Prologue

16.9K 363 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, DADDY!!!"












Sigaw ni Max sa isang may edad subalit kapansin-pansin ang kakisigan ng lalaking nakaupo sa harapan ng mesa habang hawak ng mga kamay nito ang diaryo.







"Oh! Thank you, my princess!" Gulat nitong sinabi matapos halikan sa pisngi ng anak nito.





"Here's my gift po." Sabay abot ni Max sa isang maliit na kaheta.





"What is it, dear?" Tila tuwang-tuwa namang inabot nito ang isang kahon.







"Just open it!" Excited na sinabi ng dalaga.








"Wow!" Nanlalaki ang mga matang tiningnan nito ang isang mamahaling relo.

"For now... ito na po ang isusuot niyo, Daddy." Sabay kuha ni Max sa relo at isinuot sa wrist ng may edad na lalaki.







"Ahem. Max. Darling..."




"No- Daddy. Kung ayaw mo pong magtampo ako sa inyo susundin nyo po ang sinasabi ko. Besides, you can keep the old one- yung bigay ni M-Mum." Ani ni Max.

Napansin naman ng ama ang biglang pananahimik ng dalaga matapos mabanggit ang ina nito.

"Okay, darling. My beautiful princess. Isusuot ko na to." Nakangiting wika ng kanyang Daddy.

Sukat sa narinig ay napangiti si Max.

"I love you, Daddy!" Sabay yakap at halik niya sa pisngi ng ama.

"I love you too, my princess. Now go. Fix yourself at baka ma-late kapa sa school." Wika ng ama nang biglang makarinig sila ng pagpuputukan sa labas.

"What is it, Dad?"

Agad nakaramdam ng pagkabahala ang mag-ama.

"Go to your room, Darling Max. At wag na wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong wika ng Don Amadro.

"But, Dad-"

Bang!

Bang!

Bang!

Napatili ang dalaga nang makarinig ulit ng magkasabay na putok. At sa pagkakataong yon ay nasa loob na ng compound ng kanilang mansyon.

"Go!!!"

Walang nagawa na napatakbo si Max dala ng matinding takot. Pero sa halip na sundin niya ang iniuutos ng ama.

Isang maling silid ang napasukan ng dalaga at kaagad ikinubli ang kanyang katawan sa isang sulok.

Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan na napayakap siya sa sarili.

She is just wearing her pajamas. At white tank top.

Natatakot siya sa maaaring mangyayari hindi lang sa kanyang sarili kundi para na rin sa nanganganib na buhay nilang mag-ama.

Save us... piping dasal niya ng mga sandaling yon.

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aalalang mukha ni Don.

Binalot ng takot ang lalaki nang mapansing wala sa silid nito ang anak nito kanina.

"Maxryn!" Tawag nito sa dalaga.

"D-Daddy!"

She was about to hug him nang biglang may pumasok at sumunod na mga lalaking nakasuot ng maskara at itim na damit.

Napahumdig ang dalaga ng makita ang hawak na armas sa mga kamay ng mga ito.

"Sino kayo?!?" Sigaw ni Amadro sa mga lapastangang kriminal na pumatay sa lahat ng tagapag-sunod ng don.

Mabilis siyang itinago ng malaking katawan ng ama nang sa ganoong paraan man lang ay maprotektahan siya nito.

"D-Daddy..." nagsimula nang mapaiyak ang dalaga nang malamang nasa matinding panganib ang buhay nilang mag-ama.

"I told you to go in your room. Bakit dito ka sa masters bedroom pumasok?" Mahinang bulong ng kanyang Daddy.

Napaiyak na lamang siya.

"Sa wakas nahanap ka na rin namin, Phantom." Anang lalaki at mala-demonyong napangisi.

Phantom?

Pinuno ng pagtataka ang isip ni Max sa paraan ng pagtawag nung lalaki sa daddy niya.

"Kill them!" Sigaw nung lalaki at mukhang leader ng mga ito.

Napahumindig ang mag-ama sa takot. At agad pumailanlang ang nakakabinging putukan sa loob ng masters bedroom.

Isang malakas na kamay ang tumulak sa kanya.

"Argh!" Napadaing siya sa nasaktang katawan.

Sapo ang kanyang ulo nang tumama ito sa matikas na pader.

"D-Daddy..." mahinang usal niya nang makita ang kanyang ama.

Nakaluhod ito habang nakaharap sa isang... taong nakaharap sa kanya.

Gayunpamay di aninag niya ang mukha nito dulot ng liwanag at panlalabo ng kanyang paningin.

Pero isang bagay ang nagpakuha ng atensyon niya.

Isang tatoo sa balikat nito nang tumalikod ito sa kanya at itinutok ang baril sa ulo ng kanyang daddy.

No!!!

"P-Please... d-don't!" Nahihirapang sigaw ni Max dun sa taong nakatutok ng armas sa kanyang ama.

Bang!

Isang umalingawngaw na pagputok ang kanyang huling narinig bago siya nilamon ng kadiliman.

Daddy...

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon