Chapter 31: Who are you?

50 19 4
                                    

"Babe, san ka galing?" Yan ang una kong narinig kay Michael pagkapasok ko sa kwarto niya.

Nahihiya pa ko nun kasi alam kong buong pamilya niya ang nandun at panigurado na nasabi na ni Liz sa kanilang lahat ang panlalake ko. Na ako ang dahilan kung bakit naaksidente si Michael.

Tumingin muna ako sa paligid. Nasa isa sa mga pinaka malaking private room kami. Dahil sila na nga ang may ari, what do I expect. May sarili itong sala na may 50" inch na TV, may CR with shower and bathtub, may foldable beds para sa mga kaanak.

Si Michael nakahiga sa kama niya sa gitna ng kwarto. Halatang namumutla pa to dahil parang multo siya na walang kulay ang labi. Sinibukan niyang umupo ng makita ako pero napahiga uli dahil sumakit yung napangtungkod niyang kamay kung saan nakaturok yung dextrose. Tinulungan na lang siya ng Mama niyang makaupo ng maayos at naglagay ng unan sa likod niya ng hindi siya mahirapan.

Hindi niya gaano pinansin yung ginawa ng Mama niya, ni hindi niya nga tinignan.

Tinignan niya lang ako ulit ng may bahid ng pagalala. "May nangyare ba? I miss you" Pagpapatuloy niya. Inilahad niya yung dalawang kamay sa harap niya.

Parang lahat naman ay hindi makapagsalita sa nangyayari. Naglakad ako papunta sa kinahihigaan ni Michael, umupo sa gilid ng kama niya at niyakap siya ng mahigpit. Thank God and he's safe. He hugged me back tighter.

"Namiss mo ko no?" Bulong niya sakin ng tumatawa pa ng konti. Napatigil lang siya ng sumakit yung tagiliran niya. May tama kasi siya dun nung naaksidente siya kaya agad namang inalalayan siya ng mga nurse. Tumayo lang ako sa gilid ng kama niya. Nakahawak lang siya sa kamay ko at hindi ko yun binatawan.

"Michael, I'm Doctor Felix. You'd been in a car accident, tumama yung sasakyan mo, sa harapan ng truck at ng umikot, tumama ka sa isang taxi. You're not wearing any seatbelt kaya tumalsik ka sa sasakyan mo." Tinitignan ko lang si Kel habang sinasabi yun ni Doctor Felix. Nakakunot lang yung noo niya at pilit iniintindi ang lahat.

"Comatose ka for almost one week but I'm really glad you're okay now." Pagpapatuloy niya.

Napangiti naman si Kel dun. "Thank you Doc."

"You're always welcome. But do you remember what happened before and during the accident?"

"Actually no." Mabagal na sagot ni Kel at napayuko na tila may iniisip. Lahat naman kami, makapigil hiningang nakakatitig lang sa kanya at hinihintay yung sagot.

"I'm sorry" Pagpapatuloy ni Kel. Malungkot na tumingin sa mga magulang niya, kapatid at pati sakin.

"May nakaaway ka ba that night? June 23, wednesday? You were drunk that night Kel" Malumanay na tanong ulit ng Doctor. Tahimik parin ang lahat na pabalik balik ang tingin kay Doctor Felix at Kel.

"It's our monthsary" sagot ni Kel at tumingin sakin, pinilit niyang ngumiti. I smiled back at him. Nararamdaman ko naman ang masasamang titig ni Liz sa likuran ko, alam kong ayaw na niyang lapitan ko pa ulit ang kapatid niya.

"Good. But what happened that night?"

He shook his head.

"That's okay son. Thank you Doctor Felix for everything but I need my son needs to rest." Kel's Mother interrupted.

"Son? You're my mom?" Nagulat kami at napatingin lahat kay Michael. He looks confused at mukhang di talaga namukhaan ang sarili niyang Mama. Napahinto at natulala naman ang Mama niya.

"I'm your Mom, Kel" Mabagal na pagpapakilala ni Tita. Blanko lang ang ekspresyon sa mukha ni Kel at hindi umimik, halatang malalim ang iniisip, halata sa nakakunot niyang noo.

You're still the oneWhere stories live. Discover now