28

1.8K 100 10
                                    

28

"Uy, ilang araw ka nang ganyan ha." Nag aalalang tanong ni irene kay chanyeol. Tumingin si kyungsoo at jongin sa kanila  na nakaupo sa may bench sa garden.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni jongin kay irene. Umupo si irene sa bermuda grass katabi ni chanyeol. Hindi kumibo si kyungsoo at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro.

"Hindi ko alam dito sa lalaking 'to. Nangyari na lang simula noong nagkita sila ni dara." Sagot ni irene. Alam na niya kung sino talaga si dara, nagkwento kasi si soo sa kanya. Kaunti na lang yata ay sugurin niya si dara sa sobrang inis. Sinira niya ang love story ng bespren niyang malaki ang tenga pero syempre nainis din siya kay chanyeol dahil ang uto uto niya. Isa daw siyang bruhang naninira ng happy ending.

"Hayaan mo nalang si chanyeol. Ganyan talaga yan." Sabi ni soo at itinabi na ang libro niya. Tumango na lang si irene .

"Oo nga pala, nasaan yung dalawa?" Tanong ni  irene sa dalawa, nagkibit balikat si jongin sumandal sa kanya si kyungsoo.

"Ah, nagreready para sa festival natin.. Magkasama kasi sila sa iisang booth" sagot ni soo. Napakamot sa baba si irene, malapit na nga ang festival. Malapit na ang audition sa play, sasali kaya siya?

"Kyungsoo oppa sasali ka ba sa play?"
"Uh? Siguro? Bakit?" Sagot ni irene. Kumikinang naman ang mga mata niya, feeling niya siya ang magiging bida this year! *insert tawang malandi*

"Balak ko kasing sumali, magpapatulong sana ako sa iyo hihi!" Napa- ahhh si soo at tumingin kay chanyeol.

"Kasama din si chanyeol sa play, hindi mo alam?" Nagulat si irene sa sinabi ni soo. Di daw halata kay chanyeol na sumasali siya sa play.

"Eh? Talaga? Di nga? Paano?"

"Siya na ang inassign na magiging bida sa play this  year, magaling kasi sa acting yang si chanyeol hyung. Natuwa sa kanya si  Prof. Lee Bag In kaya planado na kung sino ang leading man" paliwanag ni jongin. Napahawak siya sa balikat ni chanyeol at inalog alog ito.

"Wow! Ang galing mo yeol! Ako yung leading lady ah! Pakisabi kay prof. Bag In na magaling ako sa acting kaya dapat ako ang bida. Noh? Noh?!" Tinignan naman siya yeol at pinitik ang noo niya.

"Wag kang assuming, ayokong makapartner ka.."cold na sabi nito. Nag pout si irene.. Ang ROOD daw niya. Haha!

"Arte mo! Pasalamat ka ang ganda ko eh. Pag ako nakapasang leading lady mo, Hu u ka sa akin!" Tinulak niya si chanyeol at nagcrossed arms. Natawa lang yung dalawang nasa bench, niyakap ni jongin si soo. Susulitin na nila ang araw dahil bukas ay busy na sila. Si soo para sa play at si jongin para sa performance ng dance club. Wohoo! One week na walang yadong!

"Mamimiss kita" bulong ni jongin kay soo. Kyungsoo giggled at niyakap pabalik ang boyfriend..

"Grabe to para namang aalis ako. Oy, wag kang papalandi doon, matatamaan ka sa  akin" banta ni soo, natawa lang si jongin at hinalikan sa cheeks si soo.

Kinikilig naman na hinampas hampas ni irene si chanyeol. Masyadong mabigat daw ang kamay ni irene feeling niya hihiwalay ang braso niya sa katawan niya.

"Ang sweet niyo naman! Yiee! Chanyeol oh! Chanyeol! Nakakainggit hindi ba?" Chanyeol ignored her. Parang nang aasar lang si irene eh. Lalo lang siya nabad mood. Selos eh, magkasama nanaman yung dalawa.. Natural magboyfriend, kaysa naman sa ikaw na Ex lang niya.. Hu u  ka na kay bikhyun pre!

Naka-ilang sapak na sa kanya si irene nang may lumapit sa kanila, lahat sila napatingin sa dito. Lalong sumama ang mukha ni chanyeol.

"What are you doing here?!" Mataray na tanong ni irene. Dara ignored her at lumapit kay chanyeol.

"Chanyeol please... we need to talk" magsasalita na sana si irene nang pigilan siya ni yeol. Kailangan na niyang masettle 'to. Tumayo si chanyeol at tumingin sa tatlong nakatingin sa kanila ni dara.

"Ako nang bahala.. I need to answer her" tumango ang tatlo at lumayo sila para makapag usap. Nang makapunta sila malapit sa school grounds ay nag salita na si dara.

"Chanyeol.. im sorry, nag sisisi na ako! Narealize ko na  mahal pala kita ,na hindi si siwon ang gusto ko. Namiss ko yung yakap mo, yung halik mo , yung pagiging caring mo. Chanyeol nalulungkot ako.. kulang ako kung wala ka. I love you chanyeol please.. Come back to me" nangingilid na ang luha na sabi ni dara. Chanyeol stared at her with a blank expression, di naman ganoon kadali ang lahat. Hindi na siya babalik kay dara dahil may narealize din siya at yun yung dahilan kung bakit siya broken hearted ngayon.

"Im sorry din dara pero ayoko na. After nang ginawa mo sa akin. Do you think babalik pa ako sa iyo? After lahat ng nalaman ko tungkol sa iyo, sa tingin mo ba may reason pa ako para bumalik at mahalin ka ulit? You know what? dapat magpasalamat pa nga ako eh. If you didn't dumped me for sure , hindi ako titino ng ganito." Sabi niya, ngumiti ng mapait si dara.

"Do you love him now?" Dahan dahang tumango si chanyeol. Unti unting tumulo ang mga luha niya, plano niya sanang magmakaawa para bumalik si yeol sa kanya pero after ng narinig niya, nanlambot siya. Mukhang natalo na siya ni baekhyun. Kasalanan naman niya alam niya iyon.

After ng pakikipag break ni siwon sa kanya, nakapagisip isip na din siya. Doon siya tinamaan ng guilt. Parang nasalo niya lahat ng karma niya. Ngumiti si dara, yung genuine. Yung walang halong kaplastikan.. Magbabago na siya, nangako na siya kay  krystal.

"okay, kung saan ka masaya , susuportahan kita.. i know galit ka pa rin sa akin, hindi ko naman pinipilit na patawarin ako, gusto ko lang mag sorry sa lahat ng ginawa ko." Tumitig  si chanyeol kay dara. Hindi rin nagtagal ay niyakap niya ang babae , kahit papaano ay minahal niya si dara. Nag angat siya ng tingin at nakita niya si baek na may hawak na malaking box at nakatitig sa kanila. Humiwalay sila sa yakap, lumingon din si dara.

Tumalikod na si baek at naglakad na palayo. Nagsimula naman na magpanic si chanyeol  , tumingin si yeol kay dara . Ngumiti ito sa kanya na parang sinasabing sundan niya ito, ngumiti naman din siya para magthank you.

Tumakbo na siya para sundan si baek nang maabutan niya ito ay hinawakan niya ang braso nito para iharap sa kanya.  Nakatingin sa ibang direksyon  si baek ,ayaw niyang makita ni yeol na nasasaktan siya.

"Bakit nandoon ka?"

"Malapit lang ang pwesto ng booth namin kaya napadaan lang ako"

"Baek, let me explain" sabi ni yeol. Pinilit naman ni baek na tumingin ng daretso kay yeol, kita sa mata nito ang coldness.

"Chanyeol, hindi mo kailangang mag explain. Hindi mo naman ako Boyfriend para ipaliwanag yung nakita ko. Wala naman akong paki kung kayo na ni dara. Labas na ako sa inyo kaya , it's not my concern." aniya at inalis na ang kamay ni yeol sa braso niya. Nanghina si yeol sa narinig, at tuluyan nang hinayaang makabalik si baek kay sehun na sa booth.

'Bakit ba ang duwag ko?, bakit hindi ko siya mapigilan? Bakit ganito? Ang sakit'

Isip niya . Napahilamos siya ng mukha at Sinuntok ng malakas ang punong na nasa tabi niya.

Gusto pa niyang lalong saktan ang sarili . Naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang nagagawa.

Wala pa siyang ginagawa..

---

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon