Chapter 21

1.1M 26.9K 12.6K
                                    

Chapter 21

Ang Paghaharap

Nalaglag ang panga ko nang nakitang nag apoy ang mga mata niyang nakatitig sakin. Nanlumo ako at napalunok ng ilang beses.

Kumunot ang kanyang noo at unti-unting humigpit ang pagkakatikom ng kanyang labi. Ang kasama niya namang si Trisha ay nakatitig lang kay Troy.

"What are you doing, Troy?" Malamig na tanong ni Trisha sa kanyang asawa.

Pumiglas si Troy sa pagkakahawak ko at humakbang papunta kay Trisha.

"Charity..." Malamig na utas ni Jayden sa pangalan ko.

Napatingin si Trisha sakin. Hindi niya na ulit binawi ang pagbaling niya sakin.

"WHAT ARE YOU TRYING TO DO, CHARITY?" Pasigaw na tanong ni Jayden sakin.

Kahit na maingay sa loob ng Tribe Lounge, dinig na dinig ko parin ang nakakapanindig-balahibong sigaw niya. He really is angry.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang siya. Bakit siya andito? Para saan? Ganun na ba talaga siya katakot na malaman ko yung totoo kaya siya nandito ngayon?

Nag alab ang galit na namuo sa puso ko.

"ARE YOU TRYING TO SEDUCE HIM?" Dagdag na tanong ni Jayden sakin.

"What? You think I'll be seduced, Jayden?" Sarcastic na tumawa si Troy sa sinabi ni Jayden.

"Stop it, Troy!" Sigaw naman pabalik ni Trisha kay Troy.

Binalewala ni Jayden si Troy. Sakin lang nakabaling ang buong atensyon niya.

"Charity! Sagutin mo ako!" Frustrated niyang sinabi.

Habang tinititigan ko siya, si Trisha at si Troy... unti-unti kong napagtanto kung anong meron. Troy is insecure... Nag react siya nang sinabi kong tungkol sa pagtataksil. Ano ba talaga ang tunay na nangyari? Trisha is Jayden's ex... At bakit sila nagkahiwalay? Hindi kaya dahil nagcheat si Trisha sa kanya? At si Troy yung pinalit niya kay Jayden.

"You cheated on him?" Malamig kong sinabi kay Trisha.

Kumunot ang noo ng babae. She was pretty. Simple yet really pretty. Walang arte sa katawan. Naka shorts at printed t-shirt lang siya. Sneakers ang soot niyang sapatos. Sneakers... Those... Keds... Iyon ang mga damit na gustong isuot sakin ni Jayden. He wants me to be like her. He wants me to be just like Trisha.

Akala niya noon ay Trisha ang pangalan ko, kaya niya ako napansin. Ibang-iba naman kami ng Trisha'ng ito, kaya  sinubukan niyang gawin akong tulad niya. From changing my fashion sense to changing my way of life... Hindi ako yung minahal niya, hindi ako, kundi yung Trisha'ng nakita niya sa pagkatao ko.

"CHARITY!" Bumilis ang paghinga ni Jayden sa kakapigil sakin.

Humakbang siya papunta sakin at hinawakan ang braso ko.

"Pinagpalit mo si Jayden kay Troy?" Nakatoon parin ang pansin ko kay Trisha.

Bumaling ako kay Jayden na ngayon ay galit na galit na nakatitig sakin.

"Hindi ako yung minahal mo, Jayden... Hindi ako... si Trisha parin, diba?" Nanliit ang mga mata ko.

Kahit baradong barado na ang lalamunan ko, nakaya ko paring sabihin iyon.

"What are you talking about, Charity-"

"Bakit hindi na lang kayo magkabalikang dalawa! Tutal naman andito si Troy sa bar na ito, mag isa, at naglalasing dahil sa frustration! Mukha namang di siya inaalagaan ng asawa niya, kayo na lang kayang dalawa ang magkatuluyan? Nang sa ganun ay hindi kami mafrustrate dalawa?"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon