Chapter 37

943K 21.4K 5.9K
                                    

Chapter 37

Ang Macho Dancer

Nilagyan nila ako ng piring pagkatapos kong iblow ang candle. Ang mga walang hiya, pinicturan pa akong kinakagat iyong dulo ng cake na dinala nila! Pero, sige, pagbigyan natin kasi pinaghandaan nila ito.

Hindi na ako makapag isip ng mabuti dahil sa sobrang tequila na pinaglalagok ko kanina. Inayos ko ang piring. Sobrang dilim. Syempre nga, nakapiring na ako.

Tumatawa sila sa background. Naranig ko ring bumakas ang pintuan at tumawa na naman sila.

"Uy, ano yan?" Tanong ko.

"Bawal magtanong!" Agad na sabi ni Erica.

Kinagat ko ang labi ko saka dinig na dinig ko na ang maingay kong puso. Anong meron? Mga macho dancer ba? Bigla silang natahimik.

"Uy, ano na?" Tanong ko.

I feel so helpless and blind. Litrerally blind. May nagplay na isang erotic na sound.

"WHOA? Really?" Humagalpak ako sa tawa nang narinig ko ang saxophone sa background.

Humalukipkip ako. Nakaupo parin ako sa sofa.

"Anong pakulo 'to? May macho dancer ba?" Tanong ko.

Narinig kong may humalakhak sa malayo.

OMG! Baka ako na lang mag isa dito sa sofa? Tumayo agad ako at lumingon-lingon kahit alam kong wala rin naman akong makikita sa piring ko. Mas lalong lumakas ang background na sax. Sa puntong ito, hinaplos ko na ang sarili kong mga balikat dahil nagtindigan na ang balahibo ko. This is just too erotic.

"Hoy ano ba?" May naramdaman akong mabangong daliri na lumapat sa labi ko.

Natahimik ako at mas lalong tumindig ang balahibo ko.

"Oh my gosh, Jayden will be really furious!" Sabi ko hanggang sa naramdaman kong diniin ng macho dancer ang sarili niya sakin.

Humagalpak sa tawa ang mga panira kong pinsan. Hindi na ako nakapagsalita. Topless ang macho dancer kasi naramdaman ko ang init ng katawan niya.

Umikot siya nang nagsasayaw parin ng slow horny waves sa akin. Bawat haplos ng katawan niya sa katawan ko ay napapatikhim ako.

SINO BA ITO? GOODNESS! Ano na?

"Come on, Cha! Do something!" Sigaw ni Angel.

"MGA WALANG HIYA!" Sigaw ko.

"Ibang klase din talaga ang kamandag ni Jayden, ah? Nawawala na ang pagiging manyak mo. Ano yan? Ginayuma ka ata nun!" Nagtawanan sila.

Umiling na lang ako. Nalaglag ang panga ko nang mas lalo niyang idiniin ang sarili niya sakin. To the point na naramdaman ko na ang kanya sa akin.

Malulutong na mura ang ginawa ko. Lumipad ang kamay ko sa bibig ko para takpan iyon. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay iyon sa mga biyak ng kanyang abs. Hindi ko na mapigilan ang mga mura ko.

Binaba niya ang kamay ko. Ginagawa niya ito habang umaalon-alon ang katawan niya sa pagsasayaw.

Habang ang mga kamay ko ay nasa abs niya ay kinakalas niya ang piring ko. At nang nakalas na ito ng tuluyan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko... It was Jayden!

Naka faded at punit-punit na jeans siya habang nagsasayaw. May maskara siya pero kitang kita ko ang mga mata niya. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nagsayaw. Ngumisi siya at kumindat sakin. Kinagat niya ang kanyang labi. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napailing iling ako habang inaalis niya ang kanyang sinturon.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon