♥♡ Special 2 ♡♥

9.7K 220 12
                                    

Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Mapayapa, masaya, maalagain at mahal na mahal namin ang isa't-isa. Ginagawa ko ang lahat para lang maging masaya kami.

Palagi akong nagrarank 1 sa buong klase namin, naging presidente ako ng eskwelahan na pinapasukan ko. Naging responsable ako sa mga gawain at palagi kong tinutulungan ang aking mga guro at mga kamag-aral.

Nag-aaral lang ako sa public dahil hindi naman kami mayaman pero masaya naman kami dahil isa kaming buong pamilya.

Akala ko forever na akong magiging masaya sa buhay ko ngunit lahat ng inakala ko ay hindi naman pala magiging totoo.

May nag-offer sa akin ng isang full scholarship, scholarship sa isang pangmayaman na eskwelahan kung saan ang mga mayayaman na tao lamang ang pwedeng makapag-aral doon. Ikinasiya nilang lahat ang hindi inaasahang magandang balita. Tinanggap ko ang offer dahil ayoko na rin gumastos pa ang aking mga magulang sa aking pag-aaral.

Nakapasok na ako sa pinakasikat na eswelahan na ang pangalan ay Milwest Academy.Ito lang naman ang nag-iisang academy kung saan mayroon silang special class for the top 5 students. And that special class is called Special A. This is an elite class that is only exclusive for the top 5 students. Sila ang mga taong sikat, matalino, maganda at gwapo, at higit sa lahat, sila ang mga taong sobrang yaman na hindi na mareach. In short, sila ang mga taong sobra pa sa pagiging gifted child. Isa rin daw sila sa mga taong kasama sa top 10 ng business world. Ngunit may isang taong naligaw sa top 5. Isa syang ordinaryong babae na hindi naman kagandahan at hinding-hindi talaga sya mayaman pero may maipagmamayabang naman sya pagdating sa katalinuhan.

Oo, tama kayo... Ako nga ang taong tinutukoy ko sa inyo. Simula nang mag1st year high school ako dito ay nakasama na ako sa mga top 5. Hindi kapani-paniwala noh? Ako nga rin eh pero sabi daw nila ay hindi naman porket na isa ka lang mahirap na estudyante ay hindi ka na pwedeng maging estudyante ng Special A class... Being a student here is not about money or beauty, it is all about good moral character and of course, the brains. I think you already know what I mean. :)

Akala ko, ako na ang pinakamaswerteng tao dahil sa mga hindi inaasahang nangyayari ngayon ngunit hindi rin tumagal ang swerte ko nang makilala ko SIYA.

Walang araw na hindi ako minamalas dahil sa kanya. Sabi nila sya daw ang pinakaperpektong gwapong nilalang sa mundo. Wala pa daw nakakatalo sa kanya at higit sa lahat, sya ang pinakanumber 1 na heartthrob sa kanila, I think, he is the ideal boy or should I say ideal boyfriend ng mga girls.

Walang araw rin na hindi ako maiinis sa kanya. Nakakairita na nga ang mga ibang butiking tao na kapag nag-aaway kaming dalawa ay pilit nilang sinasabi na "The MORE YOU HATE, the MORE YOU LOVE".

Naiinis na ako sa kasabihang iyon sa halip na isinusumpa ko na o kaya ipapatapon ko na sa mars ang taong gumawa ng kasabihang iyon.

Nagbago ang lahat ng dahil sa kanya.

Siya na ba ang taong magiging dahilan ng pagiging miserable ng aking buhay o siya na nga ba ang taong magiging dahilan ng aking mga ngiti?

Madadagdagan na ba ang kasiyahan at BEST MEMORIES ko o mas lalong mawawasak ang mundo ko ng dahil sa kanya?

Maniniwala na ba ako sa kasabihang "THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE" o paniniwalaan ko pa rin ang sarili kong kasabihan na"THE MORE YOU HATE IT, THE MORE IT WILL MAKE IT WORST."?

Subaybayan nyo ang mga mangyayari sa buhay ko na kasama siya. May chance pa bang magbago o talagang wala nang chance pa para magbago ang lahat?

Forever na bang Ms. Number 2 o magiging na bang My one and only Special 2?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello Guys! Edited po 'tong prologue ng Special 2. ^^ hehehehe... Sorry po kung ngayon ko lang naisipan i-edit, medyo tinatamad na po kc akong magedit sa story ko eh. Alam nyo naman pong busy ako dahil tambakan kami ng mga school works :'( huhuhuhu... Oh well, babawi na lang po ako sa susunod at sana wag kayong magsawa sa pagbabasa ng story ko. I'm trying to do my best for this story ;) . Always be updated for my new chapters at baka makagawa na rin po ako ng isa pang story sa wattpad. Well, hindi pa naman po finalize eh pero I'll make sure that it will be updated as soon as possible. Okay! Tama na po ang pagi-english. Hindi na po matake ng ilong ko at baka magnosebleed po ako ng wala sa oras dito xD hahahaha!

Ciao! (^__^)v

Be a Fan.Vote.Comment.Please Share it! ><

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now