Chapter 4: Eye to eye

244 78 69
                                    

After two years.... Third year college; first semester:

"Haay salamat lunch break na at gutom na gutom na ko" Sabi ng bestfriend kong si April.

"Oo ako din, sakit sa ulo ng lecture. Akala ko nga hindi na siya matatapos e"
Pagsang-ayon ni Chele.

"Oh, e san na tayo kakaen?" Sabat ko sa kanila habang binabalik na yung ginamit kong binder at ballpen sa bag.

Kakatapos lang ng Statistics subject namin, kaya nga masasakit ang ulo. Meron bang course na walang Math?

Paglingon ko sa tabi ko, nakita ko si Kristal na busy sa paglalaro ng temple run. Buong klase yun lang ginagawa niya, ang adik lang.

Terror yung professor namin sa subject na yun kaya buti good mood ngayong araw at hindi siya nahuli kundi baka cinco ang makikita niya sa grade slip.

Naisipan ko tuloy siya pagtripan at nagtago sa likuran ng upan niya. Sabay sundot ng daliri sa tagiliran dahilan para mabitawan niya yung phone at nataranta siyang habulin yun para hindi bumagsak sa sahig.

"Taena naman oh! Nadeads tuloy" Pagdadabog niya at tumawa lang ako.

"Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom? Tara na." Pag-aya ulit ni April.

"Ay tapos na pala klase ni Ramona Haha. Sorry naman, hindi ko agad napansin." Tawa pa siya sa pagtutukoy sa Professor namin sa Stats.

"Ay hindi halata" Sabay sabay naming sabi. Nagmadali naman si Kristal para ayusin yung gamit niya.

Si Prof. Ramona kasi ang professor namin dito sa Statistic. Super strict nun kaya takot lahat. Math na nga yung subject tas ganun pa siya.

Marami naring nagdrop sa subject na to kasi hindi kinaya. Bale mga twenty na lang ata kaming natirang estudyate sa subject niya. Ayaw kasi namin magrepeat kaya tinitiis namin siya at nagbabakasakali narin na baka magkaruon na siya ng puso at ipasa naman kami kahit papano.

Ang ugali ko naman, never akong nagdrop ng subjects. Hindi naman sa pagmamayabang pero okay naman ako sa academics ko. Nakakakuha ako ng mataas na marka pag ginusto ko talaga.

Ayun nga lang pag ginusto ko lang, pag ayoko kasi sa Professor ay hindi ako masyadong nagbibigay ng effort sa subject. Yung saktong effort lang para makapasa yung ginagawa ko.

Kapag gusto ko naman yung Prof at enjoy subject niya, ayun maasahan mong nasa Top ten ako ng klase pero all in all, thank you Lord pa din dahil kasama pa din akos a Dean's list kaya may discount yung tuition ko sa school. Malaking tulong rin yun kila Mama dahil hindi naman kami ganung kayaman. Sapat lang na nakakaraos sa pangaraw-araw at sa pagaaral saming magkapatid ni Jp.

"Bilisan niyong mag-decide, init init dito oh" Pagrereklamo ni Chele sabay labas ng payong.

"Foodcourt na nga lang" Iritableng sagot ni April, for sure naiirita na naman tong babaeng to kay haring araw na O.A sa pagpapasikat.

****

Nakaupo na kami sa foodcourt dito sa FEU EAC, mainit kasi sa labas kaya mga tinamad na tong mga kasama kong maglakad pa ng malayo kaya dito na lang kami kumaen.

"Oh sino inaabangan mo diyan?" Tanong ni April ng mapansin niyang palinga linga ako sa entrance door ng food court.

"Sino paba?" Pangaasar ni Kristal.

"Eh di, si Zero nine" Sagot nilang tatlo, perfect rhyme at sabay sabay pa. Mga kaibigan ko talaga. Napailing na lang ako ng ulo.

Inaabangan ko daw si Jason. Oo? Siguro? Baka. Hindi ko rin alam. Dalawang taon na kasi ang nakalipas ng biglang hindi na lang siya magparamdam sakin.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon