Chap-28

4.2K 146 0
                                    

Pagod ang katawang sumampa siya pahiga sa kanyang malambot na kama.

She missed her bed. And everything in this room.

Pero ang mas lalong nakakapagpamiss sa kanya ay ang lugar kung saan isang linggo silang magkasama ni Aki sa maliit na resthouse.

Ang dagat. Ang pinung-pino buhangin sa dalampasigan. Ang masasayang araw na magkasama silang dalawa.

Pahid ang mga luhang napapikit siya.

Bakit?

Bakit siya pa?

Napahagulhol siya.

She hated her that much at nakayanan niya itong saktan kanina dahil sa pagkamuhi niya sa mga taong pumatay sa kanyang daddy.

God knows! Kung gaano siya nasaktan buhat sa ginawa niya. Subalit, mas nananaig ang pride niyang humingi ng tawad dito sa halip ay iniwan niya ang dalaga sa ganoong kalagayan.

Ganoon na lamang ang pigil niya sa sariling wag balikan ito't humingi ng tawad. Sabihin ditong hindi niya sinasadya ang sampalin niya ito. She want to hug her and kiss her.

Gayunpaman ay tinalo ng galit sa puso niya ang lahat ng yon.

She left her without even saying goodbye.

But damn!

She missed her so much that she could rather die than not to be with her.

Pinupuno ng sakit at sama ng loob na nakatulog siya.

Kinabukasan. Narinig ni Max ang boses ng kanyang Lolo sa may living room.

"Good morning, Seniorita." Anang si Aling Lucy sa kanya.

"Morning, po." Aniya. Bahagya siyang natigilan ng maalala niya si Manang Fe habang nakatitig siya sa masayang mukha ni Aling Lucy.

"May problema kaba, seniorita?" Nakakahalatang tanong ng may edad na babae sa kanya.

Napukaw siya nito at tila nagbalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa.

"Ah... w-wala naman, Aling Lucy. Nagluluto na po ba kayo?" Sa halip ay wika niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkagutom. Buong araw kasi siyang hindi kumakain kahapon dahil sa kawalan niya ng gana.

"Tapos na ho, Seniorita. Sinigang na baboy." May tuwang wika ni Aling Lucy.

Natigilan siya.

Sinigang na baboy?  Biglang may sumikdo sa dibdib niya nang buhat sa narinig.

"Ahm. Aling Lucy, pwedeng magluto ho kayo ng ibang putahe kahit anu maliban lang dun." Aniya at dagling iniwan itong nagtataka.

Shit!

Ramdam niya ang pagsisikip ng kanyang dibdib. It was her favorite food. God! She missed her!

Pahid ang mga luhang tinungo niya ang kinaroroonan ng kanyang Lolo.

"Good morning, Lolo." Aniya at humalik sa pisngi ng matanda.

"Apo..." may pag-aalalang nilingon siya nito.

Sa klase pa lang ng mga titig nito at nakakasiguro siyang may hindi magandang idudulot iyon.

"W-What's wrong?" Aniya.

Napakunot-noo siya. At agad sinalakay ng di mawaring emosyon sa kanya dibdib.

"S-She's gone."

Tila may bombang sumabog sa harap niya nang marinig niya ang sinabi nito.

She's gone...

She's gone...

She's gone...

Tila paulit-ulit na naririnig niyang mga salitang binitawan nito.

Tila may sariling isip na unti-unting nagsilabasan sa kanyang mga mata ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"L-Lolo..." aniya. Gusto niyang itanong dito kung paano at anong nangyari.

"May mga kumuha sa kanya. At halos lahat ng mga tauhan ay pinatay ng mga ito." Ani ni Steffano.

Napahilamos siya ng mukha. Hindi malaman kung anu ang dapat isipin. Basta ang alam lang niya ay wala na ang dalaga.

She's gone!

Na mas lalong nagpapahirap sa kanyang kalooban. Ang isiping hindi na niya ito makikita o makausap man lang.

Parang gusto niya nalang umiyak ng umiyak nang mga sandaling iyon.

"Max..."

  "L-Lolo. I'm sorry. I just want to be alone." Emotional niyang sinabi dito.

Patakbong bumalik siya sa kanyang silid.  

       

     

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara