Chapter 25

6 0 0
                                    

Chapter 25 

Tina's POV

Naisipan kong pumunta sa class nina kuya Ariel nung lunch break pero walang tao. Nabasa ko naman sa board yung message, ngayon nga pala yung fieldtrip nila and Sunday night na ang balik nila. Monday ko na pala makikita ulit si kuya.

Afterschool dumiretso na ko sa club para magtraining, pagdating ko puro 2nd year lang ang nandun. Wala ang 3rd years at dayoff naman ng 4th years dahil nagpreprepare sila for the entrance exams nila. Nagdecide yung iba na magcutting nalang, no choice na din ako. Niyaya ko nalang si Sha na sabay na kaming umuwi.

"Oh bat parang anlungkot mo ngayon?" Tanong nya. "Ay oo nga pala wala nga pala ngayon ang love of my life mo." Pang-aasar nya.

Alam nya na nga pala na may gusto ako kay kuya Ariel, sya lang naman yung nagpaposas samin ni kuya nung founders festival, lakas talaga ng pakiramdam nito.

"Bat di mo sya itext?"

"Oo titext ko sya pag-uwi." Sagot ko. Iniwan ko na sya kasi inaasar nya ko.

"Hoy san ka pupunta? Kita nalang sa school bukas!!" Sigaw nya.

Pagdating ko ng bahay ay agad kong tinext si kuya.

'Goodevening po kuya. Kamusta naman po yung 1st day nyo dyan?' Then send.

Naghintay naman ako ng reply pero walang dumating. Pagkatapos ko kumain ng dinner ay tinext ko ulit sya.

'Hello po. Kumain ka na po ba? Ano pong ginagawa mo ngayon?' Then send.

After several minutes ay tumunog ang cellphone ko, agad kong tinignan kung sino.

'Ano nagreply na ba si kuya Ariel sayo?' Si Sha lang pala. Bigla tuloy akong nadissapoint na hindi si kuya yung nagtext.

'Di pa nga eh, tulog na tayo.' Reply ko.

Kinabukasan nagkita kami ni Sha, may usapan kasi kami na sasamahan ko sya magshopping.

"Oh anong ngyari sayo? Bat ang laki ng eyebags mo?" Si Sha. "Di sya nagreply noh?"

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya, di nga nagreply si kuya.

"Buti pa samahan mo nalang ako mag-videoke, para naman mag-enjoy ka kahit saglit." Yaya nya.

Sumama naman ako sa kanya. Nagrent kami ng isang room at sinimulan na ni Sha kumanta.

Please understand my feelings

My heart is crying strongly and

wistfully, I reach out my hand, 

further and further.

Maybe I'll be able to put it

directly, someday.

Don't worry, this exciting

feelings will never stop.

Hindi ko napansin na tapos na palang kumanta si Sha.

"Uy ano ka ba? Wala man lang palakpak?" Sigaw nya sakin.

Pumalakpak ako pero halatang tamlay na tamlay ako. Napabuntong hininga naman sya.

"Tina dapat masanay ka na, hindi naman sa lahat ng oras makakasama natin si kuya Ariel. Tsaka kahit anong mangyare, una silang gragraduate kesa satin."

Lalo akong nalungkot sa sinabi nya. I just faced a huge fact, oo nga ahead nga pala sya sakin ng one year kaya kahit anong mangyare maiiwan ako sa school pagkagraduate ni kuya.

Naisip ko tuloy, dahil lang sa isang taon, sa isang taon na pagitan namin.

Napansin naman ni Sha na umiiyak na pala ko, di ko man lang napansin na tumulo na pala yung luha ko.

"Uwi na tayo." Yaya ni Sha.

Hinatid ako ni Sha hanggang sa bahay, medyo kumalma nadin ako.

"Thanks Sha." Sabi ko at nagpaalam na sya.

Bago matulog ay tinext ko ulit si kuya.

'Kamusta po kayo dyan? Masaya po ba dyan?' Then send.

Di parin sya nagrereply, busy siguro but I still texted him.

'Nabasa ko po sa internet na may dolphine show daw dyan, kakainggit naman po kayo.' Then send.

Wala padin syang reply, naiiyak nanaman tuloy ako. Tinext ko ulit sya.

'Kuya bakit po di ka nagrereply?'

Message sent..

Message sent..

Message sent..

Message sent..

Message sent....

Nothing, wala akong nareceive kahit isang reply. Nagsimula ng tumulo yung luha ko. This time I took all my courage para tawagan sya. Pero di mareach yung number nya, then isang voice receiver yung sumunod kong narinig.

Dahil sa sobrang lungkot ay di ko na naisip pa ang mga sunod kong nasabi.

'Kuya Ariel, I miss you. Gusto na kitang makita.'

Then I fell asleep,crying.

The next morning, excited na ko dahil ngayong gabi na ang uwi nina kuya pero tommorow ko pa sya makikita. Saka ko lang naalala yung nasabi ko sa phone kagabi. Bakit ko sinabi yun? What's worst is that I'm crying habang sinasabi yun. Wala nadin naman akong magagawa dahil nasabi ko na. Ano kayang magiging reaction ni kuya Ariel?

Exciting MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon