Chapter 26

1.1M 27.4K 5.8K
                                    

Chapter 26

Ang Sagot Sa Mga Tanong Ninyo

Napangisi ako habang nag aayos ng buhok sa CR.

Push all the buttons, Charity? Yes, Jayden, hindi mo na ako kailangang pagsabihan ng ganun. Kung iyon ang dapat kong gawin para magalit ka at ma frustrate ka tulad ng pagkafrustrate ko sayo noon, gagawin ko talaga.

Umalis ako doon at agad kong nakita si Christian. Mukha atang may pupuntahan. Pero nang nakita niya ako ay tumigil siya at nginitian ako.

"Ano? Friday ngayon at packed na naman ang hotels. Mamaya?" Anyaya niya.

"Hmmm. Sige ba!"

Sa bagay, gaya ng sabi ko, ayaw kong makasalamuha si Jayden doon sa kwarto. Hindi ko kaya. Lalo na pag gising pa siya at masungit ang aura niya. Gusto kong bumalik ako doon ng tulog na siya para peaceful ang life ko.

"Don't worry, isasama ko si Nicole." Aniya. "Tsaka yung head ng security, si Wesley."

Tumaas ang kilay ko, "Si Nicole?"

Yung isang supervisor na kabarkada ni Tina na fanatic kay Jayden.

"Oo. Don't worry, hindi kasama si Shiela at Tina. Nababanas ako sa kanila, eh. Masyadong maarte."

Tumango ako at ngumisi.

Then, we're settled. Sa bagay, mas maganda nga naman kung marami kami. Sa Cebu kasi lagi kaming marami kung pupunta ng bar. Para bang kami yung may ari doon kaya wala akong pakealam kung malasing man ako ng todo doon. Hindi naman ako hinahayaan ng mga kaibigan kong mawala sa paningin nila.

"Okay, deal. Anong oras tayong magkikita? Saan?" Tanong ko habang naglalakad na kami sa corridors ng hotel.

"Sa tapat na lang ng hotel." Malagkit na ngumisi si Christian.

Tumango ako at nag iwas ng tingin.

Minsan kasi, yung mga malalagkit na ngisi at tingin ay na eencourage ng pag titig.

"Sige, kita na lang tayo mamaya."

Kailangan ko nga palang pumunta muna sa suite namin ni Jayden para makaligo at makapagready. Sana ay wala pa siya doon.

Pero nang tinulak ko na yung pintuan ay agad ko siyang naaninaw sa table. May pagkain siyang inihanda doon at may dalawang pinggan sa table. Humalukipkip siya at mas lalong sumimangot nang nakita akong pumasok.

"Are you expecting someone?" Sabay halungkat ko sa gamit ko.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"Don't worry, kung may bisita ka, ayos kasi may lakad ako tonight. You can have the whole room." Sabi ko.

Mabibigat talaga ang buntong-hininga niya kaya hindi ko napigilang mapatingin sa kanya.

"Anong problema-"

"Hinihintay kita para makapagdinner na ako, Charity!" Simple niyang sinabi.

Nalaglag ang panga ko at agad dumapo ang paningin ko sa mga inihanda niya. Roasted chicken. Darn! Pinaghanda niya ako?

"What's the occassion? Oh my! Don't tell me happy birthday, Jayden!" Sigaw ko sabay hakbang papunta sa kanya.

Mas lalo ko yata siyang nagalit.

"It's not my birthday, Charity. Mag di-dinner tayong dalawa. Now..." Tumayo siya at hinila ang upuan. "If you don't mind..."

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon