20

2.4K 117 41
                                    

(A/n: dedicated to oohkims.. eto na hinihintay mo haha, sorry ngayon lang)

20

Baek's POV

Nagkita kita lahat kami sa labas ng shop kung saan bumili si irene, nang makita kami ni sehun at luhan ay tumakbo sila papalapit sa akin, agad naman akong niyakap ng mahigpit ng kapatid ko.

Naramdaman ko pang humihikbi siya, kasalanan ko naman kasi pinag alala ko sila. Hinaplos ko ang buhok niya at binuhat siya.

"Ba-baekkie h-hyung..."

"Shh, sorry na lu. Di mawawala si hyung okay? Hindi ka niya iiwan" dala na rin siguro ng takot na pati ako iwanan siya kaya siya umiyak.

Napatingin ako kay sehun na mangiyak ngiyak na nakatingin sa akin, ibinaba ko sandali si luhan at lumapit sa kanya para yakapin siya..

"Oh, wag mong sabihing iiyak ka din? Alam mo? Napaka iyakin mong damulag" sabi ko natawa siya sa sinabi ko, halata rin na medyo basag ang boses niya.

"H-hyung naman eh. Nakakatakot ka, akala ko kung na-napano ka na. H-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa iyo." Napangiti ako at humiwalay sa yakap. Pinunasan ko ang luha niya.

"Tapos na yun, buong buo mo pa naman akong nakikita eh. Wag ka na ngang umiyak, ang pangit mo." Tumawa siya at mahinang hinampas ako sa braso ko. Bakit? Pangit naman talaga siya pag umiiyak ah!

"Bakit ba cannot be reached yung phone mo kanina? Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni sehun, napatingin ako sa paligid ko, at nakita ko si irene na nakatulala.

"Oo nga pala, sehun ito si irene, irene si sehun." Pakilala ko sa kanila, iniabot ni sehun ang kamay niya kay irene para makipagshake hands. Tinitigan lang niya yung kamay ni sehun..

"Ahh, irene? Ayos ka---"

"HI! Im Bae Joohyun but you can call me irene! Oh my god! Ang gwapo mo naman! Anong full name mo? Age? Birthday? Address? Send mo sa number ko text text tayo! Kyaa!" Nagulat kami lahat sa sinabi niya at agad na kumapit sa braso ni sehun. Ang likot talaga ng babaeng to.

Kita sa mukha ni sehun na hindi siya komportable, he looked at me na parang tutang humihingi ng tulong. Umiling ako na parang sinasabi ko 'hayaan mo na', he sighed.

"A-ahh, hyung yung tanong ko kanina" paalala ni sehun.

"Ah, kasi noong inanod ako ng mga fangirls napunta ako sa kabilang dulo ng stage. Tatawagin sana kita kaso palowbat na ako kaya hinanap nalang kita, tapos doon ako nakita ni irene. Friends kasi kami noong elementary , nagulat nga ako nang makilala niya ako. Makikitawag sana ako kaso wala siyang cellphone---"

"Yan? Yang mukhang yan? Walang cellphone? Seryoso? " Singit bigla ni chanyeol, napatingin kami ng masama sa kanya.

"Kasalanan ko bang nahulog ng kapatid ko sa bowl yung cellphone ko ha?! At  eto!" Itinaas ni irene yung paperbag na may lamang bagong cellphone na binili namin kanina.

"Kung may reklamo ka pa pwedeng lumayas ka na dito, kita mo nang nagkukwento yung tao, sisingit ka pa. Kanina ka pa ah!" Sigaw ni irene, nakakahiya, pinagtitinginan na kami dito.

Hindi na sumagot si chanyeol, nakatingin din siya ng masama kay irene, konti na lang yata at magpapatayan na tong dalawa.

"Ah, so eto na. Makikitawag sana nga ako kaso wala siyang cellphone, sabi niya tulungan ko nalang siyang bumili ng cellphone para matawagan kayo. At eto bumili dito si irene nang makita kami ni.." napatingin ako kay chanyeol na nakatingin pa rin ng masama kay irene.

"Chanyeol.."

"Ahh, kaya pala.. sa susunod kasi hyung icharge mo yung phone mo bago umalis, paano na lang kung emergency ? " tignan mo ako pang nasermunan.

"Opo, ichacharge ko na yung phone ko bago umalis. Pero sorry talaga, nag alala kayo." Umiling si sehun at ngumiti.

"Wala na yun hyung, tapos na. Ayos lang yan , ang importante walang nangyaring masama sa iyo." nagngitian lang kami nang biglang sumingit si irene.

"So ayan! Happy ending na hindi ba? Okay na? Tara,  sehun babes! Date tayo!" Hila ni irene kay sehun, medyo natawa pa ako noong manlaki ang mga mata ni sehun.

I looked at luhan, malungkot pa rin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at yumuko para ngitian siya.

"Tara lu.. tayo naman ang magdate" luhan smiled then nodded, sumunod naman si chanyeol sa likod.

----

"baek- hyung, please help me! Nagmamakaawa ako!"

"Bakit naman? Bakit hindi mo problemahin ang problema mo? Idadamay mo pa ako diyan." Natatawa kong sabi, paano ba naman hindi na siya makatakas kay irene after that.

"Hyung naman eh! Gusto mo bang maagaw ako ng iba? Gusto mo bang mawala yung manliligaw mo? Ikaw ang kawalan sige ka!" Mas lalong lumakas ang tawa ko, ang cute niya kasi. Kanina pa nga siya nangungulit, imbis na mainis ako mas lalo pa akong natuwa. Sarap niyang asarin. Oh my god, im getting used to this..

"HYUUNG!!"

"Hahaha, oo na, eto naman. Tutulungan kita pero kailangan ikaw ang mag sabi, wag mo akong idadamay diyan" tumango tango ito. Tumingin ako sa buong cafeteria. wala pa sila jongin at soo , ang tagal naman ng mga yun, anong nangyari doon? Nag away naman ba?

"Kung ayaw mo talaga, sabihin mo sa kanya ng daretso, hindi yung makaasta ka parang malaking ipis si irene." Magsasalita na sana siya nang may kumalabit sa kanya, napatingin ako. Dahan dahan naman siyang lumingon sa likod niya.

Then his eyes are widened like kyungsoo's..

"Hi sehun babes! Kamusta?!" Nakagat bigla ni sehun ang dila niya, hindi kasi makapagsalita.

"Hi baekhyun! Pwedeng tumabi?" Ngumiti ako at tumango. Naginginig na tinuro naman ni sehun si irene.

"A-anong ginagawa mo d-dito?!" irene smiled sweetly at him at lumapit sa mukha niya.

"Lumipat ako sa school niyo.." napalunok si sehun. Seryoso kong tinitigan sila.

"B-bakit?"

"Kasi gusto kong maging kaklase ka at bukod pa doon..." kinuha niya ang necktie at ni sehun at tinitigan siya. My god, parang masama ang pakiramdam ko sa mangyayari.

"I like you, Park Sehun" then my eyes widened too...

she kissed sehun..

On the lips...

Sh*t!

----

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon