Chap-9

6.3K 195 2
                                    

Panaka-nakang inilibot niya ang tingin sa loob ng eroplano. Bakit ganun? Pakiramdam niya ay may mali nang mga oras na yon!

Wari din niya ay kanina pa may nagmamatyag sa kanya.

Shit!

Sana ay hindi iyon isa sa mga utusan ng kanyang Lolo. Pagnagkataon ay hindi na talaga siya makakaalis o makakalabas man lang ng bahay kapag nakuha siya  agad ng mga ito.

For sure , ay nagtataka na ang mga bodyguard niya at sa mga sandaling ito ay hinahanap na siya sa loob ng MU o Montaldo University.

.

Halos kalahating oras na ang nakakalipas magmula nang lumipad ang eroplanong sinasakyan nila sa himapapawid.

Sa halip ay pilit na lamang niyang ignorahin ang kung ano mang bumabagabag sa kanya nang mga oras na iyon.

Napapikit siya. At tila nakaramdam ng kunting pagod na nakaidlip siya.

Ilang sandali ay biglang may naramdaman siyang isang matulis na bagay sa kanyang tagiliran.

Napadilat ang mga mata niya.

At sa isang iglap lang ay kaagad nagkagulo ang lahat ng pasahero sa loob ng eroplano.

"This is hijacking! Everyone! Walang kikilos! Lahat ay kailangan mananatili sa inyong mga upuan!" Anang isang lalaki.

Kahabag-habag at pinupuno ng takot ang mga mukha ng walang kalaban-labang pasaherong nakakasabay ni Max.

Pero ang mas ikinatatakot niya ay ang bagay na nakatutok sa kanyang katawan.

"Sumunod ka."

Nakakapangilabot nitong sinabi sa kanya.

Magkahalong takot at pagsisisi na walang nagawang napapasunod siya sa isang lalaki na nakaleather-jacket.

Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod.

Sa loob ng isang cabin kung saan mapapansin ang puro kalalakihang naka-abang sa kanila.

Napangisi ang isa na nakatutok ang tingin kay Max.

"Atlast, the treasure is here." Pumapalakpak nitong wika at tumayo para kamayan siya.

"W-What is this?" Sa kabila ng pagkagulat ay naitanong niya.

"Oh. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin talaga alam ang iyon kapalaran, hija. But first, I'd like to introduce myself. Secretary Khial Simon." Anito.

Kunot-noong nakatingin lang siya sa estranghero.

Kahit nakikita niya ang mga ngiti nito hindi pa rin mawawala sa pakiramdam niya ang panganib ng mga oras na yon. Lalo na at sa mga kaharap niya ngayon.

"Wala akong pakialam kong sino ka man. Ang sa'kin lang ay kung bakit ako naparito. Ano ba to? Utusan din ba kayo ng Lolo ko?" Mahihimigan ang galit sa boses niyang sabi.

"Oh! No. No. No. That Gen. has nothing to do with us. Alam mo bang kaya kong patayin ang Lolo mo kung hindi lang dahil sa Acapolco? Ugh! Pero ang nakakatawa ay naunahan namin ang lintik na grupong yon. Iyon ay ang makuha ka sa mga kamay ng walang kwentang Heneral na yon!"

Sukat sa narinig niya ay tila may sariling isip ang mga palad na sinampal niya ito ng ubod lakas.

Galit ang nararamdaman niya nang mga oras na yon. Kahit siya ay nagulat sa inakto pero iyon talaga ang totoo.

Nakaramdam siya ng di mawaring galit buhat ng bastusin nito ang lolo niya.

Yes. She's a brat and stubborn.

At ngayon lang niya napagtanto na hindi niya pala kayang marinig ang mga iyon patungkol sa kanyang Lolo na tatlong taong nag-aalaga at nagbabantay sa kanya.

Maaaring may galit nga siya dito pero alam niya at nararamdaman niyang mahal niya ang kanyang lolo at ramdam din niya ang pagmamahal nito sa kanya.

"How dare you call him like that!" Nanggagalaiti sa galit niyang sinigawan ito.

Napadura ito.

At tila demonyong humahalakhak sa kanyang harapan. Nag-aapoy ang mga matang biglang sinunggaban siya para pilipitin ang kanyang leeg.

She tried to struggle pero masyadong malakas ito kesa sa kanya.

Nahihirapan na siyang huminga. At mga paang nakabitin sa ereng pilit niyang tinatanggal ang mga kamao nitong sumasakal sa kanya.

God! Mamamatay na ba siya? Dito na ba magtatapos ang buhay niya?

Ni hindi pa nga niya nahanapan ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang Daddy at makalipas ng tatlong taon ay muli na naman niyang mararanasan ang bangungot na ito sa buhay niya!

Nanlalabo ang mga matang napatingin siya sa mukha ng walang-awang lalaking nananakit sa kanya.

Mali ang hinala niyang ang mga ito ang pumatay sa daddy niya.

Pero sino nga ba ang mga ito? Anong kailanganng mga ito sa kanya?

At sinu-sino ba ang mga taong pumatay sa kanyang daddy!?

Napakaraming katanungan ang gusto niyang malaman. Pero paano niya malalaman iyon kung ganitong nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya!

No!

Hindi pwedeng sa ganitong paraan siya mamamatay!  At is pa... paano na ang lolo niya! Paano rin niya makikilala ang taong nagligtas sa kanya! Ang superman niya!

Someone must help her!

"Argh!"

Napapaubo siya matapos pakawalan nito ang kanyang leeg.

Kung di lang sa mga kamay na mabilis na nakaalalay sa kanya ay malamang na nasa sahig na bumulagta ang walang kalaban-laban niyang katawan.

"Ilayo nyo ang isang yan! At siguraduhing hindi yan makakatakas!" Anito.

Kaagad na tumalima ang mga lalaking nakapalibot sa kanya na utusan nito.

Sapilitang kinaladkad siya ng mga ito at dinala sa isang pribadong parte ng eroplano.

Piring ang kanyang mga mata at nakagapos ang mga kamay at paang nakasandal siya.

Gustuhin man niyang umiyak dulot ng kanyang pagsisisi ay hindi niya magawa. Dahil ang tanging nasa isip lamang niya ay kung paano siya makakatakas sa masasamang taong ito.

At kailangan niyang mailigtas ang sarili sa panganib na nakaabang sa kanya.

 

            

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Where stories live. Discover now