Chapter 41

878K 19.4K 3.2K
                                    

Chapter 41

Ang Kondisyon

Buong hapon kong pinanood si Jayden at ang kanyang mga kapatid na naglalaro ng Xbox. Mabuti na lang at hindi na ako masyadong ginulo ng mommy niya kasi may lakad sila ng kanyang daddy.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Wala sa isip kong kinuha ito at muntikan na akong malakas na napamura dahil sa sakit na naramdaman ko sa kamay ko.

Bago ko sinagot ang cellphone ko ay nakita kong may nakasalubsob na bubog sa palad ko. Kanina, akala ko mahapdi lang ito dahil may sugat. Pero ngayon, iyon naman pala. May bubog na hindi natanggal.

Sumulyap si Jayden sakin nang nanalo siya.

"Damn! I hate you, Kuya!" Sabi ni Jude.

Ngumisi ako at agad ng tumayo para sagutin ang cellphone ko.

"Hello?" Tumatawag si A sakin.

"Hello!?" Excited niyang sabi. "Nasan ka?"

"Syempre, nasa bahay nina Jayden."

Lumingon ako kay Jayden at sinenyasang lalabas muna ako nang sa ganun ay makausap kong mabuti si A. Tumango naman siya.

Pagkalabas ko sa bahay nila, bumungad sakin ang naka tayong mga malalaking tent. Sa loob ng mga tent ay ang nakalatag na bilog na mga mesa. Mukhang pinaghandaan nga ng mabuti ng mama ni Jayden ang pagbalik niya. Iyon nga lang, sobrang disappointment ang natamo niya dahil sa akin.

"Sama ka? Punta tayo Premier." Anyaya niya.

Kumalabog ang puso ko. Naiimagine kong maglalakad kami ni Jayden at nag ho-holding hands habang namimili o nag wi-window shopping sa mall na iyon.

"Huh? Ah... Eh..." Hinawi ko ang buhok ko at hinarap ang fountain nila sa garden.

"Sige na! Magpaalam na lang muna kayo dyan. Let's say, uuwi ka rin ng mga alas otso."

Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas singko na. Apat na oras ng wala ang mama at papa di Jayden. Malamang ay pauwi na sila ngayon sa kung saan man sila nagpunta.

"Gusto ko. Kaso. Mejo masungit yung mama ni Jayden sakin. Baka hindi kami payagan."

"Ano? Problema pa ba yan? Kasal na kayo. Wala na silang magagawa. And besides, who wouldn't like you?"

Napapikit ako sa linya ni A.

"Who wouldn't like me? Pakiramdam ko katulong lang nila ang kasundo ko dito. Of course, Jayden, too."

"O, edi solb! What's wrong with that? As long as mahal ka nung tao. Walang problema."

Umiling ako.

"You don't understand, A. Iba pag ganito. It's like... kasal na kami at pamilya niya iyan. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong makisalamuha sa kanila. I can't just be tactless here. Kasi konting pagkakamali ko lang, tatatak na yan sa utak nila."

Humugot ng hininga si A, "Abah. Bagong linya yan, ah." Humalakhak siya.

Napangiti rin ako. Alam kong ang ibig niyang sabihin ay mature na ang mga problema ko. Na ungusan ko na ang mga problema nilang damit at bagong mga club.

"Alright, Cha. Just be yourself, okay? They will love you."

Umiling ulit ako. Hindi ko na lang dinagdagan dahil alam kong kahit anong sabihin ko ay igigiit ni A na magugustuhan ako ng pamilya ni Jayden.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon