Chap-18

5.4K 167 5
                                    

"How did you find this place?" Ani ni Max habang nakatanaw sa mga bituin sa itaas.

"My mum own this place." Ani ni Dakota dito.

Napaharap siya dito. Nakaupo kasi ito sa isang duyan na gawa sa kahoy. Habang siya naman ay nakatayo at nakaharap lang sa labas.

Lumagok ito ng isang bote ng alak.

"Where is she?" Aniya at nakatingin lang dito.

Hindi nawala sa kanyang paningin ang mailap na tingin nitong nag-iwas sa kanya.

"She's gone."

Nakaramdam siya ng guilt at pagkapahiya.

"I-I'm sorry." Aniya.

Bahagyang napatingin ito sa kanya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang galit na nabanaag niya nang mga sandaling iyon.

At sa isang iglap lang ay dagling pinalitan iyon ng pagkawalan ng emosyon.

"She died when I was thirteen. Car accident." Anito.

"That's horrible." Nasabi na lamang niya. Kahit hindi man niya nakasama ang kanyang ina ay alam niyang mahirap para dito ang nangyari sa ina nito.

"My father is fatal and coma for three months." Nasa ordinaryong tono na wika lang nito na ikinapagtataka niya.

Siguro ayaw lang nitong nakikitang malungkot ng iba buhat sa nangyari sa mga magulang nito.

This woman is tough and strong. At lingid sa inaakala niya ang hindi pangkaraniwang dinaranas nito.

They may have in common pagdating sa ganoong bagay.

Dahil alam niya ang pakiramdam nang mawalan ng magulang.

Sandaling katahimikan.

Ramdam niya ang pag-iiba ng ihip ng hangin nang mga sandaling iyon.

Biglang naalala niya ang nangyari noon.

"My father was killed infront of me." Basag niya sa nakakabinging katahimikan. "I promise to myself. To seek my revenge for my father's death. He's a great man." Aniya at hindi maiwasan ang mga luhang nag-uunahan sa kanyang mga mata.

Katahimikan.

"How ironic. Ni hindi ko nga mailigtas ang sarili ko sa masasamang tao na yon." May pait niyang sinabi nang maalala ang sinapit niya sa mga kidnapper.

Walang imik na umiinom lang itong nakikinig sa kanya.

      
Nang mga sandaling iyon ay may isang bagay ang pumasok sa kanyang isip.

"I want to be like you." Walang pagdadalawang-isip niyang sinabi.

Napaubo itong nag-angat ng tingin sa kanya.

"What?" Di makapaniwalang ulit nito.

"I said, can you teach me? Gusto kong turuan mo ako kung panu humawak ng baril. Kahit sa ganoong paraan man lang ay mailigtas ko ang sarili ko." Aniya.

Walang makuhang reaksyon na nakatingin lang ang dalaga sa kanya.

"What?" Untag niya sa pananahimik nito.

Napabuntong-hininga ito.

"No."

Tumayo ito at aktong tatalikod sa kanya.

Maagap niyang pinigilan ito.

"Please?" May pagsusumamong wika niya dito.

"I'm tired of being weak. Being helpless." Puno ng determinasyong mga salitang binitawan niya.  

Napahugot ito ng malalim na hininga.

"Pag- iisipan ko ang bagay na yan. For now, matulog ka na muna. Pupunta tayo sa bayan bukas para bumili ng mga gamit at pangangailangan natin." Anito.

Napangiti siya.

"Thanks."

May ngiti sa mga labing pumasok siya sa kanyang silid.

Kinabukasan ay maagang nagising si Max at kaagad na hinahanap ang dalaga.

Subalit nahalugad na niya ang kabuuan ng bahay ay hindi pa rin niya mahagilap ito.

Nagpasya siyang lumabas ng bahay at napansin niya ang dalaga na nakaupo sa may dalampasigan.

Sumilay ang mga ngiti sa labi niyang nakamasid lang dito.

"Are you going to stand there and watch me?" Napaigtad siya nang marinig ang pagsasalita nito.

"Ahem." Napahakbang siya papalapit at tumabi dito.

"Good morning." Bati ni Max habang nakatingin sa malawak na karagatan.

"Good morning din." Katulad niya ay nasa karagatan din ang mga matang nakatutok nito.

"How did you know I was there?" Aniya. Nagtataka lang kasi siya dahil hindi naman siya nag iingay kanina.

"I just know." Anito.

Napailing na lamang siya.

"Bakit ka nga pala andito sa labas? Masyadong malamig pa, oh." Aniya.

Sukat sa sinabi niya ay napagawi ang tingin nito sa kanya.

"Look who's talking. Katatapos ko lang magjogging." Anang dalaga kay Max.

"Ah, I see." At pilyang tumingin siya sa kabuuan nito.

Why?

Well. She looks more even hotter on her suit. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito.

Halatang alaga sa ehersisyo at ang nagpapakuha sa kanyang atensyon ay ang marka sa balikat nito.

"What is that?" Aniya.

Napakunot-noo at nagtatakang sinulyapan siya nito.

"Yong nasa balikat mo." Ulit niya. At bahagyang nakaramdam ng kakaibang kaba ng mga oras na yon.

Anong meron sa balikat nito na nagpakaba sa kanya? Bakit parang nakita na niya ang...

"My mark." Sagot ng dalaga at salubong ang mga matang nakatitig sa kanya.

Tila may malalim na pahiwatig ang mga titig nito. It's an instinct.

She felt the danger in her eyes.

Nababahalang nag-iwas siya ng tingin dito.

 

    


AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Where stories live. Discover now