Chapter 20: Bring me

184 64 42
                                    

"Okay ka na ba talaga?" Michael asked.

Hindi ko sigurado kung tinutukoy niya ba yung naramdaman ko sa pagkahulog ko o tunay na nararamdaman ng puso ko.

Honestly, naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil all this years naapektuhan parin ako sa presence ni Jason.

Umpisa pa lang ng game hindi ko na maiwasang silipin siya, hanggang sa matalo kami ay di ko parin siya matiis. Nabubwisit ako sa sarili ko dahil nagagalit ako sa kanya at naiinis ako sa pangyayari. Bakit ba kelangan namin magsama sa isang lugar kasama pa ang isang taong malapit sa puso ko?

Ayoko naman na iba isipin ni Michael samin. Ayokong bigyan siya ng dahilan para magselos.
Mag iisang buwan pa lang kami ni Kel and natutuhan ko narin siyang mahalin.

Michael has been the perfect boyfriend, a girl could ever wish for. At kung maibabalik ko lang yung oras ay mas pipiliin kong si Michael ang una kong makilala kesa kay Jason dahil I'm sure na si Michael kahit anong mangyare ay hindi ako iiwan at papabayaan kagaya ng ginawa sakin ni Jason.

"Are you okay Iya?"

Nagulat ako ng lapitan kami ni Jason at hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ko ngayon.

Gusto kong matawa dahil maga-apat na taon na kaming hindi naguusap at parang naninibago ako ngayong lalapit siya para kausapin ako.

"I'm good" sabi ko sabay ngumiting matipid.

Nararamdaman kong may gusto pa siyang sabihin pero ang awkward dahil katabi ko rin ngayon si Michael. At kung may sasabihin man siya e He's four years late.

"By the way, Michael this is Jason, kababata ko and Jason this is Michael my...."

Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa dahil mukhang naghuhulaan sila kung sino ang isa't- isa at kung ano ang papel sa buhay ko.

Kilala naman ni Michael kung sino si Jason dahil naikwento ko sa kanya ito dati pero hindi niya alam ang itsura nito.

Jason, on the other hand ay matagal akong walang balita kaya hindi ko alam kung interesado ba siyang malaman kung sino ang kasama ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nautal. Ipapakilala ko si Michael bilang boyfriend ko kaya dapat proud ako. Ano bang nangyayari sakin?

"I'm Iya's boyfriend"

Pagtatapos at nakangiting pagpapakilala ni Michael. Inilahad niya ang kamay sa kaharap na agad namang kinuha ni Jason at nakipagkamay rin.

"Jason, pare. Nice meeting you"

Nakahinga ako ng maluwag at mukhang okay naman sila. Baka asa sakin lang ang tensyon at kung ano ano iniisip ko.

Dapat isipin ko lang na nakamove on na kami parehas ni Jason para di ako napaparanoid ng ganito. Pero, hindi parin ako mapakali at naiinis ako sa kanya.

Naiinis ako dahil kelangan pang lumipas ang apat na taon bago ako kausapin. Ano bang problema niya sa buhay? Nakakamove on na ko e. Sana hindi na siya bumalik sa buhay ko. Guguluhin niya lang to.

"Ahm ang init ngayon. Gusto ko magshake. Do you want any? My treat, para makabawi naman ako" Pagpiprisinta ni Jason.

Nagpapahinga kami ngayon sa Nipa hut bar.

Huminto sandali yung games dahil narin sa nangyari sakin. Natapilok kasi ako ng bahagya kaya kelangan pa ko buhatin ni Michael papunta dito para makapagpahinga saglit at hilutin yung paa ko.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon