Chap-1

13.1K 314 5
                                    

"DAMMIT!!!" Umalingawngaw sa apat na kasulok-sulokan ng kuwartong iyon ang  malakas na pagsigaw ni Dakota. Bakas sa mga mata ng dalaga ang poot at galit nang mga sandaling iyon.




"Ano bang problema?! Isang tao na nga lang ang ipinapahanap ko ay 'di nyo pa mahanap-hanap?!" Nanggagalaiti nitong pagsigaw. Pwede niyang patalsikin ang mga ito ora-mismo.





Kunsabagay, ano pa nga ba ang magagawa niya? Ang pinaka-ayaw pa naman ng dalaga sa lahat ay ang pumalya at inutil.




"Star."




"What?!?" Asik ng dalaga. Umaapoy ang
mga mata nitong nakatutok sa isang utusan. Kabado, bahagyang napaurong ang tauhan nito. Hindi maikakaila ang takot sa mga mata nitong nagyuko ng ulo, nagpapahiwatig ng kanyang paggalang sa dalaga.




"Kakatanggap lang namin ng link kung na'saan ang treasure," ika nito.



Maihahalintulad ng bula, dagling napawi ang galit nitong ipinukol ang buong atensyon sa utusan. Animo'y nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa sa puso ni Dakota.


Sa wakas, sa loob ng napakaraming panahon na ginugol niya. Mahahanap na rin niya ito. She's been looking the treasure all her life around the globe. Mahirap man na paniwalaan ngunit nakasalalay sa mga kamay ng dalaga ang kaligtasan ng buong mundo. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na ikakapahamak iyon ng buong mundo at tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kapag nangyari iyon bagay na iniiwasan at pilit na ginagawan ng paraan ni Dakota.




"Where?" Naging mahinahon niyang itinanong. "Tell me where the treasure is?"



Alanganing nag-angat ang ulo ng tauhan nito. "The treasure is in the Philippines."


~~××~~


"YOU CAN STOP it now, Star. Para saan pa ba itong gagawin mo?" Si Buck, isang malapit na kaibigan ng dalaga.



"No one can stop me, Buck. Not you- not even a single bullet." Puno ng determinasyong ika ni Dakota sa binata.


Napailing na lamang ang kausap nito. "Mahal kita at ayokong mapahamak ka dahil sa gagawin mong 'to." Nag-aalalang sinabi nito na ikinabaling ng tingin ng dalaga rito saka tinalikuran ito.






"Ano ba ang hindi mo makita sa'kin?" Pagsunod ni Buck rito. "Star. Ngayon pa lang ay itigil mo na 'to. Ayoko lang na pati ikaw ay mawala't mapahamak rin ng dahil sa lintik na paghihiganti na 'yan! Ano pa ba ang ipinaglalaban mo? Wala na! He's dead! They're all---"




Sukat sa narinig, wala sa oras na sinuntok niya ang panga nito. Sa lakas ng suntok na iginawad ng dalaga ay kaagad bumulagta ang katawan ng binata sa sahig. Napadura ito at napakuyom ang mga kamao na muling hinarap ng tingin nag dalaga.



"Nagkakamali ka. Dahil umpisa pa lang ito," mariing ika ng dalaga. Sa mga sandaling ito, muling nagbalik sa kanya ang galit at pagkamuhi na ilang taon na ring namalagi sa puso niya.



Dakota Flynn na kung siya ay tawagin o mas kilala sa code name na Star, biente-tres anyos. Kasalukuyan pinamumunoan at pinapatakbo niya ang  mga negosyo at isang lihim na organisasying iniwan sa kanya ng kanyang ama, ang Acapolco.


Makalipas ang tatlong araw ay lumuwas si Dakota sa Pilipinas bagay na ikinalugmok ni Buck, sapagkat hindi na nito naggawa pang pigilan ang nag-iisang babaeng ilang taon na rin nitong lihim na minamahal.



Magulong syudad at trapiko ang kaagad na sumalubong sa dalaga pagkababa niya palang ng pribadong eroplano. Nagpasya siyang sumakay na lamang sa isang pampublikong taxi.


AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon