Chapter 5: Mr. President

231 77 68
                                    

"Okay ka lang best?" Tanong sakin ng bestfriend kong si April habang winawagayway yung kamay niya sa harapan ko. Nakatulala na naman pala ako.

"Girl, affected ka naman masyado sa movie hahaha" Pagbuyo ni Kristal.

"Kristal, as if namang hindi ka naiyak dun sa pinanuod natin? If I know ikaw yung kanina pang singhot ng singhot kakaiyak " Buti naman at pinagtanggol ako ni Chele. Magbabangayan na naman tong dalawang.

Napatingin ako sa tatlo. I'm really thankful to have them in my life, as my bestfriends. Pag ganitong kailangan ko ng karamay or what we called "emergency kempet". They're always there.

By the way, April is my Elementay Best Friend. Si Kristal and Chele are my High School Best Friend. And dahil sakin, ayun naging close din sila sa isa't isa kaya eto kami ngayon nagoovernight kila April.

Sa may Project 6 sila nakatira. May dalawang palapag yung bahay na yun. Yung Mommy niya nasa abroad kaya ang kasama niya lang dito ay yung kapatid niyang lalaki na kasing edad ni JP at katulong nila. Close din yung family ko kila April, kaya okay lang magovernight ng magovernight sa kanila.

Wala din ngayon yung katulong nila kaya free na free kami kahit anong gawin namin. Minsan kasi kontrabida yun sa mga trip naming apat. Daig pa yung mga magulang namin kung makapagsita yun e.

"Hindi ako umiyak no, ilang beses na kaya natin napanuod yan. Lumang luma na yan e" Pagdipensa ni Kristal kay Chele, halatang hindi papatalo at nakapamewang pa.

"Kaya pala namamaga yang mata mo haha" Pambanat na naman ni Chele.

"TSE!" Sagot na lang ni Kristal. Mukhang magkakapikunan na naman sila. Lihim na lang kaming tumawa ni April.

"Well....." Tumitig sakin si April at naghintay ng sagot ko.

"Forever benta lang talaga sakin yung movie na yan"
Sagot ko kay April na mukhang kanina pa nagaabang sa sagot ko.

"May naalala ka na naman. Affected ka na naman sa titigan moment niyo ni Jason?" Pang bubwisit uli ni Kristal.

Tinitigan ko siya ng masama at effective dahil tumigil naman siya sa kakatawa.

"Bakit kasi sa movie, may happy ending. Kami wala?" sagot ko sabay kuha ng throw pillow sa sahig at niyakap ito.

"Tara next movie na!"
Pag-interrupt ni Chele, sabay hagis samin ng mga DVD's.

Alam kong iniwas niya lang yung topic para hindi ko na maalala at maging malungkot uli.

One more chance, yan yung DVD na nasalo ko. Puro love story na naman, halatang mga hopeless romantic talaga kami.

Tulog na sila Kristal and Chele. Magkaaway sila palage pag gising pero pag tulog ay hala sila, at magkayakap pa.

Naglatag kami sa sahig at dun sila natulog habang kami ni April ay sa kama nya humiga.

Nasa sulok ako nakapwesto, favorite pwesto ko yun kahit saan ako matulog. Hindi ko rin alam, siguro para katabi ko agad pader tas wala na kong ibang makikitang hindi nais kundi yun.

Pinatay na ni April yung ilaw at humiga narin. Ako naman nagfacebook pa muna, dahil hindi pa ko inaantok.

Tinype ko yung pangalan ni Jason sa search bar. Hindi parin niya inaaccept yung friend request ko. Pero palage ko parin binivisit yung profile niya para makakuha ng update sa kanya.

Hmmm mukhang nagswimming siya with friends. Tinignan ko lahat ng pictures. Inupload yun nung friend niya tas nakatag lang siya. Buti hindi naka private kaya nakita ko.

You're still the oneKde žijí příběhy. Začni objevovat