Chapter 39

966K 20.1K 3.2K
                                    

Chapter 39

Ang Vase

Hinaplos ko ng marahan ang maamong mukha ni Jayden. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang kasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko. Ilang buwan lang ang pagitan noong mga oras na hindi ko pa mahanap ang sarili ko, at sa mga buwan na mahal na mahal ko siya... pero pakiramdam ko ang tagal ko na siyang minahal. At walang hangganan ang pagmamahal ko sa kanya.

Napatalon ako nang narinig kong bumukas ang pintuan sa suite. Nasa loob kami ng kwarto kaya hindi ko alam kung sinong pumasok.

"Jayden?" Narinig ko ang isang boses ng matandang babae.

Nilingon ko si Jayden. Mahimbing parin siyang natutulog. Napatingin ako sa soot kong bra at panty lang. Kaya't pinulupot ko ang sarili ko sa kumot. Naka boxers lang din si Jayden. Napatingin ako sa doorknob na hindi sarado.

Sino naman kaya ang makakapasok dito nang ganun-ganun lang? Si Trisha? Napalunok ako. Pero mas lalong gumuho ang mundo ko nang nabuksan na ang pintuan ng kwarto.

Kasabay kaming nagulat nang isang mukhang sopistikada at may edad ng babae. Nasa late 50s siguro siya, bihis na bihis isang puting bestida at may simpleng gold necklace. Kung ihahambing siya sa mommy kong wagas kung mag bihis, di hamak na mas simple at sopistikada ang isang ito.

"Ma'am? Maling kwarto po yata." Sabi ko sa gitna ng panic.

Nag alab ang tingin niya sakin. May isang babae pang nag pakita sa gilid niya. Siguro kasing edad ko ang isang ito, matangkad, maputi at chinita. Wait a minute... Kamukha yun ni Jayden ah.

"Anong nangyayari?" Nanginginig na tanong ng mommy niya. "A-Ano 'to?"

Umalingawngaw ang boses niya sa buong Le Marcelle. Napatayo ako sa gulat at kaba. Dahan-dahan ding gumalaw si Jayden sa pagtulog niya hanggang sa unti-unti siyang nagising.

Pinasadahan ako ng tingin ng babae. Halos makita ko na ang usok sa tainga at ilong niya habang tinitignan ang kumot na nakapulupot sakin.

"Ma, let's go... Hayaan po muna natin sila ni Kuya."

KUYA? MA? THIS IS... THIS IS JAYDEN'S MOM!? And that's his sister?

Nakita kong dumilat ang mga mata ni Jayden at nakita ang mommy niya.

"Jayden!" Mabilis at mabibigat ang paghinga ng mommy niya.

Nanginginig ang kamay niyang tinuro ako.

"WHAT DID YOU DO TO HIM?"

Umiling ako, "Wala po."

"Ma!" Bumangon si Jayden.

Halatang naalimpungatan ito sa ginawa ng kanyang mommy.

"MY GOODNESS! MY GOODNESS! Babalik ka ng Maynila at ito ang bubungad sakin? Sabi mo may surpresa ka at bakit ako yung nasurpresa dito!?"

Kinusot lang ni Jayden ang kanyang mga mata at inabot ang kamay ko. Hindi ko alam kung tama bang iabot ko itong kamay ko gayong matatalim ang tingin ng mommy niya sa akin.

Nakita kong nanginig ang labi ng mommy niya nang nilagay ko ang kamay ko sa kamay ni Jayden.

"Surprise, Ma!" Humalakhak si Jayden at ipinakita ang mga singsing namin. "I'm married."

Pabalik balik na bumuka at natikom ng mommy ni Jayden ang kanyang bibig bago ako inirapan at nag walk out!

"Sorry, Kuya. Masyadong excited si mommy na makita ka. Ayaw ko sanang papuntahin dito kaso... mapilit siya." Malungkot akong pinagmasdan ng kapatid ni Jayden bago sumunod na sa mommy niya.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon