Chapter 24

1.1M 24.8K 7.6K
                                    

Chapter 24

Ang Kwarto

Paalis pa lang kami ay nakatulog na agad si Jayden. Siguro matagal itong nakatulog kagabi dahil tulog na tulog siya ngayon.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Paano kaya nagawang ipagpalit ni Trisha si Jayden sa iba? Pakiramdam ko nga wala ng makakahigit sa kanya, eh. Pinagmasdan ko siyang mabuti hanggang sa hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Tinulak ko siya ng bahagya pero hindi ko siya tuluyang maialis sa balikat ko. Kaya tinodo ko ang pagkakatulak. Dahil doon, nagising siya...

Inaantok parin ang mga mata niya nang pinagmasdan ako.

"Uhm... Sa likod ka na lang matulog kung gusto mo." Sabi ko.

Nilingon niya ang bakanteng likuran at bumaling ulit sakin.

"Pahiram lang ng balikat saglit." Aniya.

"Huh? Pwede namang sa likod na lang-"

"Noon nga sa balikat kita natutulog, bakit ngayon hindi na pwedeng ako naman?"

"Noon yon. Iba na ngayon."

Kumunot ang noo niya, "Kung makapagsalita ka ng noon parang ilang dekada na talaga ang nakakaraan ah? Tatlong araw lang naman tayong nawala sa Bantayan."

"Whatever! Kung ayaw mo sa likod, edi ako doon!"

Tumayo ako at bahagyang yumuko para maglakad papunta sa likod ng van.

At linsyak, biglaang nag brake si manong driver kaya ayun at napaupo ako sa mga hita ni Jayden.

"Darn it!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hinawakan niya pa talaga ang magkabilang braso ko na para bang nagustuhan niya ang pagkakalagak ko sa katawan niya.

Nagsitindigan ang balahibo ko sa haplos niya. This is really really dangerous. Kaya naman agad akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang pagsunod niya ng titig sakin.

Nang nakaupo na ako sa likod ay dinig na dinig ko naman ang malalakas na buntong hininga niya. Damn right? Frustration kills, Jayden. Ganyan yung ginagawa mo sakin noon. Pero ewan ko lang kung bakit ka frustrated, kung dahil ba mahal mo ako o dahil naapakan ko ang ego mo.

Malamig parin ang turing ko sa kanya pagkarating namin sa sakayan papuntang Bantayan.

Dinampot ko yung bag kong dinampot niya rin. Kaya nakapatong iyong kamay niya sa kamay ko. Nagkatinginan kami. Ako, matutulis ang titig ko sa kanya, siya naman nakangisi.

"Let me." Aniya.

Napalunok ako. Damn! Ang daya talaga! Kahit na galit ako sa kanya, gusto ko parin siya. Ito yung dapat kong baguhin sa sarili ko. Kung mag mamahal ako, hindi yung ibubuhos ko ang lahat. Noon, hindi naman ako nahihirapan sa mga relasyon kasi hindi ko siniseryoso. Kung baga, standards yung pinapairal ko noon. Ngayon, hindi na...

Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang nakita ang mga kamay naming ganun parin ang posisyon.

"Ako na, Jayden. I'm a girl. I can handle this." Sabi ko.

"Ako na." Mariin niyang utas.

"I can handle, Jayden." Buntong hininga ko.

"I know... But you don't need to carry this when I'm here, Charity."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya agad ko na lang binitiwan ang bag ko at hinayaan siyang bitbitin ito.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon