Chapter 44

901K 19.6K 4.2K
                                    

Chapter 44

Ang Cheater

Sa pagkakaalala ko sa nangyari sa bar ay pahapyaw lang ang sayaw namin. Noong naramdaman ko ng may sumasayaw sakin ay agad ko siyang tinulak palayo. Nanlaki ang mga mata ko nang narealize na may ibinulong nga pala siya sakin noon bago ako umalis. Bumulong din ako sa kanya noon. Hindi kaya... nagmumukhang may something sa ginawa naming bulungan? Anong klaseng anggulo kaya nakuha ang video?

Nakumpirma ko lahat ng pagdududa ko nang nakita ko ang sobra-sobrang galit sa mga mata ni Jayden.

Wala akong ginawa kundi ang dumungaw sa cellphone ko. Hinanap ko agad ang number ni CJ - ang pinakamabilis na driver sa mga pinsan ko.

Ako:

Cej, fetch me please. Domino Heights, Phase 3, 12.

Pagkasend ko noon ay may humila agad sa braso ko.

"Come here." Malambing na tono ang pagkakasabi niya.

Hindi iyon namalayan ng iba. Masyado silang abala sa pag co-comfort kay Justice. Umalis na si Jake. Masyado atang nahiya sa lahat ng nagawa.

Nang nakapasok na kami sa loob ng bahay nila ay hinawi ni Jayden ang kamay ng mama niya sa braso ko.

"Stop it, Ma! She's my wife! I'll deal with her!" Aniya.

"No. I... deal with her, Jayden!" Tinuro ako ng mama niya.

Nasa likod ng mama niya si Jen na malungkot ang mukha at si Jude na umiiling. Ang mga katulong naman doon ay halos magsitakbuhan sa gulat.

"YOU CHEATER!" Sigaw niya sakin.

"I'm not a cheater!" Sabi ko.

"Ano? Eh ano 'to? Just a fake? It's clearly you at naghahalikan kayo!"

"No-"

Napatingin ako kay Jayden na ngayon ay seryoso at pinapanood lang ako. I guess that's it, huh? Pati siya ay nagbago na rin ang tingin sakin.

"Naghalikan ba kayo, Charity?" Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Parang dinurog ng pinung-pino ang puso ko. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Siguro si CJ ito, tumatawag.

"We didn't kiss, Jayden." Sabi ko.

"You were too drunk, right? Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Yan ang ayaw ko sa mga babaeng kagaya mong masyadong liberated! Akala ko pa naman pinalaki ka ng maayos ng ama mong Mayor pa! What happened? Jayden, son, its never too late-"

"SHUT UP!" Sigaw ko sa mama ni Jayden.

Nakita kong napatalon si Jen at Jude sa likod niya.

"Alam kong kahit kailan masama ang tingin mo sa ama ko kaya hindi mo magagawang isipin na pinalaki niya ako ng maayos! But guess what, yes, pinalaki niya ako ng maayos! Kaya nakapagtimpi ako ng ganito ka tagal kahit masahol ang ugali ninyo. At pinalaki niya nga ako ng maayos kasi kaya kong magsalita kung kinakailangan!"

Dirediretso ang pagsasalita ko.

"Aba't sumasagot kapa kahit na kitang kita sa video-"

"I did not kiss him, alright! Sumayaw ako at bigla siyang sumulpot. Bumulong siya sakin at bumulong ako sa kanyang aalis na ako. Tinulak ko siya at umalis ako ng tuluyan! Seriously, have you seen the video?" Napangiwi ako.

"Umalis  kayo para pumunta kung saan and to do God knows what!" Hysterical na ang mama niya.

Npapapikit ako sa frustration at inis. For the last effing time, sumulyap ako kay Jayden para mag abang ng tulong niya pero wala siyang ginawa kundi ang mag iwas ng tingin at matulala sa sahig.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon