Chap-19

5.2K 148 3
                                    

Makalipas ang tatlong-araw ay nasanay na rin si Max sa simpleng buhay na tinatamasa niya ngayon.

Akala niya ay hindi siya makakaranas ng ganitong klaseng buhay bilang isang anak mayaman at nakayanan naman niya ang hirap.

She find it a new challenge in her life.

Natutunan na rin niyang gawin ang mga simpleng gawaing bahay na kadalasan ay ginagawa lang ng mga katulong nila.

"Wash your clothes." Wika ni Aki sa kanya.

Yes. She call her that way kahit ayaw nitong tinatawag ito sa ganoong palayaw.

"Ano? Bakit ako?" Pagtutol niya. Umaabuso na talaga ang babaeng ito sa kanya.

Porke nakikituloy siya sa pamamahay nito. Kung ituring naman siya ay parang alila!

"Why not?" Balik tanong ng dalaga kay Max

"Hoy! Ayokong labhan yang mga yan! Nakakapagod din kaya." Aniya.

Tama nga naman. Nakakapagod din gawin ang mga gawaing bahay na to.

"Napapagod ka na? Nagwalis ka lang naman kanina." Wika ni Aki dito.

Napairap si Max sa tinuran nito.

"And so? Ei, sa napagod ako. At saka... wala akong alam sa paglalaba." Pagsasabi niya ng totoo.

She heard her mocking.

"Do it. Kung ayaw mong maghubo't-hubad." Anang dalaga at aktong tatalikuran siya.

"Oh! So want me naked?" Patay malisya naman niyang sinabi.

Nang-aasar na ngumisi siya nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Aki.

Pilyang napalapit siya dito at dahan-dahang inilapit ang mukha dito.

Parang poste lang na nakatayo ito.

"Alam mo, Aki. Alam kong... may gusto ka sa'kin. Kunwari kapa na naiinis as if hindi ko alam. At ngayon inuutusan mo ako. Pwede mo namang sabihin yong totoo ei. Gusto mo lang akong makitang nakahubo't hubad."  Aniya at marahang pinaglakbay ang daliri sa makinis at magandang mukha nito.

Napataas kilay lang ang dalaga sa narinig magmula sa kanya.

"Hey, kid. Wala akong pakialam kong yan ang iniisip mo. Sinasabi ko lang sayo na... wala ka nang maisusuot na damit at kung ayaw mong labhan ang mga yan. Fine." Anito.

Napasimangot siya.

"Tsk. Nakakainis. Wala nga akong alam sa paglalaba." Pagmamaktol niyang naupo sa kawayang kahoy.

Nakatingin lang si Dakota dito.

"Here's the deal. Do it  then I'll teach you how to shoot."  Anang dalaga kay Max.

Napalaki ang mga mata nito.

"Talaga?" Di makapaniwalang napapatayo ito.

"Uhuh. So start washing your clothes."  Anito bago iniwan ang tila natutuwang si Max.

"Anyway. Aalis na muna ako. May pupuntahan lang ako sa bayan. There's a food naman. Kumain ka nalang kapag nagugutom kana." Wika ni Dakota bago tuluyang umalis sa harap nito.

May lungkot na napabalik sa pag-upo si Max. Ewan. Pero nalulungkot talaga siya nang sabihin nitong aalis ang dalaga.

Bakit kaya hindi siya isinama nito?

Lahat naman ng pinupuntahan nito ay parati siyang kasama.

Tila nawalan ng gana na sinunod niya nalang ang ipinag-uutos nito.

Sumapit ang gabi ay hindi pa rin dumarating amg dalaga. Tapos na rin siya sa paglalaba at ilang sugat sa mga kamay din ang kanyang natamo.

Tanging ang mga kuliglig at mga kulisap lang ang maririnig.

      
"Bakit gising kapa?"

Gulat na napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.

Pakiramdam niya ay biglang nagtatalon ang puso niya nang masilayan ito.

"D-Dumating kana pala." Tanging nasabi na lamang niya habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Ang weird.

"Yes. I'm sorry kung gabi na ako nakauwi. Kumain kana ba?" Anang dalaga kay Max.

Napailing siya.

"Hindi pa. Hinihintay kita ei." Aniya.

Napakunot-noo ito.

"Ganun ba. Halika sabay na tayong kumain." Anito.

"Ah. Ei... h-hindi pa kasi ako nakapagluto ng ulam." Sabay kagat-labi niya.

Nahihiya kasi siya dahil kahit pagluluto man lang ay nahihirapan siya. Pagsasaing ng kanin pa lang ang alam niyang gawin.

"Wag kang mag-aalala. May dala naman ako." Anito at naunang pumasok sa loob.

Nakaramdam siya ng ginhawa.

Kinabukasan. Maagang naabutan ni Max si Aki na papalabas pa lang ng bahay.

"Sandali! Magjojogging ka?" Aniya.

Napahinto ito at nilingon siya.

"Ba't ang aga mo yatang nagising ngayon." Sa halip ay sinabi nito.

Napasimangot siya.

Sinadya talaga niyang magising dahil alam niyang maaga din itong nagigising. Ewan. Gusto lang talaga niyang makita ito at makasama nang umagang iyon.

"Pwedeng sumabay?" Aniya.

Sukat sa sinabi niya ay napatingin ito sa kabuuan niya.

Oh, well. Nakadamit pantulog pa pala siya.

"No." Mabilis nitong sagot.

"Grabeh ka naman. Magbibihis lang ako saglit." Aniya at hindi na hinintay ang magiging sagot nito.

"Tara na!" Masayang yakag ni Max.

"Ba't ang tagal mo?" Nababagot nitong wika sa kanya.

"Sorry naman. Naghahanap pa kasi ako ng pwedeng maisuot." Aniya.

"Right. At sinong may sabing suotin mo ang mga damit ko?" Mataray nitong napahalukipkip ng mga braso.

"Ah, Ei... anu kasi." Nakakagat niyang kukong naglihis ng tingin dito.

"What?"

"Ang damot naman nito. Parang damit lang naman." Napa-pout niyang sabi. Grabe naman talaga ito.

"Ah ganun? Halos maisuot mo na lahat ng mga damit ko. Kumusta naman ang ipinag-uutos ko sayo kahapon?" Anang dalaga kay Max.

"Hey. I'm done. Kaya let's go na?" May inis niyang sinabi.

"Tss." Napapailing na lamang na sinundan ng tingin ni Dakota ang papalayong si Max.

        

  

       

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Where stories live. Discover now