Chap-11

5.8K 184 2
                                    

Nagising si Max sa isang madilim na silid. Sapo ang kanyang ulo na bumangon siya.

Nagtatakang napahawak siya sa telang nakabenda sa kanyang ulo. Saka pa lang niya naramdaman ang pagkirot niyon.

Nasaan nga pala siya?

At bakit may sugat siya? Anong nangyari?

Pikit ang mga matang ibinalik niya sa kanyang gunita ang mga nangyari.

Ang naalala lang niya ay nasa loob ng eroplano siya nang biglang may mga masasamang tao ang sapilitang kumuha sa kanya.

Pagkatapos ay nalaman nalang niya na nakasakay na siya sa isang kotse nang makarinig siya ng putukan hanggang sa biglang may sumalpok sa rearbumper ng sinasakyan nila.

Then, they fell of the cliff. Kaya pala ganitong may mga sugat siya sa katawan.

Pero paanong nakaligtas siya sa trahedyang iyon?

Naaalala pa niya kung paanong nahihirapan siya sa pag-aagaw buhay niya sa ilalim ng tubig.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto.

"Salamat sa diyos at gising ka na, hija." Anang matandang babae kay Max.

Kunot-noong napatitig lang siya dito.

Pamilyar sa kanya ang matanda hindi lang niya maalala kung saan o kailan niya ito nakita.

"Buong araw kang walang-malay. Wag kang mag-aalala ligtas kana. Ako pala si Felicita o tawagin mo na rin akong Manang Fe." Wika nito matapos buksan ang ilaw at tumambad sa kanya ang isang may kalumaan subalit malinis na silid.

"K-Kayo po ba ang nag-aalaga sa'kin?" Medyo napalagay ang loob niya buhat sa narinig.

"Oo. Bukod sa'kin ay ang anak ko rin ang nagbabantay sayo." Ani ni Manang Fe sa kanya.

"S-Salamat po sa pag-aalaga nyo po sa'kin, Manang." Matipid niyang nginitian ito.

"Walang anuman, hija. O sya, ipaghahanda ko lang ang hapunan mo. Bukas ay darating ang anak-anakan ko." Ani nito at ngumiti rin sa kanya.

"Sige po." Nasabi niya lang.

Natapos ang gabing iyon na pinupuno ng pag-aalala ang dibdib niya.

Wala siyang alam kung nasaan siya. At sa tuwing naaalala niya ang mga lalaking kumidnap sa kanya ay mas lalong nadaragdagan ang takot sa kanyang dibdib.

Posible kayang isa sa mga ito ang nagligtas sa kanya? Pagkatapos ay anu?

Anong pinaplano ng mga ito sa kanya?

At bakit siya tinatawag ng treasure ng mga ito?

Ano o sino ba talaga siya?


AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang