Chapter 29: The truth will set you free

61 20 3
                                    

Michael

Monthsary namin bukas kaya balak kong salubungin yun. Naging busy kasi  ulit ako after graduation ni Iya kaya kailangan kong bumawi and I miss her.

Nagpabili ako ng bouquet sa assistant ko, bumili rin ako ng Hawaiian Pizza cause it's her favorite. Sinubukan kong tawagan si Iya pagkasakay ko ng kotse, alam ko kasi dapat nakauwi na yun sa kanila galing sa training niya sa trabaho, kaso no answer, puro ring lang. Baka siguro nakatulog sa pagod. Kawawa naman yung Baby girl ko.

"Mom? I'll go home late. Pupunta pa ko kila Iya." Pagpapaalam ko kay Mama.

I started the engine and drove off. Nagpark ako sa harap ng bahay nila Iya. Binitbit ko yung bouquet and pizza at naglakad papunta sa gate. Nagulat ako na nakalimutan nilang isara yun dahil bukas, pumasok ako at isinara muna yun.

Napahinto ako sa may pintuan dahil sa narinig kong naguusap. Malapit lang yun sa sala nila at halatang importante yung pinaguusapan. Hindi ko alam pero I stood there and listen.

"Ma, ako yung nagkamali. Ako yung dapat sisihin" Narinig kong sabi ni Iya na parang naiiyak na ang boses.

"Ano ba talaga kasi ang nangyari?" Mahinahong sagot ng Mama niya.

"Ano ba kasi yun Ate? Bakit ngayon lang siya nagbalik? Bakit ngayon lang? Pano si Kuya Michael?" Suno sunod na tanong ni JP.

Napahigpit naman yung hawak ko sa bulaklak na nakabaliktad na. Nalalaglag tuloy yung ibang mga petals. Kumakabog yung dibdib ko, ayokong isipin pero isinisigaw na ng utak ko kung sino pinaguusapan nila? O kung sino pa yung kausap nila. It can't be. Iya hated him so much.

Kakatok na sana ako kaso nagsalita yung taong hindi ko inaasahan. Napapikit na lang ako. I must be dreaming.

Lumakad ako sa katabing bintana ng pinto, may nakaharang naman na kurtina pero kita pa din yung loob.

Nakita ko sila nakaupo sa sofa. Sa kanan nakaupo si Tito, tabi niya si Tita, sa likod ni Tita nakatayo si JP na nakahawak sa balikat ng Mama niya. At ilang pagitan lang sa kinauupuan ni Tita ay ang girlfriend ko, si Iya.

I miss her, everytime na busy ako. Lalo na that I have to prioritize my work before her hurts me a lot. Kaya bumabawi talaga ako kapag nagkaka free time ako.

I stood their admiring her pretty face, those innocent eyes, the chubby cheeks and that lips. I stopped when I noticed her holding someone's hand. Jason's hand.

Para akong kakainin ng lupa o sadyang lumambot yung tuhod ko at parang tutumba ako. Kumirot din yung dibdib ko parang ang sarap tanggalin para hindi na tumibok. Ang daming lumalabas na tanong sa isip ko.

Bakit nandito yung tukmol na yun? Bakit magkahawak sila ng kamay? Bakit sila magkasama? And bakit pinagtatanggol ni Iya sa parents niya yung lalakeng iniwan lang siya?
Last time I checked, Iya hated him. It looks the other way around now. Bakit Iya? Bakit hindi ko to alam.

Bumalik sa isip ko yung mga panahon na matamlay siya sakin. Actually lately, cold naman na siya pero hindi ko pinapansin kasi akala ko nagtatampo lang siya na busy ako. Alam ko naman na moody ang mga babae. Hindi rin naman siya yung tipong palageng naglalambing so kinibit balikat ko na lang. Makailang ulit, pansin kong may gusto siyang sabihin sakin. Eto kaya yun, ang iiwan niya ko? Na yung taong nangiwan sa kanya yung pinili niya? Ang sakit. Ang sakit sakit.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon