Chapter 8: Jeepney love story

195 78 59
                                    

Dumiretso na agad kami sa meeting ng committee na ginanap sa mini office namin sa lobby.

"Iya, agree ka ba dito?" Tanong sakin ni Michael habang pinapakita sakin yung mga design ng jersey na gagamitin sa intramurals.

"Ah maganda naman lahat e"

Matipid kong sagot habang tinitignan ang sampung designs na nakalatag sa harapan ko. Katabi ko nun si Michael 'tas nasa tabi ko ang tatlo kong friends.

"E bakit siya ang tinatanung mo? Ako secretary mo dito Michael!"

Pagdadabog ni Aby sa tabi niya. Nailang tuloy ako dahil nakatingin silang lahat kay Aby, kay Michael at sakin. Feeling ko na sa love triangle kami at ako ang kontrabida pero... pwede din naman na ako ang bida.

"Ah gusto ko rin naman kasi malaman opinion nila"

Pangiti ngiting sagot ni Michael kay Aby sabay bigay sa kanya ng isa pang copy ng mga designs. Inabot naman agad yun ni Aby at sinadyang hinawakan ng matagal yung kamay ni Michael habang inaabot yung mga designs. Para-paraan lang.

Tumingin ulit sakin si Michael, umiwas naman ako ng tingin.

"Ah eto maganda, simple lang kasi" Pagtuturo ko sa isang design na color purple and yellow.

Parang katulad siya ng jersey ng Lakers dahil kulay yellow ang buo tas yung gilid ng jersey ay purple. And for the name of their team, it's gonna be in the middle of the jersey and it's gonna be printed purple din . Sa kanang bahagi naman ng sando, yung malapit sa balikat ay dun din nakalagay yung logo ng institute namin.

"Ahhh nice. Good choice, yan din nga gusto ko e. Diba Robert maganda?" Paghingi niya ng opinion sa Vice president na ilang upuan lang ang pagitan samin. Namula naman ako bigla sa ginawa ni Michael. Baka isipin ng iba, masyado niya kong pinapaboran.

"Ayoko, gusto ko yung blue and orange!" Singhal ni Aby sabay pakita ng design na gusto niya sa lahat. Maganda naman yun, medyo masakit lang sa mata.

"Ahmm maganda din naman yung suggestion ni Aby, yun na lang" Sagot ko, iwas away na rin.

"Ay hindi friend! Mas maganda yung suggestion mo" Pagbaback up sakin ni Kristal. Kahit kelan talaga tong babae na to. Asar kasi siya kay Aby e kaya gusto niyang asarin pa ito lalo.

"Oo nga Kel, maganda suggestion ni Iya. Let the committee vote na lang" Pag ayon ni April kay Kristal.

They all look at Michael to wait for his decision. Sino kaya kakampihan niya? Si "It girl" na si Aby or ako, na nobody lang?

Haaaaaaaaaay! Napabuntong hininga na lang ako. I can't breathe, nagiging intense ang meeting na ito. Feeling ko may namumuong competition between Me and Aby.

"You have a point April, okay guys so let us vote between Iya and Aby's suggestions" Michael straightened his body. He looks excited.

Nagumpisa ang botohan. Si Robert ang tumayo at nagbilang, habang si kristal ay tuwang tuwa sa pangyayari because I won. I mean, ang suggestion ko sa design ng magiging jersey ng HRM para sa intrams. One point for me tentententen.

Aby rolled her eyes. Naiinis siyang marinig na mas pinaboran ako ng lahat. Siguro ay nasanay na siya na lahat ng gusto niya e nasusunod.

"Bahala kayo" Sabi niya at nagwalk out.

"Tignan mo talaga ugali nung malditang yun!" Bulong sakin ni Kristal habang pinagmamasdan naming papalayo si Aby.

"Magtigil ka nga diyan, ayoko mapaaway" Bulong ko ulit sa kanya.

You're still the oneWhere stories live. Discover now