Chapter 16: Hello Boyfriend

200 74 41
                                    

MICHAEL

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Jason at pumasok na ulit sa clinic.

Naiinis at nagseselos akong makita ang lalakeng yun, lalo ng nalaman ko na yun pala ang nagdala kay Iya papunta dito sa Clinic. Hindi ko alam kung tama ba to o hindi, pero parang binabakuran ko si IYA. Gusto ko AKIN lang siya. At hinding hindi siya pwedeng mapunta sa iba at syempre sisiguraduhin ko yun.

May malay na pala si Iya pagbalik ko, nakaupo na rin siya at may hinahanap sa gilid ng higaan niya.

"Kakagising mo lang tas makulit ka na agad."

Napatingin siya agad sakin na parang batang nahuling kumukuha sa garapon ng candy na may nakapaskil na do not touch.

"Oh Michael ikaw pala, hinahanap ko kasi yung cellphone ko..."

Naabot niya yung bag niya at kinalkal ito. Napahinto siya bigla at humarap sakin.

"at ano nangyari pala?Bakit ako andito?"

"Anung anong nangyare ka diyan?! Hindi mo ba alam na hinimatay ka? Sinabihan na kita na magingat at alagaan ang sarili dahil hindi naman ako 24/7 na nakabantay sayo pero ano ginagawa mo? Pagaalahanin mo ba talaga kami lahat Maria? Napaka tigas ng ulo mo!"

Parang lahat ng inis ko sa Jason na yun ay napunta kay Iya at siya ang napagbuntungan ko ng galit.

"Eh bakit ka galit? Ayoko lang naman kasi talaga mapahiya. Sorry kung naging pabigat ako." Nakayukong sabi niya.

"Hay nako, halika nga rito!"

Natauhan naman agad ako sa mga pinagsasabe ko at niyakap agad siya at ikinulong sa mga bisig ko.

"Gaaa Mi-chaeeeeeel anoo baa-a? Di ako ma-kahing-aaa!"

Pagpipiglas ni Iya na super binibear hug ko na. Naiinis ako sa sarili ko dahil super nagseselos ako sa Jason na yun, hindi ko inakalang may pakielam pa pala yung taong yun kay Iya at mukhang magkakaribal na ko.

"ANO BA?! MICHAEL LAVIDAD?! GUSTO MO BA TALAGA AKO MACONFINE?!!"

Pinaghahampas ako ng bag ni Iya pagkatapos niyang makawala sa mahigpit kong yakap. Natawa na lang ako samin kasi parang kinikilig narin yung mga nakakakita samin sa Clinic and I know it's making Iya blush.

"ANO? NGINGITIAN MO LANG BA AKO?!"

Pasigaw niya uli habang nginitian ko lang siya. Hindi niya siguro alam na ang dami ng nakatingin samin.

"WHAT THE FUDGE KEL?!"

Namumula na ang buong mukha niya at para na siyang human tomato sa inis pero di parin maalis yung ngiti ko sa mukha.

"Si Michael yun diba? President ng Student council and HRM Society? Ang sweet naman nila ng GF niya"

"Whoa. Sino yung girlfriend ni Michael? Mukhang super alaga si Kel sa kanya. Nakakainggit naman?!"

"Sana ako na lang yung girlfriend!"

"Ang sweet nila baby, dapat ganyan ka din sakin! Kahit nagaaway ang cute pa din tignan"

Sa wakas napatigil si Iya at napatingin na lang sakin. Hindi kasi siya yung tipo ng babaeng mayabang o kung ano. Hindi siya yung taong gustong center of attraction, may pagka-mahiyain kasi.

Super humble tong babaeng to kaya nakakatuwa dahil kahit hindi siya ganun ay hindi niya napapansin na sadyang nagugustuhan lang talaga siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Parang Magnet siya at nagugustuhan siya ng mga tao, at isa na ko dun.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon