Chapter 21: Little Mermaid

112 39 25
                                    

MICHAEL

Ayoko sanang ipahalata pero inatake ako ng sobrang selos ng makita kong magkasama si Iya at yung Jason na yun.

Pinipilit kong itago yung inis ko kay Alison dahil ako pa talaga ang nilapitan niya, Pwede naman sigurong si Jason na lang. At, kinamalas malasan pa ng pagkakataon ay parehas pa kami na naka-gray sando ng mokong yun. Why Lord? Why?

Nanalo ang Red Team and kagaya ng inannounce ni May ay makakatanggap sila ng free massage mula samin, na losing team.

Nandito kami ngayon sa isang malaking Nipa Hut na ni-rent nila Jonathan para saming lahat. May mga nakahelerang beach chairs dun, kung saan nakahiga at nagpahinga yung mga taga-Red team, habang kami naman ay pinagsisilbihan sila.

Ayos na ayos naman sa akin dahil isang magandang dilag naman tong nakahiga sa harap ko.

"Uhm Babe, I'm sorry"

Nagulat akong pagsalita ni Iya. Natigilan naman ako sa paghilot sa kanya. At ng hindi ako nakasagot agad ay lumingon siya at umupo.

"Hindi ka pwede sa marathon. Ang bagal mo tumakbo e"

Pagbibiro ko na lang, sabay pisil sa ilong niya. Ayokong isipin niya na nagseselos ako. Baka isipin niya pa na pinagdududahan ko yung pagmamahal niya sakin.

"Ikaw talaga. Next time magtetrain na ko"

Hinampas niya bahagya yung balikat ko at dumapa ulit. Pinagpatuloy ko naman ang paghihilot sa likod niya.

"Aaa ang sarap babe" Ungol ni Iya.

Dinagdagan ko yung langis sa kamay ko, ipinahid sa likod niya at hinilot ulit to. Narinig ko ulit ang pagungol niya sa sarap.

"Masarap talaga ako" I joked.

"Pinagsasabe mo diyan!"

Nagpumiglas si Iya para makatayo, pero idinagan ko lang yung kamay ko para manatili lang siyang nakahiga.

"Nagselos ka ba kanina?" I asked her.

"Oo syempre" Matipid niyang sagot.

"Ako rin, sobra." Sagot ko kahit hindi niya pa ko tinatanong.

Napabuntong hininga si Iya.

"Babe..." Paguumpisa niya.

"I know, hindi mo naman ginusto yun and I understand. Again, hindi ko lang talaga kayang makita na nasa piling ng iba"

Hindi ko na siya pinatapos at sinabi yung bumabagabag sa loob ko.

"It's just a game babe."

Napaupo na si Iya sa tabi ko. Hinawakan niya rin parehas kung kamay ko.

"I know" I said looking down.

Parang hindi talaga mawala sa isip ko yung moment na nakita ko si Iya with Jason.

She moves closer to me and held my face with both of her hands. She lifted it up and stared at my eyes, like she want to go inside and dive for answers; answers to all of the questions and doubts running on my mind.

"Mahal kita Kel at hindi ako magsasawang magpasalamat sa Diyos na dumating ka sa buhay ko. You're the one there when I am at my worst"

You're still the oneWhere stories live. Discover now