PROLOGUE

1.2K 87 66
                                    

Gulong gulo ang utak ni Jason Reyes ngayon, dagdagan pa ang minu-minutong pagsakit ng puso niyang wasak emotionally and physically.

"B-Bakit Iya? B-Bakit hindi mo pa siya makalimutan? Mahal na mahal naman kita e. Bakit hindi mo makita yun?" Itinungga ni Jason ang baso ng alak sa harapan niya. Nakailang bote narin 'to dahil sa kanina parin sila nagiinuman ng kaibigan.

"Jayjay naman e. Akala ko ba she's trying to explain things" pagdidiin ng kausap niya sa ibang salita na sinabi.

He's talking to Alison, Isang chinita girl na may brown doll eyes and a very long ash brown hair. Halos magmukhang Manikha na nga ito dahil halos perfect ang hubog ng mukha. Dinadamayan ni Alison ang kaibigan sa pagdadrama nito.

"Yea, She's been trying, two weeks narin" Sagot ni Jason habang ibinabaliktad ang naubos na baso ng alak.

"Then what the hell are you doing here?" Iritableng tanong ni Alison. Naasiwa narin kasi siya sa amoy ng alak.

"Drinking my self to death" Sarkatiskong sagot ni Jason. Alison rolled her eyes.

"What I'm saying is that, Bakit hindi ka umalis dito at makipagusap sa babaeng dahilan ng paglulunod mo sa alak! For God sake Jason, Go grow some balls!" Nainis at natapakan naman ang pagkakalake ni Jason sa sinabe ng babaeng kaibigan at napaupo ng diretso.

"Easy there Bro! Aly is just concern of you... and I am too. So, why don't you just talk to this girl, so that both of you could work things out" Inakbayan ng isang six footer na lalake si Alison, dahilan ng pag-atras ni Jason at napabuntong hininga.

Siguro nga tama ang kaibigan niya at ang nobyo nito. Kailangan nga siguro na pagusapan nila ni IYA, ang babaeng pinaka mamahal niya kung ano mang gusot ang namamagitan sa relasyon nila. Ganun narin kung ano na ba ang estado ng kanilang relasyon.

"MR. JASON REYES ARE YOU EVEN LISTENING?! KANINA PA KO PUTAK NG PUTAK DITO" Napatingin ulit siya sa bestfriend niya na ngayon ay tumataas na ang boses pero pilit na pinapahinahon ng nobyong katabi.

"I'm listening and you're God damn right. I'm gonna go talk to her"

Isinuklay ni Jason ang mga daliri sa buhok at parang minamassage pa ito para maalis alis naman ang epekto ng alak sa kaniya.

"FINALLY, that's my boy!" pumapalakpak na sabi ni Alison.

Wala siyang pasok ngayon dahil sa pagabsent ng Professor nila na sadyang lihim niyang ikinatuwa. Wala rin kasi siya sa wisyong mag-aral dahil nga sa broken hearted niyang puso. Inaya niya na lang ang bestfriend nasi Alison at ang nobyo nitong si Clarence para uminom sa bahay ng dalaga.

"Mamayang gabi pa uwian ni Iya, pupuntahan ko na lang siya sa kanila" Bulong ni Jason sa sarili.

Ilang linggo na rin silang hindi naguusap ni Iya. Pilit siyang kinokontak ni Iya pero umiiwas siya. Medyo may impormasyon siyang nalalaman dahil close ng kapatid niya si Iya kaya kahit konti ay nakakasagap ito ng impormasyon ukol sa dalaga.

Napagdesisyunan na muna ni Jason na umuwi ng bahay habang hinihintay mag-gabi ng may magtext. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon at binasa.

From: Dr. Huego

Jason, I need to talk to you. Isama mo na rin sila Mama mo, this is ASAP.

Nireplyan niya ang Doctor na pupunta agad pero dahil alam niyang may inaasikaso ang mga magulang ay mas pinili niyang isama ang Tita niyang nakatira lang malapit sa unibersidad na pinapasukan. Agad naman pumayag ang Tita niya. Nagkita sila at dumiretso agad sa Hospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Huego.

"Feel at home" Ngiting pagbati ni Dr. Huego sa dalawang kakapasok lang sa opisina niya. Halatang kabado ang Tita ni Jason at todo makakapit sa braso nito.

"Is there something wrong Doc?" Bulalas agad ni Jason.

Medyo ayaw kasi ng binata ang pasuspense na sasabihin ng Doktor na kausap. He should tell him right away what it is.

"Yes. There is Jason"

Bakas sa doktor ang pagbago ng emosyon sa mukha na mula sa ngiti ay nauwi sa malungkot na ekspresyon. May kinuha ang doctor sa drawer ng table niya at ibinuklat ito sa harapan ng mag-tita.

Mga health records, X-ray at City Scan ito ni Jason, Ipinanganak kasi ang binata na may sakit sa puso. Ito ang kadahilanan kung bakit may malaki at mahaba siyang peklat sa dibdib na kitang kita kapag naghuhubad siya ng pang-itaas.

Bata pa lamang ay hingalin at madaling mapagod na si Jason, dala ng kanyang sakit kaya naman napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na ipaopera siya para hindi na lumala.

Napapikit na lang si Jason ng maalala niya ang sakit at hirap na pinagdaanan nung bata siya. Lalo na yung major operation na ginawa para sa puso niya. Ito rin ang dahilan kung bakit nabansagan siyang payatot nung kabataan niya na ngayo'y buti ay nabawi na naman niya dala ng ilang oras niyang pananatili sa gym.

"Akala ko ba you and your buddies-" pagdidiin ni Jason sa salita "run many many tests just to make sure na okay na ko?"

"Yes, we did Jason.... but unfortunately we-" Hindi na natapos ni Dr. Huego ang pageexplain at napatayo si Jason sa kinauupuan at hinampas ng malakas ng kanyang kanang kamay ang lamesa ng doktor.

"What the hell doc?! halos mamatay matay ako sa mga test at operation na yan tas sasabihan mo ko ng UNFORTUNATELY?!" Naningkit ang mga mata ni Jason, halatang hindi nagustuhan ang gustong iparating ng Doktor.

"Listen Jason, Iho parang anak narin kita at masakit din sakin to -" paghihinahon ng doktor kay Jason na pinapaupo ito uli.

Close ang family ni Jason sa family ni Dr. Huego kaya halata ang labis na pag aalala ng Doctor. Lalo na sa inaasta ngayon ng binata.

"Haaay Iho. Everyone's thankful that the operation 10 years ago was successful but.."

Napahinto siya at napayuko at tuluyang bumagal at lumungkot ang boses.

"But unfortunately there are complications na late mag show up ang sign. Yung sakit mo has that thing na pwedeng bumalik and this time it is far way worse than the first. I know you do notice na bumalik ang pagsakit ng dibdib mo, pagkahingal at pagbilis mapagod. right?"

Jason didn't answer but yes, he did noticed na there's something wrong with him.

"Ano ho ba yang sakit ng pamangkin ko?"

Sa wakas nakasingit din sa usapan ang Tita ni Jason na kanina pa tahimik na nakaupo. Napaupo na ito ng diretso at hindi mapakali sa pagalala sa kalagayan ng pamangkin.

"OO NGA! Ano ba yan? ano ba tingin niyo sakin, pugad ng sakit? Bakit ba hindi na ko nawalan ng pesteng sakit na yan?!"

Hindi na mapigilan ni Jason ang galit. Naniningkit na ang kanyang mga mata at halatang nagpupuyos ito sa galit. Hindi sa doktor na matagal na nila kakilala, kundi sa sakit. Sakit na matagal na niyang iniinda.

"Iho, you're suffering from MARDIO CARDIAL DISEASE"

Bulalas ng doktor habang naiwang tulala ang mag-tita. Hindi na umimik si Jason after nun, nag-usap na ang Tita ni Jason at si Dr. Huego kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ni Jason ngayon na nalaman nilang may bagong sakit ito.

"Hindi lang pala ako broken hearted kay Iya, literal na broken hearted na pala ako"

Pangising sabi ni Jason sa sarili na pilit pinapasaya ang sarili at iniisip na panaginip o guni guni lang ang mga sinabi ng doktor. Bagkus mahigpit na bilin ng doktor ay iwasan niya ang masiyadong pagpupush sa feelings o emosyon niya. Bawal maging sobrang saya at bawal ring masyadong sobrang lungkot. In short, maging living dead siya na kung saan dapat wala siyang emosyon na dapat ilabas.What a life!

You're still the oneDär berättelser lever. Upptäck nu