Chapter 26: The choice

75 18 3
                                    

Ito na ata ang pinaka magandang gising ko sa buong buhay ko. Mukha niya kasi yung unang bumungad sa pagdilat ko ng mata. Sobrang lapit lang ng mukha ko sa kanya, halos nose to nose na kami. Pano ba naman e sobrang higpit ng yakap niya sakin. Akala mo naman aalis ako.

Inenjoy ko na yung moment at pinagmasdan siyang natutulog. He looks peaceful, parang walang problemang pinagdadaanan.

Mwaaaaa. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong hinalikan sa labi at sabay ngumiti ng ubod ng laki, pilyong bata. Aalis sana ako kaso hindi ako makapiglas sa yakap niya na lalo niya pang hinigpitan.

Napapikit ako at hinalikan niya ko ng dahan dahan sa noo, pagkatapos tig isa niyang hinalikan yung dalawa kong mata. Hinalikan niya rin yung dalawa kong pisnge at hindi nakaligtas yung ilong ko, na feeling ko pinagpapawisan na ata sa kaba at kilig, mixed emotions. Huminto siya pagkatapos nun, nagmulat ako ng mata. Don't stop.

Nakatingin siya sakin ng diretso nakangiti at maya maya pa ay nakatingin ng diretso sa labi ko.

"Baka matunawa ako niyan" biro ko. Tinitigan ko siya habang seryoso parin siyang nakatitig sa mga labi ko. I parted it apart, trying to inhale some air. Para akong nahihirapan huminga sa ginagawa niya.

"Hindi ako magsasawang titigan ka" Sagot naman niya na dahilan para magpaikot ikot na parang lubid yung tiyan ko.

Hinalikan niya ko at syempre, I can't resist him. nagtake two na naman kami sa making love by the beach. What a experience.

Magtatanghali na ng napagdesisyunan naming umalis na sa isla. Tinulungan niya ko tumayo at inalalayan papunta sa yatch dahil medyo masakit yung likod at bewang ko, medyo nahirapan tuloy ako maglakad. Dahil na siguro sa extreme activity namin kagabe at kanina. I smiled at the though. Literal na He's mine and I'm his na.

Magkahawak kamay kaming bumalik sa resort. Nakalimutan ko ang lahat ngayong kasama ko siya. Nakalimutan ko na malamang pinaghahanap at nagaalala samin ang mga kaibigan namin. But I'm sure pinaliwanagan na sila ni Alison.

Kakaen sana muna kami ng lunch ni Jason bago ako umakyat sa room namin at iexplain ang lahat sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ng lakas ng loob at baka mabugbog nila ako sa ginawa at desisyon ko.

Saktong nasa Hotel Restaurant naman pala ang lahat, na gulat na gulat ng makita kami ni Jason na magkahawak ng kamay. Matalas ang tingin ng mga kaibigan ko sa kamay namin ni Jason na magkahawak at pabalik sa mata ko na nanghihingi ng explanation.

Lumunok ako, kinakabahan ako. Feeling ko napaka makasalanan ko. Sorry Lord. Nagmahal lang.

Nagulat ako ng higpitan ni Jason yung hawak niya sa kamay ko at pinisil ito ng dalawa. "Let's do this Mahal" Sabi niya sakin sabay ngiti. Ngumiti lang ako at tumungo at sabay na kami naglakad papunta sa kinakainan ng mga kaibigan namin na magkahawak kamay. Para naman kaming artista dahil eksena sila sa sobrang titig samin at pati mga kabilang table, napapatingin tuloy.

Si Alison lang ang hindi gulat sa kanila at nakangiti pa ng wagas. I know she's just happy for us, For Jason lalo kasi nagkausap na kami. Nakunsensiya tuloy ako na kung ano ano pa pinagiisip ko sa kanya dati, pinagselosan ko pa! Nakakatawa lang. Now, I'm just so thankful of her. Siya ang naging tulay para magkausap at magkaayos kami ng taong pinakamamahal ko.

"Perfect timing. Sumabay na kayo saming maglunch. Right Nathan?" Tanong ni Alison sa kapatid. Natagalan pa sumagot si Jonathan dahil nakatitig pa samin, tinignan siya ulit ni Alison with the makuha-ka-sa-tingin-look.

You're still the oneWhere stories live. Discover now