Chapter 11

1.1M 27.1K 12.3K
                                    

Chapter 11

Ang Penis

Nakangisi ako buong magdamag sa pag iisip tungkol sa halikan namin ni Jayden. His kisses were soft and really sweet. Hindi ko maalala sa talambuhay ko kung may lalaki ba akong pinagpuyatan sa pag iisip ng halik niya. I don't remember. Even my first kiss didn't make me feel this way.

Ang pinagtataka ko lang dito kay Jayden ay ang strange obsession niya sa pangalang Trisha. Bakit kaya? Aksidente lang ba yun o talagang may past siya sa pangalang Trisha? In speaking of past... ilan na ba ang naging girlfriend ni Jayden? Sa bilis niyang na hubad ng bra ko gamit lang ng isang kamay, malamang marami na siyang experience.

Nakatulog ako sa gitna ng pag iisip ko tungkol samin ni Jayden. Nagising din ako sa napaka ingay na tawag sa cellphone ko.

"WAKE UP! ANO BA? DIBA MAAGA TAYO NGAYON? NASA BABA NA YUNG VAN PARA MAGHATID SATIN SA HAGNAYA PORT!"

Sarap sanang pakinggan ang boses ni Jayden kung di lang siya sumisigaw.

"Opo, heto na. Babangon na."

Binabaan niya ako ng cellphone. Hinawi ko ang buhok ko at natulala pa bago ako pumasok sa banyo.

This is it! Finally! Magtatrabaho na ako! Wala naman talaga akong plano sa buhay kahit na pinipressure na ako ng mga magulang ko. Gusto nilang tulungan ko si Ate sa clothing line niya, kaya lang, stylist lang ang kaya kong gawin. At gumraduate naman akong Psychology ang kurso. Siguro naman tama lang kung sundin ko itong linya ko, diba?

Lumabas ako ng banyo nang nakatuwalya. Lumabas din ako ng kwarto nang naka ganoon lang para sana kumain. Nakita kong nakapamaywang at pabalik-balik ang lakad ng bihis na bihis na si Jayden sa sala ko.

Umiling siya at pumikit, "What?" Huminga siya ng malalim.

"Ano?" Tanong ko at nagpatuloy sa pagpunta sa kitchen para kumuha ng slice bread at lantakan na lang kasi nagmamadali na.

Galit na tinuro ni Jayden ang pintuan ko.

"HINDI MO NI-LOCK ANG PINTUAN MO! FOR HEAVEN'S SAKE!"

"Ganun ba?" Sinilip ko ang pintuan ko at bumaling ulit kay Jayden.

"Anong 'ganun ba?'? What if may pumasok at mangrape sayo dito?"

Kinakain ko na yung slice bread.

"May lock naman yung kwarto ko-"

"Paano kung wala ako? Tapos iba yung naghihintay sayo dito? Edi na rape ka!?"

"Well, I guess I should lock it next time-"

Suminghap siya at ni head to foot ako, "At tignan mo yang bihis mo. Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto ng nakatuwalya lang, pwede ba."

Nagmadali akong kumain para bumalik na sa kwarto.

"Okay... okay... I'm sorry. Eto na, magbibihis na."

Nanliit ang mga mata niya habang kinakagat ko ang huling piraso ng slicebread. Dumapo iyon sa legs kong basa.

"Uy, namboboso." Humalakhak ako.

"What?" Galit niyang sinabi. "Just go to your room and change your clothes!"

"Opo! Eto na po!" Tumatawa ako at tumakbo na papuntang kwarto.

Mabilis akong nagbihis kasi galit na si Hunk. Kailangan ng pantapat sa white longsleeves niyang nakalukot hanggang elbow at black pants niya. He's just so damn adorable and formal. Kahit na hindi naman ako pormal na tao, pakiramdam ko kailangan kong maging formal dahil sa kanya.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon