Chapter 22: No Boyfriend

109 34 8
                                    

"Emergency?"

Tanong agad ni Iya pagkababa ng cellphone ni Michael.

Tumango naman si Kel.

"Yes, Babe. I have to go back to Manila kasi napaaga daw yung dating nung Australian investors"

Tinignan ni Kel diretso sa mata ang dalaga para tignan kung tutol ba to, dahil deep inside ayaw naman niya talagang umuwi agad ng Manila at iwan ang dalaga. Mas gugustuhin niyang pigilan siya ng nobya.

"Ayoko sana but, okay lang ba sayo Babe?"

"Of course it's okay Babe"

Ngumiti si Iya at Tinapik si Kel ng kamay sa braso. Nalungkot naman ang binata dahil hindi naman siya pinigilan. Pero, wala rin naman siya magagawa dahil importante talagang makauwi siya ng Manila ngayon.

"Oh, isang araw pa lang tayo dito. Bakit ka nagiimpake Kel?"

Tanong ni Chele pagkapasok nila ni Kristal sa kwarto. Naabutan nilang nagaayos ng bagahe ang magkasintahan. Nakaupo ang dalawa sa dulo ng kama.

"My urgent matter na kailangan asikasuhin sa office e. Please, wag niyo pabayaan yung Babe ko a" Sagot ni Kel sa dalawa.

"Oo naman" Sagot ni Chele.

"Kami pa ba" Sabay na sagot naman ni Kristal habang tumatawa at nakipag apir pa sa katabi.

"Ginagawa mo talaga akong baby haha" Natatawang sabat ni Iya.

Kiniliti niya sa tagiliran si Kel hanggang sa malaglag sa kinauupuan. Tinulungan naman din agad ito ng dalaga, para makatayo at makaupo ulit sa tabi nito. Hinalikan niya si Kel sa pisnge para magsorry sa pagkahulog nito.

"Alam mo naman si Dad, pag sinabe niya dapat masunod. So, pag sinabeng umuwi ako ng Manila today, then I have no choice but to go home."

Mahinahon pero padabog na sabi ni Kel habang inilalagay ang huling damit sa blue travel bag niya at isinara ang zipper.

"Babe.... Okay lang kami dito. Okay lang ako. So, wag ka na magaalala. I know importante yun, kaya naiintindihan ko kung kailangan mong makaalis agad. Ulitin na lang natin to next time"

Hinawakan ng dalaga ang mukha ni Michael at iniharap ito sa kanya. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti, na alam niyang hindi matatanggihan ng binata.

"We will do this next time, sure?"

Nagliwanag naman ang mukha ni Kel. Ngumiti ulit si Iya at tumango. Hinalikan niya sa pisnge si Kel.

Mukhang excited naman ang binata, dahil naiisip niya agad na magbabakasyon sila dalawa ni Iya.

Pagkatapos ng mga gawain niya sa business nila, sisiguraduhin niyang aasikasuhin niya yung bakasyon na yun.

"Okay boss, hindi na ko magtatantrums"

Kel raised his left hand as a sign of his promise. Then seconds after that he scooped Iya for a hug.

****
JASON

Papunta ako ngayon sa bar ng hotel na tinutuluyan namin. Hindi kasi ako mapakali sa nangyari kanina nung kinausap ko si Iya. Kailangan ko tong iinom.

I missed her so much. I want to hug her kanina. Sobrang pinipigilan ko rin ang sarili kong halikan siya. I want her beside me, always.

Hindi talaga kinakaya ng puso kong makita siyang yakap ng iba. Feeling ko talaga napaka walang kwenta ko. Super wrong move na hindi ko sabihin sa kanya yung sakit ko. Bakit ba kasi ang stupid mo Jason? Ayan tuloy napapala mo, magsisi ka.

You're still the oneUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum