Chapter 30: The consequence

61 20 4
                                    

MARIA

Nagmadali akong pumuntang hospital.

Nakatanggap kasi ako ng text kay Robert, Vice President dati sa FEU na best friend din ni Kel, na naaksidente daw ito.

Three AM na ng umaga yun nung tumawag si Robert sa cellphone ko, agad agad akong tumayo at ginising si JP para samahan ako.

Buti na lang nasagot ko agad, di rin kasi talaga ako makatulog dahil simula ng umalis si Kel kanina, oras oras ko siyang tinatawagan kasi nagaalala ako, pero di niya ko sinasagot. Lalo tuloy kumakabog yung dibdib ko sa kaba ngayon pang naaksidente siya ng dahil sakin.

Sa Lavidad Hospital dinala si Kel, isa sa pagmamay-ari ng pamilya niya. Nagtaxi lang kami ng kapatid ko, tumakbo agad ako pagkarating sa hospital. Tinanong ko yung Nurse sa front desk kung nasaan nakaconfine si Michael. Patuloy parin yung lakas ng kabog ng dibdib ko. Gustong kong pakalmahin sarili ko, pero hindi ko magawa.

Umakyat kami kami sa 8th floor dahil nasa operating room pa si Kel. Nagmamadali akong umakyat na halos kelangan pa kong habulin ng kapatid ko dahil naiiwan ko na siya. 

Diyos ko, patawarin niyo ko sa mga kasalanan ko pero sana walang mangyaring masama kay Michael. Hindi ko po mapapatawad yung sarili ko.  Bulong ko sa sarili ko habang naiinip sa elevator na ang bagal umakyat, lahat ata ng floor may bumaba at sumasakay.

Patakbo akong pumunta sa operating room at sumilip sa bilog na salamin sa pintuan. Nakahiga parin si Kel sa kama, may tatlong Doctor at limang nurse ang nagtutulong tulog para gamutin siya. Napatulo yung luha ko, ayokong may masamang mangyari sa kanya pero eto na ang nangyari. Sinisi ko talaga ang sarili ko dito. Kung hindi dahil sakin. Hindi ito mangyayari.

"And what do you think you are doing here?!" Pasigaw na sabi ni Liz, Ate ni Michael. Hinawakan ako sa balikat at itinulak palayo sa pintuan.

"Ate Liz, please. He needs me" Pinilit kong lumakad ulit pabalik sa pintuan ng operating room pero hinarangan niya yun.

"He needs you? At nandito ka para sa kanya? Oh come on, Iya! Wag na tayo magplastikan dito" Pabulyaw niya parin sagot. Nakatingin na halos lahat ng sa eksena naming dalawa. Yung kapatid ko, na hindi naman pumapatol sa babae ay nasa likod ko lang. Yung Mama ni Kel nasa likod ni Liz at inaawat ito.

"Ano ba pinagsasabi mo? Girlfriend niya ko." Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung may kasalanan ako kay Liz, nung nakaraang linggo pa siyang mainit lage ang dugo sakin.

Nagulat na lang ako ng dumampi yung palad niya sakin. Ang sakit ng pagkasampal niya, napahawak agad ako sa pisnge ko.

"And you really have the guts to say that? Ang kapal ng mukha mong pumunta dito sa hospital at magpakita! Nagaagaw buhay yung kapatid ko ng dahil sayong malandi ka!" Dinuro duro niya ko. Feeling ko gusto na niya kong sabunutan pero nagpipigil parin siya.

Alam ko naman kung anong tinutukoy niya. Malamang sa malamang, may alam na din siya. Baka bago pa maaksidente si Kel, nasabe na niya kay Liz ang lahat. Napayuko na lang ako at hiyang hiya sa sarili ko, sa mga kasalanan ko.

"I'm sorry Ate. Hindi ko..." Paghihingi ng paumanhin. Hinawakan ko yung kanang kamay niya pero tinabig niya lang yun.

"Hindi mo sinasadya? Is that what you're trying to say? Damn it Iya! Alam mo yan! Ginusto mo yan. And don't even call me Ate!" Ramdam kong sobrang galit na talaga sakin si Liz. Hindi ko na alam ang isasagot ko.

You're still the oneWhere stories live. Discover now