Chapter 34

1.1M 21.3K 3.7K
                                    

Chapter 34

Ang Bridal Shower

Agad kong inalala ang pag inom ko ng pills. I'm sure kahit na papakasalan na ako ni Jayden ay wala pa sa isip niya ang magkaroon ng pamilya. Natigil ako sa pag inom nang kinuha niya iyon pero nabawi ko rin naman kaya okay pa siguro.

Pagod na pagod kami nung gabing iyon. Ahi-hi-hi. Ako pa talaga yata ang unang nakatulog kasi wala na akong maalala pagkatapos ng pang limang round. Kinusot ko ang mata ko nang naramdaman ang liwanag galing sa glass window ko.

Umaga na pala.

Nilingon ko ang katabi kong si Jayden pero nakita kong wala na siya doon. Ang OA pero kinabahan agad ako. Was it all just a dream? Ilang araw ba akong nakatulog?

Gumalaw ako at naramdaman ko ang hapdi down there. Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang umupo. It was not a dream. Nakumpirma ko ito nang binuksan ni Jayden ang pintuan. Topless siya at naka jeans.

Ulam na agad! HAHA

Nakita kong may dala siyang tray.

"Breakfast in bed." Kumindat siya at nilapag iyon sa table malapit sa higaan ko.

"Good morning!" Bati niya sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning..."

Tumaas ang kilay niya at humalakhak siya.

"Napagod ba kita kagabi?"

Uminit ang pisngi ko, "Mejo." Natawa rin ako.

Pinagtabi ko ang dalawang tuhod ko. Tumaas ang isang kilay niya at nakita kong ngumisi siya.

"Ayaw mo na? Or you're playing hard to get again?" He chuckled.

"Of course, gusto ko!" Agad kong sinabi.

He chuckled again. Tumindig ang balahibo ko nang tumabi siya sakin at kinuha ang isang plato na may bacon, rice at sunny side up egg.

"Kumain na tayo, pagkatapos nito, magtoothbrush tapos pumunta na agad tayo sa huwes."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Hindi man lang tayo maliligo o di kaya magbibihis?"

Ni head to foot niya ako at sumimangot siya.

"Of course, dapat kang mag bihis ng shorts o kahit ano, Cha. Hindi pwedeng magpapanty ka lang dun."

"Hindi talaga tayo maliligo?"

Umiling siya, "Nope. First things first. Kasal muna, pagbalik natin dito, sabay na tayong maligo." He winked.

Naramdaman ko agad ang init sa kalooblooban ko. Buti na lang at seryoso si Jayden sa sinasabi niyang pagmamadali namin papuntang huwes. Baka maantala ang kasal namin pag ako ang magdedesisyon. Parang mas feel kong manatili na lang sa condo at mag cuddle kasama siya. Cuddle na mauuwi sa make-out session. Make out session na mauuwi sa paliguan. Damn!

Naka short-shorts lang ako, floral top, gladiator sandals. Siya naman ay naka jeans lang, black v-neck t-shirt. He still so gorgeous! Sa bagay, kahit naman walang damit yan ay nakakapanlimot parin ng pangalan.

Napa head to foot ang huwes nang nagpunta na lang kaming bigla sa opisina niya.

Siniko ko si Jayden at ginapang ako ng kaba habang masusi niya kaming tinignan.

"Jayden, he's probably cancelling our wedding. I mean, wala tayong witnesses today, and also, I don't think shorts is a proper attire. Napirmahan na ba ni Daddy yung consent? Ni hindi pa tayo nakakapagseminar about sa mga chuchu? Yung about sa marraige, family planning at kung anu-ano pa-"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon