Chapter 19

3 0 0
                                    

Al's POV

Dumating na ang araw ng festival. Umaga palang ang dami ng tao. Ok na lahat ng preparations namin. Nagsimula ng pumasok yung mga tao sa loob ng horror house, puro sigawan ang naririnig ko kaya sigurado akong successful ang horror house namin. Busy din ako as representative ng student council, nakiusap kasi si Cedric sakin na tumulong sa kanila.

Maya-maya ay narinig kong naguusap sina Gelo, Daryl at Leo.

"Leo tara na, magsisimula na yung play ni Charmaine." Si Gelo.

"Sige, Al tara na." Yaya sakin ni Leo.

Bigla naman akong tinawag ni Aya.

"Al san ka pupunta? Kailangan ka namin dito, sobrang busy natin."

"Pero magsisimula na yung play ni Charm."

sagot ko.

"Kahit naman kami gusto namin manood pero di kami makaalis."

Wala na akong nagawa, sinimulan ko ng tumulong sa kanila. Hahabol nalang ako sa play. Ng bigyan ako ng break ni Aya ay agad akong pumunta sa may gym kung san ginaganap yung play, pero sa pintuan palang ay sinalubong na ko ng isang student council.

"Ariel kanina ka pa namin hinahanap. Kailangan namin ng tulong mo, kulang kami sa tao ngayon. Tara na." Sabi nya.

Wala nanaman akong nagawa, responsibilidad ko naman kasi to. Takbo dito takbo doon. Natapos na lahat ng trabaho ko pero kasabay nun ay natapos nadin ang play at di ko napanood si Charm.

Karen's POV

Naglilibot ako mag-isa sa festival, ang daming mga kung anu-anong booth. Nakita ko si Ariel na mag-isa at mukang malungkot kaya pinuntahan ko sya.

"Ui anong ngyare sayo?" Tanong ko sabay hampas sa likod nya.

"Kaw pala Karen, sobrang busy kasi kanina, di ko tuloy napanood yung play ni Charm." Sagot nya.

Ouch, malungkot sya dahil di nya nakita si Charmaine. Bigla namang sumikip yung dibdib ko sa narinig ko. Niyaya ko nalang sya na maglibot.

"Tara maglibot na lang tayo, ang daming booth na gusto kong i-try eh. Tsaka sayang naman tong festival kung magmumokmok ka lang dyan." Yaya ko.

"Sabagay tama ka tsaka medyo gutom nadin ako eh. Haha." Sagot nya.

Mabuti naman at mukang masaya na sya. Ang dami naming kinaen, umorder kami ng crepe, choco banana, cotton candy at kung ano-ano pa. Nagtry din kami sa ibang mga booth.

Habang naglalakad ay biglang pinaligiran si Ariel ng mga lalaki, hinawakan ang kamay nya at pinosasan. Ng tinignan ko kung sino yung nasa kabilang part ng posas, si Tina pala.

Tina's POV

Mukang may gusto nga ako kay kuya Ariel. Kaya pala affected ako sa tuwing nakikita ko na magkasama sila ni ate Karen, 1st time ko makaramdam ng ganito.

Naglilibot ako ngayon dito sa festival, hinahanap ko kasi si Sha. Kasama ko lang yun kanina tapos bigla nalang nawala. May lumapit naman sakin na isang lalaki.

"Ikaw ba si Kristina Valdez?" Tanong nya.

"Ako nga po. Ano pong kailangan mo?"

"Pasensya na ha trabaho lang." Sabi nya.

Hinawakan nya ako at kumuha ng isang posas sa bulsa nya at pinosasan ang kanang kamay ko.

"Mga 10minutes lang naman to. May nagpahuli kasi sayo sa booth namin." Sabi nya.

Hinahatak nya ko at parang may hinahanap, humingi din sya ng tulong sa mga kasama nya. Nakita kong may pinaliligiran yung mga kasama nya, hinila naman ako nung nagposas sakin papunta dun at may isa pang kamay ipinosas sa kabilang dulo. Pag tingin ko kung sino, si kuya Ariel pala at kasama nya nanaman si ate Karen.

Exciting MemoriesWhere stories live. Discover now