Chap-41

4.4K 119 9
                                    

"What so funny?"

Pigil ang sariling nabaling ang tingin niya dito. Napailing ang ulo niya. Subalit, hindi maitatago niyon ang kislap sa kanyang mga mata.

"N-Nothing." As she bit her lip.

Blankong ekspresyon lang ang ipinapakita nito. Alam ni Max na maiinis ito, so she decided to keep her mouth shut.

Subalit sa tuwing naalala niya ang nangyari kanina, di naman niya maiwasang mapangiti.

God! That was priceless!

"Go ahead. Tss." Napalingon siya dito.

"What?" Napaseryoso siya. She has no plan ruining this night with her. Not now. Not ever.

Ni hindi nga niya inaasahan na lalabas sila ngayon. Gusto niya na maging masaya ang gabing ito para sa kanilang dalawa.

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon nito.

"I look so stupid." Wika ni Dakota. Ramdam ng dalaga ang sobrang pagkapahiya ng mga oras na yon.
     
Max shooked her head. "No. It's not. You should have seen your face. That... that was... priceless! So cute!" As she bit her lips, pigil ang pagsilay ng mga ngiti.

 
Masama naman ang tingin nitong sumulyap sa gawi niya. At napa-pout sa huli. Halatang hindi nito inaasahan na iyon ang maririnig magmula sa kanya.

But it's true!

Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at matiim niyang tinitigan ang magandang mukha ng dalaga.

She's just so happy na kasama niya ito ngayon. At wala ng mas ikasasaya pa sa kanya kundi ang makasama niya ito. Iyon lang naman ang mahalaga para sa kanya. Kaya gusto niyang sulitin at maging memorable ang gabing to na kasama niya si Aki.

"Thank you." Puno ng galak niyang sinabi dito. "Salamat dito ha. Kasi hindi ko talaga in-expect na mangyayari to. Akala ko kasi... akala ko-" napaiyak siya.

"Sshh. I'll do anything. Just for you, okay? Ganoon ka ka-lakas sa'kin." Napa-pout siya. Ano raw? Akala pa naman niya ganoon siya ka-ma...

"I was just kidding. I mean... ganun kita ka-mahal. Tampururot mo talaga." Sabay pingot nito sa ilong niya. Mas lalo siyang napa-pout sa sinabi nito.

Puno ng amusement sa mga mata namang nakatunghay si Aki sa kanya. Hanggang sa dahan-dahan nilang inilapit ang  kanilang mukha sa isa't-isa nang biglang makarinig sila ng malakas na busina.

Gulat na napalayo sila at napalingon.

"We'll go ahead, guys! Bye! Bye!" Wika ni Jewel na nagwave pa sa kanila bago sila nilampasan ng mga ito. May pang-aasar naman na sumenyas sa kanila si Pluto.

Napailing nalang siya sa dalawa. Subalit, kapansin-pansin ang masamang tingin na ipinukol ni Aki sa mga ito.

So cute!

She just give her a smack kiss sa cheeks, na bahagyang ikinagulat pa nito.

"Let's go?" Matamis siyang ngumiti dito at nagwink sa huli.        

     
"Yeah. Uhm. Please put on your seatbelt." Ngunit hindi na nito nahintay pa dahil kusa nitong isinukbit ang seatbelt niya.

Napahigit siya ng paghinga dahil sa paglalapit ng katawan nila. Hanggang ngayon ay nagreregodon pa rin talaga ang sistema niya sa tuwing ganito ka sobrang lapit ang katawan nila sa isa't-isa.

She was about to thank her nang hindi niya inaasahan ang gagawin nito.

Mabilis siyang ginawaran ng halik sa labi ng dalaga na ikina-shock pa rin niya.

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя