36

1.5K 86 4
                                    

(I'm back! para sa iyo kapatad ❤)

36

"Dad, are you serious?" tanong niya sa kabilang linya, sinigurado niyang hindi malakas ang pagkakasabi niya para hindi magising ang iba pa nilang kasama. Napa-upo siya sofa at napatingala, sumasakit ang ulo niya, hindi siya sa makapaniwala sa sinabi ng dad niya.

[yes, i am. Nasabi ko na 'to sa mom mo, okay lang daw sa kanya kung papayag ka.. i need you to run our business in here, tutal bakasyon na, marami ka nang oras. You're living with me, for good ]sabi nito sa kanya. napaface palm siya, ayaw niyang iwan ang lahat dito, ang kaibigan niya, si sehun at lalong lalo na si baekhyun.

"Let me think about it dad.. please" mahinang sabi niya, sandaling natahimik ang dad niya pero nagsalita din agad.h

[okay, text me kapag nakapagdesisyon ka na. Aalis ka na dyan after 3 days] sabi nito.

"dad.."

[yes?]

"please don't tell sehun about this... ako na ang magsasabi sa kanya." sabi niya sa ama. Alam ni chanyeol na nakangiti ang dad niya dahil sa sinabi niya. Lagi na lang kasi inaalala ni chanyeol si sehun,.

[okay, sige. i'll hang up na. i have lots of work to do. Ingat kayo ni sehun diyan] sabi nito at nag paalam na siya. Tumayo siya sa sofa at pumunta sa terrace. Iniisip niya kung itutuloy ba niya ang pag- alis papuntang china.

Naiintindihan naman niya ang dad niya sa tuwing wala ito, alam niyang para sa kanila ang ginagawa nito at ngayon kailangan na niyang suklian ang paghihirap nito. Pero paano yung mga taong iiwan niya, ngayong nakahanap na siya ng mga tunay na kaibigan. Ayaw niyang umalis dahil naging maganda ang buhay niya simula noong makilala niya nang lubusan si baek at ang mga kaibigan nito. Hindi na siya yung dating chanyeol na sarili lang ang iniisip, nagbago na siya. At ayaw niyang umalis dahil nag babaka sakali siyang mapagbibigyan pa siya ni baekhyun.

ilang minuto din siyang nag muni muni nang napansin niyang may tumabi sa kanya, tinignan niya ito at nagulat. Tinawanan siya nito at inabutan ng kape, nag thank you naman siya dito.

 "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito sa kanya at uminom sa kape.

"dapat nga tanungin ko din sa iyo yan."sagot niya.

"di ako makatulog,namamahay ako" sabi nito., tumingin siya dito at ngumiti.

"namamahay din ako" 

Sabi niya na ikinatawa nila pero di nagtagal ay natahimik sila.

 "Baek, please give me another chance" Baekhyun frozed.

Lumingon siya kay chanyeol,kita sa mga mata nito ang pagkadesperado. Hindi niya alam ang isasagot niya, lagi na lang ganito. Sa tuwing ginugulat siya ni chanyeol sa mga sinasabi nito ay lagi siyang naghahanap ng mga salitang sasabihin niya dito.

"Chanyeol, alam mo naman kung ano yung sitwasyon natin" sabi niya dito..

"sigurado ka na ba, wala na bang pag-asa?" 

'Please say mayroon pa, at hindi na ako aalis' 

hindi nakasagot si baek, yumuko siya at tumitig sa kape niya. Alam na ni chanyeol ang ibig sabihin nito, oo nadisappoint siya pero wala siyang magagawa kaya tumawa siya at tinap ang ulo ni baek na parang aso.

"Eto naman, ayos lang. Wala naman akong magagawa eh, tutal kasalanan ko di ko kaagad nagawan 'to  ng solusyon." sabi niya, napatingala naman si baek at nakita niya ang ngiti sa mukha ni yeol. Alam niya peke iyon. 

Gusto man niyang sabihin na mahal niya pa ito pero may pumipigil sa kanya. Ayaw niyang saktan si sehun.

"i'm sorry.." yun ang tanging nasabi niya. Ibinaba ni chanyeol ang kape niya sa table na nasa tabi niya at lumapit kay baekhyun para yakapin siya. Yumakap naman pabalik si  baekhyun, gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya. Ayaw niyang makita ni chanyeol .

"Okay lang baek. Naiintindihan ko naman.. Alagaan mo nang mabuti si sehun, alagaan mo din ang sarili mo.." aniya na ipinagtaka ni baek pero hindi na niya ito pinansin.

mas humigpit ang yakap ni chanyeol kay baek. Tutal ay wala na siyang dahilan para manatili kaya nakapagdesisyon na siya..

----

"Guys! Langoy na tayoo! tutal last day na natin to!" Sigaw ni irene sa kanila, Tinry niyang maging cheerful ang tono ng pananalita niya. Nalaman niya kasi kay chanyeol na aalis na ito bukas at sa kanya nito unang sinabi. Syempre nalulungkot siya dahil bukod sa aalis ito ay broken pa ang bestfriend niya.

lahat naman sila ay tumakbo na papunta sa cottage, naiwan sila ni yeol na papalabas pa lang.. lumapit si yeol sa kanya at inakbayan siya.

"mukhang di ka okay ah. Dahil ba sa sinabi ko?" tanong nito sa kanya. Di siya sumagot, baka kasi maiyak na lang siya bigla.

"eto naman, mamiss mo ako no? crush mo nga yata ako eh" anito at tumawa, hinampas naman niya ito sa braso ng pagkalakas lakas, dinaing naman ni yeol ang sakit. Bigat kasi ng kamay eh.

"Bwisit ka, syempre bestfriend kita, nakakalungkot kaya ng walang inaasar. Lalo na't Basted ka nanaman" Sabi niya at pinunasan ang luha niya, natawa naman ng mas malakas si chanyeol at mahinang binatukan si irene.

"sira to, May skype naman ah, pwede tayong mag-usap doon" anito at ngumiti. napangiti din si irene sa narinig kaya tinanggal niya ang pagkakaakbay sa kanya ni yeol at inilagay ang mga braso niya sa leeg nito kaya siya naman umakbay dito.

Nagtawanan lang sila habang papunta sa cottage, lahat naman sila naweweirduhang tumingin sa kanila lalo na si baek,  kaya bumitaw si irene sa pagkakaakbay kay yeol at lumapit sa kanya.

"Halika baek may pag-uusapan tayo" sabi niya at hinila na si baek palayo sa kanilang lahat. Susunod nanaman si taeyeon kaso pinigilan siya chanyeol, kulit eh.

----

"Baek, Nakwento sa akin ni yeol na nabasted siya.. wala na ba talaga?" tanong ni irene. Tumango siya at umupo sa buhangin, tumabi sa kanya si irene.

"Wala naman siguro siyang magagawa doon, Pero cheer up! Hindi naman galit si yeol sa iyo, mahal ka kaya nun" sabi ni irene at tinapik tapik ang likod niya.

"Pero ano na nga pala ang plano mo kay taeyeon? hindi naman habang buhay na mananahimik at iiwasan mo siya ah." dagdag pa ni irene, napakamot sa leeg si baek, hindi niya rin kasi alam ang gagawin kay taeyeon.

"to be honest, hindi ko din alam" sagot niya. 

"Sabihin mo sakanya kung anong gusto mong sabihin sa kanya. Oo, sabihin na nating ayaw mong saktan yung feelings niya. pero kahit kasi anong gawin mo masasaktan at masasaktan din siya, kaya dapat habang maaga pa, ireject mo na siya" advice nito sa kanya, tumayo na si irene at iniabot ang kamay sa kanya, tinanggap naman niya ito at tumayo na rin.

"Okay, susundin ko ang advice mo " aniya at nginitian si irene. 

"kapag kailangan mo ng back-up tawagin mo ako ah." sabi pa nito, hindi na siya sumagot at ginulo ang buhok nito.

----

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon