Ang daming pinag oorder kala mo may fiesta at kala mo mga lalaki ang kakain sa sobrang dami ng pagkain sa lamesa. Malalakas din pala kumain tong mga to, wala sa itsura ah.

Nang matapos na kami kumain

" rachel bayaran mo na" sabi ni britney habang humihimas pa sa tyan nya

Tinawag ni adele yung waiter para kunin ung bills.

Nag abot si captain ng card at umalis na ulit ung waiter. Pagbalik ng waiter sinabi nya " Miss Finn" hinanap ko kung sino yung sinasabi ng waiter hindi naman si captain yun dahil nagpakilala sya ng buong pangalan nya nung try out.

Pagtingin ko nakabusangot yung mukha ni britney

" ayun po si miss finn " turo ni captain kay britney na ngiting ngiti kala mo nagtagumpay sa pustahan

wala ng nagawa si britney at kinuha nya at pinirmahan yung resibo.

Tawa naman ng tawa sina adele sarah at captain yung mukha kasi ni britney habang pumipirma.

" ahhh kuya pwede po ba pa take out tong mga tira namin" sAbi ko

Tumango na yung waiter at umalis. Nakatingin sila sakin na parang nagtataka

" gutom ka pa ba? " tanong ni sarah

" hindi bibigay ko sa mga bata sa kalsada, sayang naman kasi to." Sabi ko habang nakatingin sa pagkain

Ahhhhhh sabay sabay nilang sabi. At nag kayayaan na mag bowling daw kami.

Nasa loob na kami at parang may pamilyar akong nakikita habang papalapit sa counter.

Si jessica may kasamang lalaki kasing tangkad ko at maputi parang model ang datingan, ang gwapo.

Nginitian ko si jessica pero hindi nya ako pinansin dumaan lang sya sa harap ko kasunod nung hot guy na kasama nya.

Nilingon ko ulit sya at hindi sya tumingin kaya pumunta nalang ako sa ka teammate ko.

Nung makuha na namin yung mga sapatos namin pumunta na kami sa bowling area at katabi namin sila jessica dahil ang dami din naglalaro nun kaya wala ng ibang pwesto.

Katabi ko si sarah at nagkukulitan kami pinagtatawanan namin sila britney at captain hanggang ngayon nag aasaran kasi.

Pag napapatingin ako sa direction nila jess nakatingin din sya sa side namin pero biglang aalis ng tingin.

Kinikiliti ako ngayon ni sarah sa tagiliran ko pano kasi pag naka strike daw si britney pipitikin nya ko sa ilong sakit kaya nun kaya ayaw ko at eto kinikiliti nya ko.

Maya maya sabi nya ulit "pagnaka strike si rachel ako pipitikin mo sa ilong pero pag hindi nakastrike si rachel kiss mo ko sa cheek"

Ok sabi ko alam ko naman magaling c captain eh saka mapipitikan ko sya sa ilong. Pumorma na si captain na parang ang galing galing nya may pag pose pa at kindat sakin.

Pagkatira nya biglang pumunta yung bola sa canal at tawa ng tawa si britney, adele, at sarah

" may pag ganun pa ahhh canal lang naman pala" sabi ni britney habang tawa ng tawa

Ako naman natatawa, at nanghihinayang dahil hindi ko mapipitikan sa ilong si sarah.

" oh pano ba yan asan na ang kiss ko?" Sabi ni sarah with pag palakpak pa

Nakatayo si sarah kaya tumayo na ko nasa likod nya si jess kaya nakikita ko sya ngayon, saktong ikikiss ko na si sarah sa cheek ng biglang lumingon si jess sa direction namin at nakita nya yung paghalik ko sa pisnge ni sarah.

Agad din tumalikod si jess at tumira na sya grabe ang galing nya kanina pa sya nakakastrike.

Nang nakita ko papunta si jess sa cr ay nagpaalam muna ako sa kasama ko na mag cr muna ako.

Bubuksan na sana ni jess yung pinto ng cr ng bigla kong takpan yung mata nya.

" alisin mo nga yang kamay mo, hindi ako natutuwa" sabi ni jess na halatang galit nga sya

" hey! Bakit ang sungit? Hindi ka na nga namamansin sungit mo pa." Sabi ko sknya habang nakasunod ako pagpasok nya ng cr

Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Sabay pasok sa cubicle.

Naghugas nalang ako ng kamay habang nagsasalamin. Inantay ko sya sa tapat ng pintuan ng cubicle nya paglabas nya nagulat sya akala nya ata umalis na ko.

" huy! Ano problema??" Tanong ko sknya habang nakatingin sa mata nya

Umiiwas sya ng tingin pero hinawakan ko yung balikat nya pilit ko pinapatingin sya sakin. Tumingin naman sya

" wala!" Sabi nya sabay iwas ng tingin

" wala. Eh bakit hindi ka namamansin at ang sungit mo? Porket may kadate ka lang ganyan ka na" sabi ko sabay binitiwan ko na yung balikat nya at aktong aalis na ako

Pinigilan nya yung kamay ko at humarap ako sa kanya

" ikaw kasi eh!" Sabi nya na naka pout pa

Awwww ako pa. Saka grabe ang cute nya pag naka pout para syang bata

" hala bakit ako? Wala naman akong ginagawa?" Sabi ko

" yun na nga ehhh, wala kang ginawa nung nagtampo ako sayo kahapon, pinabayaan mo lang akong umalis, tapos kanina.." sabi nya hindi nya na tinapos yung huli nyang sasabhin at tumahimik na sya

" ahhh, kasi nga po si giezel hindi pumasok nun, at hindi nagttxt nag aalala lang ako" sabi ko at hawak ko pa din yung kamay nya na pilit pinapaniwala

" so sakin hindi ka nag aalala nung umalis ako" pasumbat nyang sabi

" nag aalala. " sabay tingin ko sa mata nya

Ngumiti na sya at ginulo ko yung buhok nya at niyakap nya na ako. Parang bata talaga to.

" o wag na magtampo ah? Syempre si giezel parang kapatid ko na yun kaya nag aalala ako sknya. Parang ikaw" sabi ko sknya ayaw ko man bitawan yung huling salita na sinabi ko pero kailangan.

Sumimangot sya at bumitaw sa pagkakayakap sakin.

Hindi ko nalang pinansin at hinila na sya papalabas ng cr kanina pa kami dito sa cr baka akalain ng mga kasama ko tumae na ako.

My Closet Queen (girlxgirl story)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα