33

1.6K 102 20
                                    

33

Hindi makagalaw sa pwesto niya si baek. Nanginginig pa rin siya at umiiyak, hindi rin niya alam ang sasabihin niya after ng nangyari. Napayuko siya, pero hinawakan ni yeol ang baba niya para iangat ang ulo niya.

"Please say something... natatakot ako kung hindi mo ako sasagutin, just please.. magsalita ka.." kinakabahan na sabi ni yeol. Hindi niya alam kung anong klaseng reaction ang binibigay ni baek sa kanya, hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o hindi. At ang tunay na sagot diyan ay wala sa dalawang iyan. Mixed emotions si baek at hindi rin niya malaman kung anong dapat maramdaman niya.

"N-nalilito na ako chanyeol.. Noong nakaraan ang sabi mo kalimutan na kita at pagbigyan si sehun. Ngayon naman sasabihin mo sa akin mahal mo ako? Hindi mo ba naiisip kung anong mararamdaman ni sehun?" Naiinis na sabi ni baek, binitawan nito ang baba niya at umupo ng maayos.

"Alam na niya na mahal kita.." sabi nito. Hindi siya makapaniwala dahil totoo talagang mahal na siya ni yeol, na kailangan pa niyang umamin kay sehun kahit alam niyang magagalit ito sa kanya.

"Kaso ang sabi niya hindi ka niya isusuko.. Kahit pa na sabihin niya iyon, babawiin pa rin kita sa kanya, kasi nga mahal kita." Dagdag pa niya at ngumiti kay baek. Napayuko ulit siya sa hiya. Never na naging ganyan si yeol sa kanya, hindi nga siya sanay.

"Noong mga lumipas na mga araw, marami akong narealize, na mali pala lahat ng desisyon ko, na kahit sabihin ko sa sarili kong kailangan kong magparaya  hindi ko kaya dahil ayokong mawala ka, na kahit anong pinapaniwalaan kong makabubuti sa atin mali pa rin dahil mas lalo tayong gugulo. at ngayon hindi ko pinapagulo ang sitwasyon, inilalagay ko lang ang lahat sa tama. Ibinabalik ko ang dapat mangyari ngayon."

"I have no plans of letting you go, ngayong may pagkakataon pa ako. Lalaban na ako . Itatama ko lahat ng ginawa ko sa iyong mali. Mamahalin na kita nang higit pa sa pagmamahal mo sa akin noon. I will make you mine again byun baekhyun and this time, i'll love and treat you well." Sincere na sabi ni yeol. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ni baek. Gusto niyang yakapin at  sabihin na mahal pa niya si yeol pero mali. Sila pa ni sehun , hindi sila pwede hangga't hawak pa siya ni sehun.

Ayaw niyang mag away ang dalawa, bakit kailangan pa kasing mangyari ito, Bakit kung kailan hindi na pwede.

Wala siyang maisagot, hindi na rin niya alam ang gagawin niya, kaya tumakbo siya palabas ng classroom at nakalimutan niyang may tinataguan siya. Naramdaman pa niyang hinahabol siya ni yeol kaya binilisan niya ang pagtakbo hanggang sa may mabangga siya at napaupo sa sahig.

Nasapo niya ang noo  at pwet niya sa sakit. Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niya si sehun na nag aalalang nakatingin sa kanya, tinulungan siyang tumayo nito.

Biglang sumama ang itsura ni sehun nang makita si chanyeol na nakahabol na sa kanila. Nagsukatan sila ng tingin, ayaw din naman na mag away ng dalawa kaso kailangan talaga. Dapat ang isa sa kanila ang makahawak kay baek, isa lang ang pwedeng manalo sa kanila.

Natigil ang pagsusukatan ng tingin ng dalawa sa isa't isa nang may tumili, napalingon silang lahat sa direksyon kung saan nila narinig iyon at nakita nila ang isang babae na may blonde hair. Nanlaki ang mga mata ni baek ..

"WAAAAAHH! BAEKKIEEE!!"

'Oh, sht! Nakalimutan ko!'

Tumakbo ito papalapit sa kanila at sinunggaban ng yakap si baek. Parehas napatingin ang kapatid sa isa't isa.

"WAAAHHH! I WAS LOOKING FOR YOU KANINA PA? PINAGTATAGUAN MO BA AKO BAEKKIE? HINDI NAMAN , HINDI BA? I MISSED YOU!!" anito at hinalikan sa labi si baek. Dumoble ang laki ng mga mata ni baek at nanlambot sa nangyari, samantalang ang dalawa naman ay napanganga sa nakita.

'She didn't kiss him right? Tell me hindi di ba?' Hindi makapaniwalang isip ni sehun.

'What the fvck is this girl doing?! He kissed MY baekhyun!'  Isip naman ni chanyeol. Pero wala talaga silang magawa kundi ang mashock at tumunganga sa nangyari.

Bigla naman ang pagdating ni irene, kai at soo sa pangyayari. Napaface palm si kyungsoo, sabi na nga ba't mangyayari iyon. Pinaghiwalay ni soo at jongin si taeyeon at baek, mukhang nagbreakdown na si baek dahil sa shock. Inakay nila ito hanggang makaupo sila sa bench at iniwan ang apat sa kinatatayuan nila.

Tumingin ng masama ang magkapatid sa babae.

"Who the fvck are you?" Tanong ni yeol. Inirapan ni taeyeon si yeol, sayang daw ang gwapo ni yeol kaso ang suplado daw masyado. Chanyeol gritted his teeth sa inis.

"Answer  us.." kalmadong sabi ni sehun kahit deep inside naiinis na din siya. Ngumiti ng nakakainis si taeyeon sa kanila.

"Im kim taeyeon, ang future fiancee ni baekhyun.  Bakit? May problema kayo?" Mataray na pagpapakilala nito. Seryoso, kung hindi lang daw babae to ay pinatulan na ni yeol ito.

"Wala, pero yang pagmumukha mo may problema." Pagtatanggol naman ni irene sa bestfriend. Naiinis na humarap si taeyeon kay irene.

"And who's this btch here?" Irene snorted. Chanyeol and sehun looked at them with amusement. Mukhang magkakagiyera kaya umalis silang dalawa doon at lumapit kay baek. Tumingin ng masama si kyungsoo sa dalawang lalaki.

"Pwedeng umalis muna kayo? Give baekhyun a break, masyado siyang nashock " sabi nito sa kanila, ngumiti ng malungkot ang magkapatid sa tahimik na si baek at umalis.

---

"This is not what i expected na mangyayari" sabi ni yeol, tumango si sehun sa sinabi ng hyung niya.

"Ano ba ang ibig sabihin niyang fiancee." Tanong naman ni sehun. Biglang naalala ni yeol ang kinuwento sa kanya ni baek at kinuwento din niya iyon kay sehun.

"I think we need to keep baekhyun away from her. Hindi makapili si baek sa atin kung nandyan siya." Sabi ni sehun, umagree si yeol sa kanya. Kailangan muna nilang kalimutan ang away nila at dispatyahin si taeyeon.

Napangiti ang dalawa sa naisip.

-----

(Short UD, sorry. )

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon