17

2.4K 104 37
                                    

17

Third person's POV

"Date tayo!"

"Huh?"

Napalingon si baek kay sehun na nakaupo at nanonood ng TV. Lumingon siya pabalik at ngumiti.

"Sabi ko date tayo" lumapit si baek sa kanya.

"Bakit? Anong mayroon?" 

"Wala lang, last time na niyaya kitang mag date, hindi pwede kasi may shift ka sa trabaho hindi ba?" The latter just crossed his arms .

"Ano.. Hindi ako pwede. Si lu---"

"Sama ako sa date!" Biglang sulpot ni luhan sa kung saan at tumakbo papunta kay sehun.

"A-ah, lulu. Paano ba to? Uhm, Alam mo ba yung date?" Tanong ni sehun kay luhan. Napailing ang bata sa tanong ni sehun, natawa siya at ginulo ang buhok nito.

"Ang date kasi para sa dalawang tao lang na mamamasyal, tapos you should date someone if you like him." kumunot ang noo nito sa sinabi ng nakataranda, confusion all over his face.

"Date tayo sehunnie!" Nagliwanag naman ang itsura ni luhan nang magets niya iyon.

"Hindi pwede lulu eh."

"bakit? Luhan likes sehunnie, bakit di tayo pwedeng mag-date?"

Pinalo naman ni baek si sehun sa ulo gamit ang sandok, napa-aww lang siya at bumaling dito.

"Park sehun! Tumahimik ka nga diyan! Kung ano ano tinuturo mo sa kapatid ko, ang bata bata pa niyan!" Nag pout lang si sehun.

"Papayag na akong makipag-date sa iyo..." bigla namang napangiti si sehun sa narinig pero nawala lang iyon nang..

"Kung isasama natin si luhan" napasimangot lang ulit si sehun at nagpout.

'Napaka-isip bata talaga nito' isip ni baek.

"Hindi talaga ako papayag na makipagdate kasi walang magbabantay kay luhan kung umalis tayo"sabi ni baek at bumalik sa kusina para tignan ang niluluto niya.

"Eh, yung mga magulang ng kaklase ni luhan, si Me-mensok, Minseok... Yun! Si minseok nga!" Tapos itinaas pa niya yung hintuturo niya.

"Wala sila, may outing sila ngayon. Kaya hindi pwede" sagot naman ni baek na ikinasimangot ni sehun

"Ang daya!" Napa-tingin si sehun kay luhan at nagpuppy eyes ito sa kanya habang nakakapit sa damit niya. Napabuntong hininga siya.

"aish! Di ko matiis tong batang to. Sige na nga!" Tumalon talon si luhan sabay  sabi ng 'yey!' . Napangiti naman si  baek na nagluluto.

"Luhan! Magbihis ka na, aalis tayo after kumain" sabi ni baek. Agad naman kumaripas ng takbo si luhan papunta sa kwarto niya at nagbihis.

Tumayo naman si sehun sa inuupuan niya at pumunta ng kusina. Binack hug niya si baek na nagluluto parin at pinatong niya  ang baba niya sa balikat nito.. sakit daw bhe!

"ano ba, bitaw nga. Wag mo akong nilalandi sehun, nagluluto ako." Reklamo ni baek pero hindi nakinig si sehun, mas ibinaon niya ang sarili niya sa leeg nito.

"Baek, I love you" natigilan si baek sa   pagluluto.

"I love you, i know matatagalan pa bago mo ako magustuhan dahil mahal mo pa si hyung pero please baek wag mo akong iiwan.. di ko kaya pag iniwan mo ako. I love you at hindi ako magsasawang mahalin ka" medyo napangiti si baek sa narinig   niya at humarap kay sehun. Makikita mo sa mata niya yung love at pagiging sincere niya.

Sehun is madly inlove with byun baekhyun at ang sarap daw sa feeling. Ang sarap magmahal ng isang byun baekhyun.

Sehun stared at his eyes down to his lips. Natempt siyang halikan ito, pero hindi naman masama yun hindi ba?

Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Tuluyang nablanko si baek dahil sobrang lapit na ng mukha ni sehun sa mukha niya at hindi niya napigilang pumikit.

Magkakalapat na sana ang mga labi nila nang..

"Baek-hyung!! Im ready na! Kain na tayo!" Sigaw ni luhan, napamulat naman agad si baek nang marinig ang kapatid at malakas na tinulak si sehun palayo na ikinatumba nito sa sahig.

Pumasok naman si luhan sa kusina at pumwesto na sa hapag-kainan. Napatingin siya sa sahig at nakita niya si sehun na naka-indian sit at naka-pout.

"Baek hyung, bakit mukhang bibe nanaman si sehunnie?!" Nanlalaki naman ang mga mata ni baek na lumingon sa kapatid niya at inilapag sa mesa ang ulam nila.

"A-ah, wala lulu, hayaan mo yung hyung mo, sinusumpong eh. kain ka nalang dyan" kinakabahan na ngumiti si baek sa kapatid at umupo na sa harap ng mesa.

'Kainis muntik na eh!' Isip ni sehun.

---

"Ha? Bakit kasama ako?" Tanong ni chanyeol sa kapatid niya na halos kumapit na sa paa niya sa sobrang pagmamakaawa.

"You need to babysit luhan habang nagdedate kami, di ba sabi mo tutulungan mo ako? Hyung, dali na naghihintay na sila sa labas." Napakamot si chanyeol sa batok niya at pumayag na, napangising aso si sehun at tumakbo na palabas ng bahay.

Napailing si chanyeol at umakyat sa kwarto niya para magbihis.

Nang makalabas na sa bahay si sehun ay nakita niya na mukhang naiinip na si baek kaya nilapitan niya ito.

"Akala ko ba may nakalimutan ka lang? Bakit ang tagal mo?"

"Ano kasi, kinausap ako ni hyung . Sasama daw siya." naging stiff si baek sa narinig. Kasama daw si chanyeol..

si Chanyeol..

"Oh, okay" tanging nasagot lang niya at pumasok na sa passenger seat.

Lumabas naman si chanyeol sa bahay nila after niyang magpaalam kay mama park at sumakay na sa back seat kasama si luhan. Hindi na lumingon si baek kay chanyeol kasi.. ayaw niya. Wag niyo nang pilitin!

Sumakay na din si sehun at lumingon muna siya sa Dalawa na nasa backseat.

"Luhan, eto si chanyeol hyung mo.. hyung siya si luhan, kapatid ni baek" ngumiti si chanyeol kay luhan at ginulo ang buhok nito.

"Good morning luhan.. nice to meet you" nahihiyang ngumiti din si luhan.

"G-good morning channie h-hyung" napatingin naman si chanyeol sa pwesto ni baek.

"Baek good morning" nagulat pa si baek sa narinig niya, tumango lang siya at mahinang sumagot ng 'good morning din'

After nun ay inayos na ni sehun ang sarili niya at nag simula nang magdrive.

At lahat sila iniisip na mukhang magiging kakaiba ang araw nila ngayon.

---

(A/n: this chapter is dedicated to FireLightus na gumawa ng magandang cover ng story, salamat ulit! ⊙▽⊙ at kay YourFangirlingUnnie )

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon