pero wala ng tao dun, di ko nanaman sya nakita ngayong araw na to. Pumunta muna ko sa school church. Umupo muna at nagdasal. Maya-maya ay may lumapit sakin, pagtingin ko si kuya Ariel pala. Pinagpapawisan sya, parang kanina pa yata sya tumatakbo dahil hinihingal pa sya.

Al's POV

  Tama ako si Kristina nga yung nakaupo. Lumapit agad ako sa kanya.

"Huff huff, kanina pa kita hinahanap." Sabi ko habang hinihingal pa.

"Bakit mo po ako hinahanap?"

"Balak ko kasing itext ka kanina pero nakalimutan ko palang hingin ang contact number mo." Paliwanag ko.

"Ha? Ako din po eh. Tatawagan sana kita kanina pero di ko padin pala nahingi yung number mo." Sabi nya.

"Haha, anu ba tong ginagawa natin. Parehas lang pala tayo ng iniisip."

"Oo nga po." Sabi nya with matching giggles pa.

  Nagtawanan lang kami dahil sa pangyayare na yun. Nagpalitan na kami ng contact numbers at syempre kinong-gratulate ko sya.

"Kristina congrats nga pala sa pagkapanalo mo kahapon. Ang galing mo." Bati ko.

"Salamat po Kuya Ariel. May nakalimutan ka pa po, nanalo ako kaya yung reward ko po." Sabi nya.

  Naalala ko yung about dun, medyo nahiya nanaman tuloy ako.

"Ah.. ehh.. ano.. ahh congrats ulit Tina." Sabi ko at napansin kong napangiti sya.

Exciting MemoriesWhere stories live. Discover now