Chapter 49

950K 20.2K 7.5K
                                    

Chapter 49

Ang Kasal

Naunang humakbang si CJ palabas ng bahay namin. Hindi kasi pinapasok ang naghahanap sa labas. Syempre, mahigpit ang seguridad sa bahay namin. May dalawang armadong security guards ang nagbukas ng gate namin.

Sinubukan kong tumiyad para makita kung sino ang nasa likod ng gate namin. Pareho kasing matangkad si CJ at Jayden kaya hindi ko makita. Nang sa wakas ay nakita ko kung sino, bumuntong hininga na lang ako. Nalaglag ang panga ni Justice habang hinaharap si CJ na ngayon ay nakahalukipkip. Sa likod ni Justice ay ang dalawang kapatid ni Jayden, si Jude at Jen.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig na tanong ni CJ.

"CJ!" Saway ko sa pinsan ko.

Lumingon siya sakin at nakita kong nakakunot na ang mga noo niya.

"Pinahirapan ka nila sa pamamahay nila, edi papahirapan ko rin sila dito satin."

"CJ! Mga kapatid iyan ni Jayden!" Sabi ko.

Nabigla din kasi ang tatlo sa tanong ni Jayden.

"Hindi tayo ganyan."

Bumuntong-hininga si CJ at umiling.

"Sorry, Justice, Jude at Jen..." Sabi ko sa kanilang tatlo.

Humakbang si Jayden palapit sa mga kapatid niya.

"Kayong tatlo lang ba?" Tanong niya.

Tumango si Jen dahil mukha atang nawalan na ng kaluluwa si Justice.

Napatingin tuloy ako kay CJ. May naaalala ako. Crush nga pala ni Justice si CJ.

"Mom's hysterical, kuya." Utas ni Jen.

Tumikhim si Jayden, "It's her fault."

"Baka magkasakit siya."

Nagulat ako sa sinabi ni Jen. Bakit hindi ko iyon naisip? Pwedeng magkasakit ang mama ni Jayden dahil sa ginawa naming dalawa. Nanginig ang tuhod ko nang naisip ko iyon. Paano kung dapuan siya ng mga sakit dahil sa inis sa ginawa naming dalawa?

Hindi na nagsalita si Jayden. Naramdaman ko ang guilt na gumagapang sa kanya. Kinagat ko ang labi ko at sinulyapan si CJ na ngayon ay nakahalukipkip parin habang tinititigan si Jen.

"Siya yung magdudulot sa sarili niyang sakit. Kung sana hindi siya nag inarte at tinanggap na lang si Cha, ay sana okay ang lahat."

Hinampas ko ang braso ni CJ.

"CJ, stop that!" Saway ko.

"Anong gusto niyong gawin ko ngayon? Bumalik doon para maging masaya ulit kayo? Jen, this is ridiculous. I'm already married, alright? Mom knows that. Gusto niya lang kayong manipulahin." Ani Jayden.

"Yes, kuya. We know that. Kaya nga nandito kami ngayon." Nabigla ako sa biglaang pagsasalita ni Justice.

"Hindi muna kami uuwi hanggang di pupunta dito ang buong angkan. Kuya, kumbinsido na ang mga tito at tita natin. Si mama na lang talaga ang nagmamatigas. Ready na silang kumuha ng ticket para mamanhikan dito sa Cebu. I mean, silang lahat. Si mama na lang ang kulang." Sabi ni Jen.

Humupa ang kaba ko sa sinabi ni Jen. Konting push na lang siguro ay papayag na iyon. Hindi na ako mag eexpect na magiging okay kami na parang walang nangyari, pero sana naman kahit pagpapakita na lang sa kasal namin ay gawin niya. Di bale na kung habang buhay niya akong pagagalitan tungkol sa mga walang katuturang bagay. Basta ang importante sakin ay niresperto niya ang desisyon ni Jayden. Ayaw ko rin namang magkasiraan sila sa pamilya niya dahil syempre, pamilya niya iyon.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon