11

2.8K 135 30
                                    

11

Baekhyun's POV

"Baek! Baek!" Tumatakbong tawag sa akin ni soo. Nang makalapit siya ay napa-squat siya sa pagod.

"Oh? Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko sa kanya, tinaas niya ang kamay niya na parang sinasabing sandali lang. After a minute, tumayo siya.

"Alam mo na ba yung balita?" Kumunot ang noo ko.

"Anong balita?"

"Si chanyeol and dara! Nagbreak na sila!" Blanko lang akong tumingin sa kanya.

Im not surprised, expect ko na mangyayari yan , pagkatapos ng lahat ng nakita ni chanyeol kahapon. Hindi na ako magtataka. Unless na lang kung magpapakatanga rin siya katulad ko.

"Oh." Maiksing sagot ko sa kanya at naglakad papunta sa room namin, nagtatakang sumunod si kyungsoo sa akin.

"Hindi ka ba magrereact? Wala man lang 'Ha!' 'Talaga?!' O kaya 'Weh?!'" Hinarap ko siya at tinap sa balikat.

"Tapos na ako dyan soo. So labas na ako sa issue na yan. Hindi na big deal sa akin yun. Kaya pwede na bang pumasok na tayo sa class natin?" I asked him, hindi na siya nagsalita at tumango na lang.

After ng class, napatingin ako kay chanyeol, nakatingin siya sa akin-- no scratch that! Nakatitig pala.

Tumayo siya at akmang lalapit sa akin pero agad na akong lumabas ng room nang hindi hinihintay si kyungsoo.

Ilang araw na din to. Umiiwas ako kay chanyeol sa tuwing lalapit siya sa akin. Pero ang ipinagtataka ko, bakit ba gusto niya akong kausapin? Hindi ba sabi niya lumayo na ako sa kanya?

Maraming 'bakit' ang umiikot sa ulo ko. Pero inignore ko lang lahat, ayoko nang mainvolve sa kanya. I want to stay away from him as much as possible.

"Hyung!!" Lumingon ako sa tumawag. Si sehun.

"Sehun!" Nang makalapit siya sa akin ay inabutan niya ako ng bubble tea. Napangiti ako.

"Lunchbreak na, tara na sa cafeteria!"sabi niya at hinila ako.

Nang makarating kami sa cafeteria ay nakita namin sila kyungsoo at jongin sa isang mesa, pinapunta na ako ni sehun sa kanila at siya na ang nag order ng lunch namin.

Nang makaupo ako sa harapan nila ay nag pout si kyung..

"Sinong may sabing umupo ka dito?" Bored akong tumingin sa kanya.

"Ako, sabi ko sa sarili ko. Teka, bakit ba pumuputok nanaman yang butsi mo?" sabi ko at nag sip ng bubble tea. Tinignan niya ako ng masama, para bang pinapatay ako. Nakakatakot talaga tong lalaking to.

"Sinong hindi magagalit kung bigla ka nalang iwanan nang walang paalam? Alam mo ba nasaktan ako sa ginawa mo? Are you really my friend?"i rolled my eyes at him. Tinatapik tapik naman ni jongin yung likod niya.

"Kyungie ayos lang yan. Nandito pa naman ako eh" sabi ni jongin, sinapak naman siya ni soo.

"Che , doon ka sa krystal mo! Kapal ng mukha mong tumabi sa akin! Magsi-layas nga kayo! Magdedate kami ng mesa na to!" sabi niya at sumubsob sa mesa. Dumating naman si sehun na may dalang tray.

"Oh, bakit hinahalikan ni kyungsoo hyung yung mesa?" Tapos ibinaba niya yung tray.

"May sumpong kaya ganyan" sabi ko at kinuha na yung ramen ko.

"Oh, kyungsoo hyung. Kain ka muna. Gutom lang yan" sabi ni sehun at ibinigay sa kanya yung isa pang bowl ng ramen. Kinuha agad ito ni soo at nilantakan.

Natawa kami sa inasal niya, para kasi siyang patay gutom kung kumain pag badtrip.

----

Naglalakad ako papuntang garden, doon lang naman kasi tahimik. Pwedeng pwede akong magreview doon dahil walang tao ng ganitong oras.

Nang makarating ako doon ay umupo ako sa may bench malapit sa puno, doon kasi lagi ang spot ko sa tuwing tatambay sa garden, presko kasi eh.

Nagbabasa lang ako nang may tumabi sa akin, hindi ko pinansin kung sino kasi mas importante ng nirereview ko. Ayoko nang bumagsak ulit, bumabawi na ako sa studies ko..

Narinig ko pang nagfake cough yung katabi ko pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Mukhang busy ka ah. Anong binabasa mo?" Natigilan ako sa nagsalita at lumingon sa kanya.

"Ch-chanyeol" nginitian niya ako at tumingala siya.

"Ang ganda ng panahon ngayon no? Ang kalmado, at tahimik." Tinitigan ko lang siya , nakapikit siya ngayon. Seeing him this calm makes my heart beat faster again. Iniwas ko ang tingin ko at bumalik ulit sa binabasa ko.

"Siguro alam mo na yung balita no?"sabi niya, hindi ko siya sinagot.

"Wala na kami ni dara, It hurts. It hurts so much pero hindi ko magawang umiyak." He chuckled.

"Ang weird no? Yung hinahabol habol ko noon, naging kami, tapos iiwan din pala ako. " ngayon alam mo na yung pakiramdam, sakit di ba? Ang sakit ng hindi ka mahal ng mahal mo and the worst is ginagamit ka lang niya.

"sana pala nakinig ako sa inyo, sa iyo, kay sehun, sa mga taong nakapaligid sa akin. Im such an asshle for believing her. Sobrang tanga para maniwala sa forever, pero ang totoo walang forever" bitter niyang pagkakasabi.

"Kung sana, ikaw na lang ang minahal ko siguro hindi ako masasaktan ng ganito. Siguro hindi ka rin masasaktan sa mga ginagawa ko. Edi sana wala tayong problema." Napatayo ako sa sinabi niya, naiirita na ako. Ayoko nang marinig ang sinasabi niya, ayoko nang maalala lahat ng katangahan ko.

"Bakit mo ba sinasabi ang lahat ng 'to sa akin?! Ano ba talagang kailangan mo?! Alam mo? Wag mo na akong guluhin! Nanahimik na ako dito! Bakit ka parin lumalapit sa akin?! Nalilito na ako chanyeol!" Sigaw ko sa kanya .. tinitigan lang niya ako,hindi ko rin mabasa ang expression niya.

"You know what? Kung magdadrama at wala kang sasabihin kundi puro tungkol sa past natin. You better shut the fvck up, nakakairita na. Gusto ko nang kalimutan ang lahat! So please! Stay away from me!" Paalis na ako nang natigilan at nagulat ako sa sinabi niya.

"Im Sorry Byun Baekhyun"

---

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon