24

2.2K 105 17
                                    

24

"Chanyeol hyung, we need to talk" walang expression na sabi ni sehun, biglang kinabahan si chanyeol sa mangyayari, nakakatakot kasi ang pagiging serious ni sehun ngayon.

Tumingin muna siya kay baek na halatang kinakabahan din bago tumango at sumunod kay sehun papunta sa kusina.

"Saan kayo galing hyung? Bakit kayo magkasama?" Napalunok si chanyeol sa tanong ni sehun pero pinilit niya parin itong sagutin.

"Kinausap ko lang si baek tungkol sa inyong dalawa, don't worry hindi ko siya inaagaw sa iyo,nangako ako sa iyo kaya tutuparin ko iyon, and im sure bukas na bukas magpapasalamat ka sa ginawa ko" nagawa niya pang ngumisi sa nangyayari ngayon, ano ba talaga chanyeol?! Suko ka na ba?! Di ba nasasaktan ka? Punyeta aminin mo, kundi sisipain ko yang si mayor! (P.s. bangag ang author, pagpasensyahan niyo na)

Nagtataka lang na tumingin si sehun sa kapatid . Magpapasalamat? Bakit naman siya magpapasalamat? Hindi na pinansin ito ni sehun at naniwala na kay chanyeol. May tiwala siya sa hyung niya kaya inalis na niya lahat ng pagdududa.

"Osya, una na ako. Baka hinahanap na ako ni eomma. Dito ka ba matutulog ngayon? Nagpaalam ka na ba?" Tumango lang si sehun at tinitigan ang hyung, lumabas na si chanyeol sa kusina nang lagpasan niya si baek.

"Baek , una na ako. Baka hinahanap na ako. Alam mo naman si mom." Ngumiti si baek at pumasok na sa kusina, his eyes softened , tama ba yung ginawa niya? O pagsisisihan nanaman niya ang desisyon niya?

Lumapit siya kay luhan na nagkukulay na ngayon sa hello kitty coloring  book niya. Umupo siya sa harapan nito at tinap ang ulo.

"Sorry luhan, hindi ko matupad yung hinihiling mo eh. I think mas maaalagaan ang hyung mo pag nasa tabi niya si sehun. Sorry..." ibinaba ni luhan ang crayon niya at niyakap ng mahigpit si chanyeol, nakita ni luhan sa mata ni chanyeol na nasasaktan siya at ayaw makita ni luhan iyon. Apektado siya pag may nalulungkot sa harapan niya.

Kumalas na sila sa pagkakayakap at bago pa umalis si chanyeol ay ginulo niya ang buhok ni luhan.

"Alagaan mo din ang hyung mo ah. Bye luhan." The he waved good bye.

---

Pumasok si baek sa kusina at nakita niya si sehun na mukhang malalim ang iniisip. Tama nga ba ang gagawin niya? Susundin ba niya ang sinabi ni chanyeol? Sehun's eyes laid on him.

"Hyung, may sasabihin ka ba?" Dahan dahang tumango si baek at lumapit kay sehun. Nakatingin at naghihintay lang ito sa sasabihin niya.

"A-ano.. kasi... Kanina... Napag-isip isipan kong dapat magpasalamat ako sa nagawa mo sa akin, h-hindi ka umalis sa tabi ko and s-sa tingin ko kailangan ko nang pagbigyan ka.." nanigas sa sehun sa kinatatayuan niya, ito ba yung sinasabi ng hyung niya? Ito na ba yun?

"Will you hold my heart and keep it?" Nanlaki naman ang mga mata ni sehun sa narinig. Totoo na ba to? Ibinibigay na ni baek ang puso niya? Unti unti siyang napangiti.

"Yes, and i promise never to break it... Thank you baek!" Sabi niya at agad na niyakap ang nakatatanda. Ibinaon ni baek ang ulo sa chest ni sehun. Hindi siya pwedeng magdalawang isip.. Tama lang ang ginawa niya para kay sehun, deserve niya ito since hindi siya iniwan nito noon pa man.

"Thank you baek hyung, and thank you din kay chanyeol hyung. Hindi ako makapaniwalang nangyayari to" napangiti si baek, masaya siyang nakikitang masaya si sehun. Kailangan na daw niyang panindigan ito.

"I love you" bulong ni sehun.

"I....love you t-too.." aniya at yumakap ng mas mahigpit kay sehun.

----

Maagang pumasok si chanyeol sa school kasi trip niyang tumambay sa rooftop, doon na siya madalas pumunta pag nagiisip  siya..

Nang makarating siya doon ay nakita niyang may lalaking naka upo sa sahig at nakatingin sa taas. Dahan dahang lumapit siya dito at tumabi.

"Oh, bakit nandito ka?" Medyo napatalon pa sa gulat si kyungsoo nang magsalita ako, nang makarecover siya ay tumingin siya aa akin ng masama.

"Dapat ako ang nagtatanong niyan. Bakit ka nandito?" Natawa ako sa pagkunot ng noo niya at tumingin din sa langit.

"Tambayan ko 'to. Nagulat na lang ako at nandito ka.. Mukhang may problema ka ah. I know wala akong right na magtanong pero pwede mo naman akong paglabasan ng sama ng loob" sabi chanyeol, nagdadalawang isip talaga si kyungsoo kung ikukwento ba niya ito sa kaaway nila o hindi. wala rin naman siyang choice dahil kailangan na talaga niya ng makakausap.

"I hate my parents, wala silang karapatan na kontrolin ako dahil buhay ko to. I hate my mother kasi napaka-stupid niya para magpauto sa ama ko na walang ibang ginawa kundi ang mambabae. Hindi ko maintindihan ang mga tao kung bakit ang dali sa kanila ang magpatawad. Nagagawa nilang mapatawad yung taong walang ibang ginawa kundi manakit . nakakairita." Sabi niya at tumingin kay chanyeol, plano din niyang patamaan si yeol.

Oo tinamaan siya pero hindi siya nagpatinag. Ngumiti siya kay kyungsoo.

"Hindi naman pagbubulag bulagan sa mga nagawang mali yung magpatawad. Hindi rin yun yung solusyon sa pagtakas sa problema. Kasi kyungsoo, ang meaning ng pagpapatawad ay pakawalan. You need to let go of the past and start a new life kasama yung taong nakagawa sa iyo ng mali. Deserve naman ng kahit sino ang makatanggap ng tawad, basta hindi na mauulit lahat ng ginawa niya" napatingin siya kay soo, para siyang nandidiri sa sinabi ni chanyeol. Natawa siya sa reaksyon nito.

"Alam mo? Di ko naisip na banal ka pala. Tigilan mo nga yan, hindi mo bagay." Aniya at tumayo..

"Ano..."

"Hmm?"

"Salamat sa pakikinig at sa words of wisdom mo, kahit sandali lang, kahit papaano nabawasan ang galit ko" lalong lumapad ang ngiti ni chanyeol na ikinataranta ni kyungsoo. Nakakatakot yung ngiti ni chanyeol, mukhang manyak.. ang weird niya daw.

"O-oy, don't be flattered. Hindi ibig sabihin na kinausap na kita ay okay na tayo. I Still hate you for hurting baekhyun.. maiwan na kita laki tenga baka mahawa ako sa kaweirduhan mo" aniya at naglakad na palayo.

"Okay! Sabi mo eh!"  kumaway kaway pa si chanyeol sa kanya. Mukha daw ewan si chanyeol at nakakapanibago daw yun, wala daw siyang ibang makitang expression ni yeol noong sila pa ni baek, serious kasi lagi ito.

'Hindi rin pala siya masama kahit papaano'

---

(A/N: happy yo yo yo day! Guys! Its luhan day! ㅋㅋㅋ!

Sira ba yung watty kahapon? Wala kasing lumalabas na notif  eh.. ⊙▽⊙)

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon