Chap-24

5.3K 150 1
                                    

"Anong niluluto mo?" Bungad ni Max sa dalagang nakasuot lang ng maluwag na puting t-shirt maliban dun ay ang maitim din nitong undies na natatabunan lang ng medyo mahabang laylayan ng damit nito.

"Bacon, egg at hotdogs." Sagot ng dalaga at tipid itong ngumiti sa kanya.

Tila may sumikdo sa dibdib niya at paruparong nagsisiliparan sa kanyang sikmura nang makita niya ang ngiti nito.

Napangiti rin siya.

Niyakap niya ito magmula sa likod.

"H-Hey! I'm cooking here." Di naman mahihimigan ang pagtutol sa tonong wika nito.

"I know. Payakap lang naman." Aniya at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Look kid. Baka gutom lang yan. Tara. Kumain na tayo. Malapit nang maluto to." Kunwari ay balewalang sinabi ni Dakota.

Subalit, ganoon na lamang ang pagpipigil ng sarili nito nang mga sandaling yon.

Shit!

"Ayaw." Wika ni Max at tila batang takot na mahiwalay sa dalagang napahigpit ang mga brasong napayakap dito.

"Ugh! Brat." Ani na lamang nito.

Sa inis ay napabitaw siya. At padabog na naupo sa harap ng mesa.

Bakit ba? Ayaw ba nito ang yakap niya? Tss. Nakakatampo!

Tanging white long sleeve na nakabukas ang mga butones at pulang magka-tyernong bra at panty lamang ang suot niya.

"Bakit ba ang hilig-hilig mong tawagin akong brat?" Aniya. Nakakainis naman kasi.

Napalingon ito.  

"Hhm. Bakit? Totoo naman yon, dba? That you're spoiled brat. Street rat kid?" Pagpapatuloy pa rin nito na mas lalong ikinainis niya.

"Argh! You're so... so mean!" Napalabi niyang sinabi.

Kunsabagay, tanggap naman niya ang pagiging brat. Pero ang sabihin nitong street rat kid? Aba, sumusobra naman yata to.

Nakakainis na talaga!

"I'm done."

Narinig niyang wika nito. Walang reaksyon naman siya dahil nga naiinis siya at isa pa nakakatampo rin yong pinaalis siya kanina habang niyayakap niya ito.

Subalit, bigla na lamang niyang naramdaman ang pagpingot nito sa tongki ng ilong niya.

"Tampururot." Anito at binigyan siya ng smack kiss sa lips.

Napapalaki ang mga mata niya sa pagkabigla.

Damn!

Kinikilig siya!

Pigil ang ngiting napataas ang kilay nitong nakamasid lang sa kanya. Habang siya naman ay napapangiti dahil sa kilig at saya.

Nemen!

"Brat." Sabay iling ng ulo nito.

Napa-pout siya.

Matapos kumaen ay magkatulong nilang niligpit ang pinagkainan.

"Bakit ayaw mo akong turuan?" Ani ni Max makaraan ang ilang oras na paglunoy-lunoy nilang dalawa ng dalaga sa dagat.

Naisipan kasi nilang maligo. Nakahiga ito sa lap niya habang siya naman ay nakaupo lang at nakatitig sa magandang mukha nito.

"Because, you're not ready. At ayoko." Anito.

"Ready? Kailangan pa ba yon? At saka, may usapan naman tayo ah." May pagtatampong wika niya.

Walang imik na nakatingin lang ito sa malawak na karagatan.

"Nga pala. Bakit purple? Bakit ganito yong kulay na gusto mo sa buhok mo?" Puno ng kuryusidad sa boses niyang tanong.

Katahimikan.

Napabuntong-hininga siya at nakaramdam ng lungkot nang marinig na walang katugon magmula dito.

"It's my mum's favorite color." Pagkaraa'y sagot ni Dakota.

Natigilan siya at di inaasahan na ganun ang maririnig niyang sagot magmula dito.

"I-I see." Aniya at hindi na lamang nagtanong pa.

Ramdam niya ang kakaibang tensyon nang mga sandaling iyon.

Siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin siguro nito natatanggap ang pagkawala ng mum nito. Katulad niya. Kaya ganun na lamang ang sakit nang mapansin niya ang mga iyon sa mga mata nito. Pero bakit, may kaakibat niyon ay poot at galit?

Naramdaman niya ang paggalaw nito.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang matantong nakatitig pala ang dalaga sa kanya.

Biglang nag-init ang mukha niya.

"Bakit?" Ani na lamang niya at itinuon sa ibang direksyon ang tingin.

"Nothing. May iniisip lang ako." Anito.

Napatuon ang mga mata niya dito.

"Anong iniisip mo?"

Nagbawi ito ng tingin.

"Marami." Tipid nitong sinabi.

"Cite." Parang batang wika niya.

Okay. Alam niyang makulit siya lalo na sa ganitong bagay. Bakit ba? Ei sa gusto niyang alamin kung anu ang iniisip nito.

Napabuntong-hininga ito.

"Iniisip ko ang mga mangyayari pagkatapos ng lahat ng to." Seryosong wika ni Dakota.

Hindi siya nagsalita at nananatili sa pakikinig.

Subalit, hindi na ito nagsalita pa.

"Hhm. Naisip ko rin naman yan. Pero, handa ako sa anumang mangyari. Dahil alam kong andyan ka at hindi mo ako iiwan." Aniya.

"Max. Makinig ka. Ang mga kagaya ko ay-"

"Alam ko. Pero handa na ako. I just want to be with you. Sasama ako kahit saan ka man pupunta. Kaya please... turuan mo na ako." Puno ng determinasyong wika niya dito.

"Max. Hindi ganun kadali ang gusto mong mangyari. Mahirap ang ganitong buhay. Hindi ka nababagay sa ganito. At darating ang araw na magbabago ang lahat at pagsisihan mo ang lahat ng to."

Napapailing siya.

Gusto niyang iwaglit sa isip ang mga sinabi nito. Iyon ang mga bagay na ayaw niyang marinig.

"Masaya ako dito. Sa ganito. Masaya ako na kasama ka." Aniya at matamang tiningnan ito sa mga mata.

Hinalikan niya ito sa labi. "At wala akong dapat pagsisihan dahil ngayon ko lang naramdaman ito." Aniya at ipinaglapat ang mga noo nila.

***

Makaraan ang dalawang araw ay napagpasyahan ni Dakota na turuan ang dalaga kung panu humawak at bumaril.

Sa una, ay nahihirapan ito subalit nakikita niya ang determinasyon ng dalaga na matuto.

Isang umaga ay naunang nagising siya.

Katatapos lang niyang magwarm-up para magjogging nang may mapansin siya sa paligid.

Fuck!

Ilang beses siyang napamura sa kanyang isipan nang makasiguro sa kanyang nakikita.

                        

       
 

 

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon