Chap-30

4.5K 169 1
                                    

Mabilis ang mga hakbang na lumabas si Max ng MU. Pagkatapos ng nangyari ay kaagad siyang sinuspende ng isang linggo. Hindi rin naman tutol ang kanyang Lolo sa halip ay sumang-ayon naman ito sa gustong mangyari ng kanilang dean.

Nagkaroon din naman siya ng pasa at putok sa labi buhat nang makipagrambulan siya kanina.

Iyon nga lang, mas higit pa doon ang natanggap nang apat magmula sa kanya.

Kahit papaano ay may natutunan din naman siya kung paano ang mag self-defense.  

Naalala niya lahat ng iyon buhat nang turuan siya ni Aki makalipas ang ilang linggo. Bukod sa paggamit ng baril ay may ibang bagay din itong itinuro sa kanya sa maikling panahong nagkasama sila.

But damn!

Nasaan na kaya ang babaeng yon? Habang tumatagal ay mas lalo na niyang namimiss ito.

Halos wala na siyang maramdaman maliban sa sama ng loob dahil hindi man lamang ito nagparamdam sa kanya.

Kahit alam niyang napakalaking kabaliwan din naman iyon para sa dalaga.

"Babe!"

Napahinto siya sa paglalakad. Kaagad hinarangan ng mga bodyguard niya ang binata sa paglapit nito sa kanya.

"H-Hey." Anito nang pigilan nung isang bantay ang mga braso nito.

"Hanggang jan ka lang." Anang bantay kay Fritz. Halata sa mukha ng binata ang pagkainis sa kawalan ng magawa.

"She's my girlfriend." Anito na ikinataas niya ng kilay.

She crossed her arms at hinarap ito.

"What do you want?" Mataray niyang tanong.

"See? I told you, guys. She's my girlfriend!" May pagmamayabang pa nitong sinabi sa mga bantay.

Napailing naman siya sa inakto nito.

Kahit kailan ang kapal talaga ng pagmumukha ng hinayupak na to.

"Babe, I missed you!" Wari ay sabik na sabik nitong bulalas.

She raised her hand in order for him to stop.

"What's this? Anong kadramahan na naman ba to?" Malamig niyang sinabi.

Tila nawala ang ngiti sa mga labing nakapaskil ditong napatitig lang sa kanya.

"By the way. I just want to remind you. I am you EX-GIRLFRIEND. Baka nakakalimutan mo." Aniya  "C'mon. Let's go." At walang lingon-likod niyang nilampasan ito.

Pasampang napaupo siya sa passenger seat.

       
Nakakapagod ang araw na to. Kailangan niyang magpahinga. For sure, galit na mukha na naman ng kanyang Lolo ang sasalubong sa kanya pag-uwi ng bahay.

Well. This is not the first time na nadawit siya sa gulo. Marami lang talagang tao ang nagpapainit ngayon ng ulo niya.

***

"Si Lolo?" Bungad ni Max sa isang katulong na lumapit sa kanya para kunin ang gamit niya.

 

"Nasa opisina ho, Seniorita." Magalang na sagot nito.

"Okay. I need pineapple juice." Aniya at tinungo ang opisina nang lolo niya.  

Ni hindi na siya kumatok pa at mabilis na binuksan ang pinto nang marating niya ang naturang silid.

Subalit, hindi niya ito nakita sa loob. Maliban sa mga gamit nito ay wala na siyang nakikita pa.

Nagpasya siyang maupo sa swivel chair na inuupuan nito.

Mas makakabuting hihintayin na lamang niya ito.

Her Lolo is a great soldier. Patunay lamang iyon sa mga nakikita niya sa loob ng opisina nito.

Like his father. He's also a great man. Nakaramdam din siya ng pagsisisi dahil sa inakto niya at pagkawalan ng respeto niya sa harap nito noon. She doesn't know anything.

Matapos ng ikinuwento nito sa kanya ay tila napawi niyon ang galit niya sa pang-iiwan nito sa anak nito. Sa ama niya. Sa kanila.

Hindi niya alam na ganoon pala ka hirap ang dinanas nito noon mahanap lang ang anak nito.

She didn't know.

But now, she want to apologize everything she did to him. And thank him for keeping her safe. For taking good care of her.

Gusto niyang pasalamatan ito sa lahat lahat ng kabutihang ginawa ng lolo niya.

Napabuntong-hininga siya.

Naisip niyang maglaro na muna gamit ng laptop na nasa harap niya.

It must her Lolo's PC. Kasi napansin niya ang litrato nilang dalawa na ginawang wallpaper nito.

Minsan kasi ay napapagkamalan niya ang pag-aari ng secretary nito.

Mahilig talaga siyang maglaro ng mga online games. Subalit, biglang nakuha ang pansin niya sa isang folder na nakalagay sa desktop nito.

Dala ng kuryusidad ay binuksan niya ang naturang confidential files ng Lolo niya.
Naipagpasalamat niyang walang security code na inilagay ang lolo niya dito.

Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat niya sa nabasa.

It contains all the information regarding her father's case. Lahat ng gusto niyang malaman tungkol sa pagkakapatay sa kanyang daddy ay nasa loob ng folder na ito!

Makalipas ang ilang minuto ay tila wala sa sariling nakatingin lang si Max sa harap ng computer.

Napakaraming katanungan ang ngayo'y pumapasok sa isipan niya na nabigyan ng sagot.

Pero bakit?

Subalit, ang mga kasagutang iyon ay siyang nagdudulot ng matinding sakit sa kanyang dibdib.

She... she...

"Maxryn?! W-What are you doing here?" Tila gulat na nabuksan ni Steffano ang tulalang dalaga.

               
"L-Lolo."

"What did you do? Pinakialaman mo ang mga gamit ko?" Halata ang galit sa mukha nito.

Ngunit di alintana iyon sa dalaga. Tila namamanhid pa rin siya buhat sa kanyang nalaman ng mga sandaling iyon.

"She... she lied to me." Nasabi lamang niya. "She's..." tila naghihirap ang kalooban niyang sinabi.

"Apo..." napalitan naman ng malambot at pag-alalang mukha na nilapitan nito ang dalaga.

"Bakit? Bakit kayo nagsinungaling sa'kin? Bakit nyo ho itinago sa'kin ang totoo!" May hinanakit niyang wika dito.

"What do you mean, Apo? Kailanman ay hindi ako nagsinungaling sayo." Ani ni Steffano.

"She didn't kill dad." Aniya na nagpatigagal dito.

"Max.. Apo."

"No! You're lying! Hindi niya pinatay si Daddy!"

"No. That purple girl is a killer! She's your father's killer." Pilit pa rin nitong pagpapaintindi sa kanya.

Napapailing siya. 

Hindi totoo lahat ng mga naririnig niya nang oras na to. Dahil kitang-kita ng mga mata niya kung paano at anu ang totoong nangyari.

Dahil ang totoong nangyari noon ay ang kabaliktaran ng inaasahan nila.

.

.

"She save us."

  

    

     
            

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Where stories live. Discover now