Chapter 6

1M 25.8K 5.1K
                                    

Chapter 6

Ang Freedom

Malaki ang ngisi ko pagkalabas ng sasakyan niya. Nakasimangot naman siya at mukhang pagod.

Nauna ako sa paglalakad. Hinayaan ko siyang sumunod sakin. May nakakita agad sa akin. May isang table ng kaibigan kong lumingon agad sakin pagkababa ko pa lang. At alam kong nakikita nila si Jayden na nakabuntot sakin ngayon.

"Charity!" Sigaw ng Shaira.

Nakaamba na siyang yayakapin ako.

"Shai!" Sabay yakap ko sa kanya.

Nagbeso siya sakin at sumulyap sa lalaking nasa likod ko.

"Akala ko dika pupunta dito!" Tumawa siya. "Andun na sina Erica sa loob, dito muna kami, nagpapahangin."

Itinuro niya ang sandamakmak na kaibigan kong nakaupo sa Hybrid.

"Shot? Tara!" Sabay hila niya sa braso ko.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Hinila niya pa ako lalo at bumulong sa tainga ko.

"Who's the hunk?"

"Uh... Chaperone." Ngumisi ako.

"Uy, seryoso? Mukhang seryosong lalaki yan, ah? Iba sa mga naging boyfriend mo noon? May kasabay ba yan ngayon? Boyfriend mo na ba? Siya lang ba? Hindi siya bagay na tinotwo time, mukhang seryoso-"

"Shaira!" Bulong ko rin sa kanya.

Sumulyap ako kay Jayden at nakita ko siyang seryosong nakatingin samin. Mas lalo siyang sumimangot nang nagkatagpo ang mga mata namin.

"Ano ba kasi, Cha?"

Ngumuso ako at di siya sinagot. Wala rin naman kasi akong maisagot.

"Huy, Cha! Malihim ito, oh!" Sumulyap din si Shaira kay Jayden sa likod.

Napapikit siya nang bumaling ulit sakin.

"Sobrang gwapo, gosh!"

I know right. Hunk at gwapo. Seryoso pa at propesyunal. Iba siya sa mga naging boyfriend ko. Halatang hindi siya mahilig sa night life. Halatang seryoso siya kung magkaka girlfriend.

"Uy, Charity!" Bumati ang mga kaibigan kong nag yoyosi at umiinom sa Hybrid pero sa likod ko sila tumingin.

"Hi guys!" Bati ko.

"Ipakilala mo naman kami sa bago mong boyfriend! Pamalit ba yan kay Anthony?" Sabi ng walang hiyang si Angelo.

Kumunot ang noo ko sa kanya at umirap naman siya pagkatapos ay nag iwas ng tingin.

"Hey, you watch your mouth." Galit na sambit ni Jayden sa kay Angelo.

Hinawakan ko agad ang braso ni Jayden. Baka kasi magka eskandalo pa dito.

"Angelo! Just leave us alone! He's just my neighbor guys-"

Pero bago pa ako natapos sa pagsasalita ay hinigit na ako ni Jayden palayo ng Hybrid.

Walang nagawa ang mga kaibigan ko. Ilan sa kanila ay sinundan kami sa tingin. Yung iba naman ay pinag tsismisan kaming dalawa ni Jayden.

"Hindi ako pamalit at mas lalong hindi tayo! Kaya itigil mo na ang pag sasabi sa kanila na tayo na kasi hindi mangyayari yun!" Sigaw niya sakin sa parking lot ng Mango Square.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon