Chapter 10: My Inspiration

203 75 51
                                    

Shock parin ako sa mga pinagkukwentuhan nila dun at minabuti ko ng iwan sila.

Nagsimula na ko mag-ayos for school. Pero sinisilip silip ko parin sila, halos hindi humihiwalay si Mama, at si JP kay Michael. Hindi ata sila naaubusan ng kwento.

Eto namang lalake, talaga namang feel na feel niya ang pag welcome ng pamilya ko sa kanya.

"Nako iho, Wag ka nga maglinis diyan. Bisita ka kaya ako na. Umupo ka na lang dun!"

Narinig kong pagsuway ni mama. Pagtingin ko hawak hawak ni Michael ang mga plato at naglilinis ng mesa.

Bigla akong namangha, natuwa and naging proud sa kanya. Gusto ko nga ng ganitong klaseng boyfriend - maasikaso, mabaet, maalaga, magalang. Yung tipong close sa family ko para walang hiyaan. Parang si..... parang si JASON. Erase erase. Pwede bang mawala sa utak ko yung walang kwentang makasariling lalakeng yun?!

"Uy Kel. Bisita ka, Wag kana diyan. Nakakahiya!" Sabi ko sabay kuha ng mga hawak niya.

"Hindi okay lang" pangiti niyang sagot sabay kuha ng basahan at punas ng mesa.

"Ang pasaway mo naman e"

Aagawin ko sana yung basahan na hawak niya kaso iniwas niya lang yun palayo. Ang pasaway namin ni Mr. President. Naturingang mayaman tas sa bahay namin naglilinis.

"May bahay ka kaya. Dun ka maglinis" He just smiled and continued what he's doing. Hinayaan ko naman dahil ayaw paawat.

"Huy kel, anong oras na hindi ka pa nakauniform baka malate ka" Kinuha ko na yung bag ko sa kwarto.

"Okay lang, may uniform ako sa sasakyan"

Kakatapos lang ni Kel sa mga ginagawa niya. Tapos narin naman ako magbihis. Nagpunas na siya ng kamay sabay labas ng bahay. Pagbalik niya ay dala na niya yung uniform niya.

"Nagjogging tas di maliligo? Hahaha"

Sobrang lakas kong tumawa habang inaamoy yung kili kili niya, na sa totoo naman ay amoy baby kahit pagpawisan. Halos magtatalon sa kiliti naman si Michael, kalalaking tao ang lakas ng kiliti.

"Grabe ka sakin Iya. May shower room sa school, remember? And besides 1pm pa class ko kaya I still have free time" Pageexplain niya habang pinipigilan ang malakas na tawa.

"Wushu. Tara na nga Mr. President" Pag-aya ko sa kanya, sumunod naman siya agad sakin palabas ng pinto.

"Thank you Iho ha, napakabaet mo pala. Dumalaw ka ulit dito a" Pagpapaalam ni Mama samin habang palabas na kami ni Michael sa bahay.

"Kuya Mr. President balik ka a!" Sambit ng kapatid ko. I rolled my eyes. Mukhang close sila agad e.

"Halika na nga Kel. Bye Ma. Bye Asungot!" Naggoodbye kiss lang ako kay Mama tas sabay hila na kay Michael.

"Magingat sa byahe" Narinig kong pahabol ni Mama.

***

"Pasensya na kung nabigla ka sa pagpunta ko ha"

Paghihingi na paumanhin ni Kel habang nakatingin sakin na nagbabasa ng Statistic book.

May exam kasi kami mamaya at dahil strict yun, kelangan ng extra effort sa pagrereview lalo di ako nakapagreview kagabe dahil sa pagod at badtrip ko kay Jason.

"Ah okay lang yun" Sabi ko ng hindi tumitingin kay Michael.

Hawak ko nga ang libro pero wala naman pumapasok sa utak ko. Hindi naman na nagsalita ulit si Michael. Nanatili lang siya sa pagdadrive. Pakiramdam ko tuloy ang mean at ang pusong bato ko. Naappreciate ko naman talaga yung effort niyang pagbisita sa bahay at pagdala ng almusal kahit biglaan yun.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon