5

2.9K 140 76
                                    

5

"Aray hyung! Sorry na oh!" Kanina ko pa hinahampas itong batang ito. Bakit sinabi niya pa na nililigawan niya ako?  Baka ano pang sabihin ng mga tao nito.

"Aishh! Bitch na nga ako, nagmukha pa ako lalong malandi! Walang hiya ka talagang bata ka!" Sabi ko at hinampas ulit siya.

"Hyung naman eh! Doon din naman ang bagsak natin eh! Ok lang yan! Akong bahala sa kanila!" Sabi niya at inayos yung buhok niya na sinabunutan ko kanina, kawawa sa akin 'to, nabugbog ng hindi oras.

"Adik ka talaga! Sarap mong ipatapon sa galaxy. Arggh!" Nagwalk out ako pero sinundan lang ako ni sehun, nasa likod naman ni sehun yung dalawang tunay na nagliligawan na tumatawa lang.

Nakakainis lang , naiinis ako nang dahil kay chanyeol. Aba! Hindi ko na siya kinukulit pero nagagalit pa rin siya?

Papasok na ako ng classroom namin nang bigla akong hinila ni sehun at niyakap.

"Huy, ano nanaman to? Sehun bitaw! Soo, kai! Help me!" Pabulong kong sigaw, hindi ako pinansin ng KaiSoo at nilagpasan kami. Bastusan lang?

"Okay lang yan hyung, wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila. Besides kilala kita at alam ko kung anong ugali ang mayroon ka. Hindi kita iiwan, poprotektahan kita. Isumbong mo lang sa akin kung sinong mananakit sa iyo" nawala ang inis ko sa sinabi niya, my heart felt warm sa bawat words na sinasabi niya.

"Alam mo?"

"Ano?"humiwalay kami sa yakap.

"Ang drama mo. Sige na, alis. May klase ka pa.." nagpout ang bata.. bored look naman ang ginanti ko sa kanya.

"Sige na nga, basta sabay tayo sa pag uwi mamaya ha."

"Okay" ngumiti siya at hinalikan ang noo ko bago umalis.

Nang makapasok ako ng room ay nakangisi lang si kai at kyungsoo. Buti na lang at walang nakapansin sa aming dalawa kanina, lahat kasi may kanya kanyang pinagkakaabalahan eh.

Umupo na ako sa tabi ni kyungsoo. Ilang sandali pa lang ay kinalabit niya ako.

"Oh, problema mo?" Lumapit si soo sa tenga ko at bumulong.

"Ang sama ng tingin ni chanyeol sa inyo kanina noong nasa harap kayo ng pinto. Tignan mo bad mood" napatingin ako sa pwesto ni chanyeol, at kita sa mukha niya na naiirita siya.

"Baka naman nag away sila ni dara, ganyan din yung tingin niya sa atin kanina sa labas"

"Baka naman nagseselos?" Kumunot na lahat ng balat ko sa sinabi ni soo, kailangan munang pumuti ang uwak bago mangyari yun.

"A.S.A"

~~~

SEHUN•

"Hyung"

"Hmm"

"Hyung"

"Oh."

"Hyung"

"Kulit nito, bakit nga?"

"Wala lang, cute mo kasi eh" binatukan naman ako ni baek hyung, nakaka-ilan na to ah!  Pero ayos lang basta siya ang nambabatok sa akin, hehe!

"Manahimik ka nga sehun, kanina ka pa. " he glared at me. Cute pa rin naman.

"Eh, bakit? Hindi mo ba pansin?" Kumunot naman bigla ang noo niya sa sinabi ko.

"Ang ano?" Ngumiti ako ng malapad at nagbeautiful eyes sa kanya.

"Sagwa mo"

"Hindi mo pa ako pinapatapos sa sinasabi ko, hyung naman"nag hand gestures siya na parang sinasabi niya 'ituloy mo'

"Sige, proceed"

"Hindi ba pansin na nagpapacute ako sa iyo?" He rolled his eyes then groaned.

"Ay hindi sehun, di ko pansin. Tigilan mo nga yang labi kakapout, nag mumukha ka nang bibe" sumimangot ako sa sinabi niya. Aba, ang gwapong si ako mukhang bibe?

"Cute naman!" Sabi ko sabay behlat sa kanya. This may look childish , pero nag eenjoy naman ako. Hindi talaga ako ganito kumilos, sadyang si baek lang ang kayang maglabas ng hyper side ko.

"Pangit mo.." lalong kumunot ang noo ko..

"Bakit ang harsh mo sa akin?"

Natawa siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"Joke lang, di naman to mabiro.. oo na cute ka na"napangiti ako sa sinabi ni hyung.. hindi niya talaga ako matiis!

Ilang minuto pa lang ay nakarating na kami sa bahay nila, pumasok muna ako ng bahay para batiin si luhan.

"Sehunnieee!" Takbo papalapit sa akin ni lulu, at nagpabuhat., ang cute niya talaga!

"Luhan, tawagin mo naman siya ng hyung." Saway ni baek sa kanya, hindi siya pinansin ni luhan at yumakap ng mahigpit sa leeg ko.

"Ayos lang yan hyung, bata pa lang naman siya eh. Maiintindihan din niya pag medyo tumanda na siya" sabi ko at kiniss ang cheeks ni luhan, ang fluffy niya. Sorry, i can't help it.

Nag shrug lang si hyung at pumasok sa kwarto niya. Tumingin naman ako kay luhan na nakangiti.

"Kamusta ang baby deer ko?"

"Im okay! Masaya ako kasi nandito si sehunnie!" Sabay yakap ulit sa akin.

"Dito matutulog si sehun di ba?" Tanong pa niya, umiling ako at kiniss ang noo niya.

"Sorry ,  lulu. Hindi pwede ngayon eh."sumimangot siya sa narinig niya, napangiti ako at ginulo ang buhok niya.

"Sorry talaga, maybe next time. Promise ko" sabay taas ng pinky finger ko.

"Okay." At nagpinky promise kami.

"Hyung! Aalis na ako!" Sigaw ko.

"Oo sige! Ingat!" Sigaw niya pabalik.

Binalik ko naman ang pansin ko kay luhan na, teary eyed na. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Bye na baby deer ,  don't worry. Babalik ako. Tapos papasyal tayong dalawa. Okay ba sa iyo yun?" Naglighten up ang mukha niya at tumango tango.

Ginulo ko muna ang buhok niya bago lumabas ng bahay.

~~~

Nang makarating ako ng bahay ay naabutan ko si chanyeol hyung na nanonood ng StarWars sa sala.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad , pero natigilan ako nang magsalita siya.

"Sehun, layuan mo na si baekhyun" napalingon ako sa kanya, eyes on Tv pa rin, as usual no expression.

"Why would i?"pang hahamon ko sa kanya. Siya naman ang tumingin sa akin.

"He's not good for you. Ganoon din sa mga kaibigan niya. Bad influence sila, lalo na si baekhyun" sabay balik ang paningin sa pinapanood niya, kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What makes you think na bad influence siya sa akin? There's any valid reason para lumayo sa kanya, ha hyung?" Nainis ako sa kanya, wala siyang karapatan na utusan akong layuan si baek. Walang dahilan para iwan ko siya.

"He's a bitch, a slut, a bad person. He gets what he wants , but not me. So get away from him. I don't want you to fool by him" naiiritang sabi niya, i closed my fist and clenched my jaw. Kung naiinis siya ngayon ay mas naiinis ako sa kanya, hindi niya alam ang mga sinasabi niya.

"Aww, hyung! Don't act like you really know him. The truth is you really don't know everything about him.. hindi mo alam kung anong tama sa kanya, mas nakikita mo kasi ang defects niya. Pero sabagay, kailan ka nga pala nagkaroon ng pakialam sa kanya? I don't want to say this hyung but you're a total jerk." I said then went to my room..

Sayang hyung, hindi mo alam ang pinakawalan mo.

~~~

To be continued

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon