Chap-12

5.9K 184 1
                                    

Mainit na sinag ng araw ang pumukaw kay Maxryn. Bahagyang itinaas niya ang isang palad nang sa ganoong paraan ay maikubli niyon ang mainit na tumatama sa mukha niya.

Kaluskos sa ibaba ang nagpakuha sa kanyang atensyon.

Bumangon siya at pasimpleng inayos ang kanyang higaan. Hindi naman siya sanay sa ganito tuwing pagkagising niya kasi may mga katulong naman sila.

Pero magkaiba na ang sitwasyon ngayon. Nakakahiya naman kay Manang Fe kung kahit simpleng bagay ay iaasa pa rin niya sa matanda. Isa pa, may utang na loob siya dito dahil sa pag-aalaga sa kanya.

Napansin niya ang isang paper bag na nakapatong sa kanyang mesa.

Bumaba na siya at hinahanap ang matandang babae matapos niyang mag-ayos sa sarili.

Kumikirot pa rin ang mga sugat niya pero kaya pa naman niyang kumilos na mag-isa.

"Magandang umaga po." Aniya nang maabutan ito sa kusina na nagluluto.

"Magandang umaga din sayo, hija. Nagugutom kana ba? Sandali lang at malapit nang maluto ito." Anang matanda kay Max.

"Naku. Ayos lang po, Manang. Hindi pa naman ako nagugutom ei." Aniya.

"Ah, ganun ba." Ani lamang nito.

"Salamat po pala sa mga damit na ibinigay nyo po." Nahihiyang sinabi niya.

Napakalaki ng utang na loob niya dito dahil sa kabutihan na ibinigay sa kanya. Wala talaga siya kahit anong gamit na dala niya. Lahat ng iyon ay kasamang nahulog at nilamon na ng tubig.

"Ay, naku! Wag ka sa'kin magpasalamat. Binili yan ni Aki, yong inaanak ko kung natatandaan mo yaong sinabi ko  sayo kahapon. Nagulat nga ako sa batang yon noong makita kitang dinadala dito na walang malay. Haay, naku!" Wika ni Manang Fe.

Nagulat siya sa narinig.

"Ah... n-nasaan po pala yong inaanak mo po?" Biglang nakaramdam siya ng di maipaliwanag na kaba nang mga oras na yon.

"Nasa labas. Nagjo-jogging yon tuwing umaga. Mayamaya lang at andito na yon. Nga pala, hija. Ano pala ang pangalan mo." Nakangiti nitong tanong sa kanya.

"Maxryn po." Aniya.

"Kay gandang pangalan. Kasing ganda mo, hija." Wika ni Manang Fe sa dalaga.

"S-Salamat po, Manang."

Kapwa sila napalingon nang makarinig ng ingay sa labas.

"Naku. Baka ang inaanak ko na yon. Sandali lang at bubuksan ko lang ang pinto. Ayaw na ayaw kasi ng alaga ko na hahayaang nakabukas o hindi naka-lock ang mga pinto. O, sya't maiwan na muna kita." Paalam nito sa kanya.

"Sige po."

Aki? Anong klaseng pangalan ba iyon? It sounds like a Japanese name.

"Naku! Kanina pa ako gising para naman maipagluto kita ng paborito mong sinigang na baboy." Narinig niyang boses ni Manang Fe.

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.

"Gising na po ba siya, Manang Fe?" Biglang may kumabog sa kanya nang marinig niya ang boses na iyon.

"Oo. Gising na, hija. Kausap ko rin siya andun sa kusina. Tara at ng sabay na kayong kumain."

Di maintindihan ni Max ang pakiramdam niya nang mapansin ang papalapit na mga hakbang ng mga ito.

Wait. Bakit ba siya natataranta?

Bakit biglang kinakabahan siya?

Was it because... naisip niyang isa ito sa mga masasamang dumukot sa kanya?

Noway!

Parang imposible naman ata iyon!

Pero di nga?

Sino ba itong nagligtas sa kanya?  

Kasabay ng pagkagulat niya ay ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"Ikaw?!?"

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Where stories live. Discover now